Chapter 7: Karanasan sa paligid

0 0 0
                                    

----Apartment----

After nung nangyare nung gabi nayun sakin ( mahal na araw ) Nagpunta kame ng ka live-in ko sa simbahan ( quiapo) para magdasal. Hindi naman kame palasimba kaya siguro medyo lapitin kame ng mga badspirits. Hindi naman kme nagtagal sa simbahan at lumabas nadin kme. Pglabas namen sabi ng ka live in ko may bibilihin lang daw sya at babalik din so hindi nako sumama at nagpaiwan nalang sa harap ng simbahan para don ko nalang siya antayin. Hindi pa nakakalayo yung jowa ko eh may matandang babae akong napansin na nakatingin sakin. Ang creepy ng face nya as in, di ako judgemental ha, pero habang nakatingin siya sakin tumaas talaga balahibo ko. Pero sympre dedma nalang ako dahil ayoko ipahalata na natatakot nako. Nag cellphone nalang ako para makaiwas sa tingin nung matanda. Mayamaya may kumalabit sakin, akala ko yung ka live in ko na, yun pala yung matanda. Sabi nya sakin bilihin ko daw yung dala niyang anting-anting edi na weirduhan ako sa kniya kaya diko pinansin. Tapos parang nagalit sya sakin at bigla nalang nawala yung matanda ng diko namamalayan. Bigla naman dumating yung ka live in ko sabi nya sakin bakit daw ako namumutla at bakit daw ako nakaharap sa poste eh ang naaalala ko nasa pintuan ako ng entrance ng simbahan. Diko nalang din pinansin at umuwi nalang kame. Pag ka dating namen sa inuupahan nameng bahay nandun plang ako sa gate sumakit na agad tyan ko na parang may umiikot sa loob na ewan. Sbi ko sa sarili ko baka dahil sa kwek kwek na kinaen ko sa kanto kya masakit tyan ko . Pero di naman ako nadudumi. Hindi naman ako nag isip agd ng kung ano kaya itinulog ko nlang. Ilang saglit lng nakaidlip nako. Mayamaya parang naalimpungatan ako na ewan tapos hindi nanamn ako makagalaw. Pero naaaninag ko sa pintuan ng kwarto namen yung matanda sa simbahan, nakaturo siya sakin. Diko alam kung sakin o sa likod ko o sa pader basta ang direksyon ng dliri nya banda sakin. Umiiyak nako at gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Grabe dasal nako ng dasal. Hanggang sa magalaw ko yung daliri sa paa ko at yun nakagalaw na buong katawan ko. Nagising akong umiiyak at takot na takot. Pero ang pinaka nakakatakot pa ay yung nakita ko yung anting-anting nung matanda nakasabit sa pader sa bandang uluhan ko. Jusko po! Napasigaw nalang talaga ako sa takot. Nang biglang pumasok sa kwarto yung ka live in ko at tinanong ako ano ba nangyayare sakin. Sabi ko nmn sa kanya san galing yung anting anting? Ang sagot nya sakin nasa wallet ko daw, kinuha nya at naisipan nyang isabit sa pader nmen sa kwarto. Eh hindi ko naman binili yun sa matanda kaya nagtaka ako bakit nasa waet ko yun. Tinanggal ko kaagad yung anting anting at gusto ko na itapon kaso ayw ng partner ko. Itabi ko lang dw kase baka swerte. Edi inilapag ko nalang sa lamesa yung anting anting. Sumasakit padin yung tyan ko nung mga oras nayun. Hindi ako nakakaen kinagabihan at nung madaling araw nagising nanamn ako (3am) sakto talaga palage. Gusto ko sana pumunta ng banyo kaso naunahan ako ng takot. Sumasakit nadin pati yung sa balikat ko. Naalala ko dun sa parte ng masakit sa balikat ko dun ako kinalabit nung matanda. Itinulog ko nalang ulit yung sakit nagpahid ako ng mga oil para medyo mawala yung sakit kaso wala padin. Hanggang sa nakatulugan ko nalang. Kinabukasan nagkwento na ko sa partner ko kung ano nangyare sakin sa quiapo nung iniwan nya ako sa simbahan. After nun naghanap sya ng manghihilot. Pumunta sa bahay namen yung manghihilot pagpasok palang nya sa kwarto sabi agd ng manghihilot na ilipat daw namen yung pwesto ng kama namen kase masama daw na nakatapat yung paanan namin sa pintuan. Di nako nagtanong kung bakit, tapos hinihilot nya ako napatigil sya sabi nya sakin may nagpapaalis daw sa knya. Sabi ko sino naman at bakit sya papaalisin. Matanda daw na babae. Minumura daw sya bumubulong dw sa kniya. Sympre natakot ako kaya nagkwento nadin ako don sa manghihilot about dun sa quiapo. Sabi sakin nung manghihilot hindi ko daw talaga sa quiapo una nakita yung matanda. Nakita ko nadaw talaga yun dun mismo sa inuupahan namen kaso di ko daw pinansin kaya sinusundan daw ako at nakahanap ng tyempo yung matanda na lapitan ako kase wala yung partner ko sa tabi ko non. Sabi pa sakin ng manghihilot wala dw kaylangan sakin yung matanda kaya lang daw nagpakita sakin yung matanda kase may kakayahan talaga ako makakita ng mga ganon. Sabi nalang ng manghihilot babalik nalang daw sya mamayang hapon para itawas naman ako. May binigay siya sakin na oil at ipahid ko daw sa tyan ko at dun sa sumasakit na balikat ko para mawala daw ang sakit. Medyo nawala naman yung sakit na nararamdaman ko nakakaen nadin ako pero sinusuka ko yung kinakaen ko yung balikat ko naman bumibigat. Hanggang sa hapon na dumating na ulit yung manghihilot.
May hinampas hampas sya sa pader ng buong bahay except sa kwarto namen. Ayaw nya daw kalabanin yung matanda nayun kase dun daw naka kwarto dati yung matanda sa kwarto namen. ( tumataas balahibo ko habang nag ta type ako ) Naglabas ng kandila at humiram sya samen ng maliit na palanggana. At yun nag orasyon sya dun. Hindi ko naman maintindihan pero nakikinig padin ako. Sabi nung manghihilot ang gusto daw nung matanda na umalis kame don sa bahay na inuupahan namen. Ang problema lang eh wala pa kameng sapat na pera para makalipat agad. Kaya nanghingi nalang ako ng pangontra para di naman na kme gambalain ng matanda pansamantala. May binigay siya sakin na kulay pula na tela pero may laman sa loob wag ko nalang daw buksan at lagi ko lang daw iyon dalhin kahit san ako magpunta. Pero may sinabe sya sakin na may gamit daw yung matanda na nasa akin. Naalala ko yung anting anting na nasa partner ko. Kunin ko daw yun at ilibing at magdasal. Ginawa ko naman yung mga sinabe nya. Ilang araw nang nakakalipas wala nang nagpaparamdam samen hanggang sa dumating yung araw na lilipat na kame ng bahay pero malapit lang din dun sa bahay na inuupahan namin dati at may lilipat nadin dun sa paupahan nayun. Nung nakalipat na kame naging okay nadin ang lahat. Pinabless din namen yung nilipatan nameng bahay para di maulit yung dating nangyare samen. Nakikibalita padin naman ako sa pamilyang lumipat don sa dati nameng inuupahan at may mga kwento din syang nakakatakot.

----Sakal----

One day pinauwi ako ng kuya ko papunta sa bahay niya para mag bantay syempre sinama ko pamilya ko asawat anak ko, so pag dating palang namin sa bahay na yun parang may something na di kami welcome sa bahay na yun, una sa asawa ko may nag pa ramdam sa kanya habang kami tulog nun mag kahiwalay kami ng higaan nun katabi ko yung panganay kung babae sa higaan tapus siya katabi niya yung hipag ko at bunso namin saka pamangkin ko sila mag kakatabi, mga bandang 2 or 1 ng hating gabi na alimpungatan ang asawa ng biglang may bumulong sa kanya di niya malaman kung sino kasi parang bata ng tignan niya walang tao ang buong akala niya pinag titripan ko siya, edi itinulog nalang niya dinalang niya pinansin pa yun, kinaumagahan kinwento niya sakin ako di naman naniwala, ng gabing kami nalang tao sa bahay dito na nagumpisa mag bago ang lahat sakin, dito nako naniwala sa lahat sa mga kakaibang nangyayare, kasarapan ng tulog namin ng gabing yun ng maramdaman kung di ako maka hinga, parang may sumasakal sakin halos maiyak nako kasi hindi nako maka hinga, sigaw ako ng sigaw pero walang boses tinatanggal ko yung kamay na dumadagan sa leeg ko ang buong akala ko pa nga paa lang ng bunso ko na sumisipa sa leeg ko kaso hindi, ng subukan kung imulat mata ko wala naman sumasakal sakin pero nahahawakan ko kamay ng sumasakal sakin, Take note dalawang kamay ko gamit ko sa pag tanggal ng mawalan nako ng lakas laking gulat ko nawala sumasakal sakin, at bago ako mawalan ng malay napansin ko hinlalaki ng daliri ko sa kamay ang sumasakal sakin, yung bang naka diin pala siya sa pulso ng leeg ko, pero alam kung dalawang kamay ko gamit ko sa pag tanggal dun sa kamay pero bakit ganun sarili ko palang kamay ang muntik na sakin pumatay? pag ka umaga takot na takot nako sa bahay na yun pag dating ni kuya kinwento ko sa kanya yun, pero isa lang sagot sakin matuto na daw akong bago matulog mag dasal muna kasi walang ibang tutulong satin kundi ang may lumikha ng lahat, dahil dun di na talaga ako natutulog ng di nag papasalamat sa lahat.

Ang Kwento ng Pangatlong MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon