Chapter 12

11.6K 221 6
                                    

L A U R E N 

No. I don't believe this. Imposibleng at hindi siya pwedeng bumalik. Sino pa ba ang hindi magugulat na ang taong inakalang mong iniwan ka at ipinaranas sa'yo kung gaano kasakit ang iwan ng walang dahilan. Halos isang taon ko siyang iniyakan nang dahil sa ginawa niya. I just wanted to slap and to stab him right now, parang gusto ko na rin siyang patayin ng dahil sa ginawa niya.

"Mr. Stephenson, thank you for accepting our offer to be the official Engineer of DVG," my dad greeted him.

I even rolled my eyes. Oo nga pala, hindi alam ng mga magulang ko ang relasyon namin. Ang alam lang nila ay NBSB pa rin ako hanggang ngayon. 'Ni hindi nga rin nila alam na iniyakan ko ang lalaki na nasa harapan ng ama ko ngayon, e!

"I'm glad to be part of your growing Architectural Company, Mr. Del Valle." He smiled and shook hands with my father.

"Well, let me introduce to you my daughter, Lauren." Inilapit ako ni Dad at ipinantay sa kinatatayuan niya. I smiled professionally at him. "She is holding the Landscape Architectural Department."

Matigas ko siyang tinignan at kahit 'ni isang pagkislap ng mata ay hindi ko magawa. Gusto ko, sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanya ay maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko sa pag-iwan niya noon. "Nice to meet you, Mr. Stephenson." Emphasized his last name.

Doon naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at napalitan ng malambot. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at pilit na nakangiting tinanggap 'yon. "Ms. L-Lauren."

Agad naman akong kumalas at inirapan siya, mabuti nalang at hindi ako masyadong makikita ni Dad, dahil kung hindi, sinigawan na ako 'non. 

Napataas pa ang bahagi ng kilay ko dahil ang lakas naman ng loob niya na dito pa siya bumagsak. Oo, magaling at propesyonal siya na Engineer dahil siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Harvard University ng Amerika.

Ngayon, sinong hindi ang mag-aagawan sa mga nalalaman niya at ang galing niya pagdating sa larangan na pinili niya? Tumikhim ako para ipamukha sa kaniya na isang propesyonal at walang halo na iba.

"C'mon Mr. Stephenson, I still need to discuss some other things with you," nakangiting sambit ni Dad. Gano'n lang siya makangiti dahil nakakuha na naman ng magaling tauhan.

For the 'nth time, I rolled my eyes. Agad naman akong kinalabit ni Lexa sa balikat ko. "Still not expecting that," she said.

"How dare he?" Iritableng sambit ko sabay tingin sa mga likod nila na naglalakad palayo sa amin.

"As I observed, still the same -- Arthur Dax C. Stephenson." Pinagsingkitan ko pa siya ng mata nang sabihin niya ang buong pangalan nito.

Umiling-iling nalang ako at bumalik na kaming pareho sa opisina namin ni Lexa. Agad akong umupo at humigop ng kape na nasa lamesa ko. I swallowed, hard. 

He has more matured features as of now. He still has those pair of metal gray eyes.
"After these years?! Fúck him!" I exclaimed through gritted teeth. Sabay ko na rin na ibinagsak ang tasa na hawak-hawak ko sa lamesa.

I'm so damn irritated because of his whole presence now in here. He is just the person I hated the most. "Makapal talaga ang mukha ng Arthur na 'yon pagkatapos niyang pagmukhain kang tanga?! Ugh!" Nakisabay rin si Lexa sa init ng ulo ko.

Tumayo ako muli at tinignan ang view mula sa malawak na bullet-proof glass window namin. Tuloy-tuloy na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bigla na lamang pumasok sa isipan ko na hindi ko na kailangan mainis dahil ilang taon na rin ang nakaraan, at alam ko sa sarili ko na hindi na dapat ako magpapa-epekto sa kaniya.

Heart By Heart (The Architects Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon