L A U R E N
Bumuntong hininga nalang ako at pinilit na tumayo upang ihanda ang agahan para sa sarili ko. Pumunta muna ako sa ref at tinignan kung anong pwedeng lutuin. Kinuha ko nalang muna ang pitsel at saka nag-salin ng tubig sa kinuha kong baso.
Narinig ko namang nag-ring ang cell phone ko. "This is Lauren Del Valle, speaking."
"LAUREN!"
Napa-tsk nalang ako sa sobrang lakas ng boses ng aking sobrang malapit na kaibigan na si Lexa. "Megaphone!" Tawag ko sa kanya.
I heard a giggle from my dear, dear best-friend. "'Wag ka ngang bitter diyan, Lau! Sobra a!"
Naipipinta ko na tuloy kung ano ang disappointed, pero cute na mukha niya. "Dalawang linggo ka kaya nawala!" reklamo ko.
"Si Axel kasi e, alam mo naman 'yon, gustong-gusto ng surprises!"
I rolled my eye-balls at umupo at humigop ng kape bago mag-salita. "Sasanay-sanayin ka ng ganyan tapos, iiwanan ka din," sabi ko, na may halong pait sa tono ng aking boses.
"Alam mo, ang bitter mo talaga Lau! Iba kaya si Axel!"
"Lakas mong depensahan 'yang Axel mo na 'yan, na'ko! Iiwan ka din niyan!"
Sabi ko pa, at nagde-kwatro at humigop muli ng kape. "Hmp! Bitter! Nagpa-loko ka, kasi e! Hahaha!" asar niya sa akin.
"Shut that damn silly mouth of yours, Lexa Marie!" banta ko sa kanya.
Hanggang kailan talaga, isip-bata. "Grabe naman 'to! Pero, na-miss mo naman ako 'di ba?!"
I rolled my eye-balls again. "Hindi kaya," depensa ko naman.
"Lau kasi, seryoso! Na-miss mo 'ko 'no?!"
"Seryoso ka sa lagay na 'yan, Lex? Really?" I said in a sarcastic tone.
"Oo naman! Seryoso ako 'no!"
"Hindi kaya," pang-lalait ko pa.
"Lau naman e! Ako kaya! Sobrang miss na miss kita!"
Palibhasa, parang hindi pa nakaka-alis sa 'high-school days' e. "O, sige sige, I miss you!" sabi ko nalang na parang hindi nag-kukunwari.
"Yay! I miss you too, Lau!"
Buti nalang at sanay na ako sa ganitong sitwasyon e, 'no? Sa Perez Sisters pa nga na sina Del, Ivy at Lia ay sobra-sobra pa ang kakulitan. Si Lexa lang talaga ang ganitong mood kapag hindi boring ang araw niya- lalo na at kasama niya ang kanyang fiancé na si Axel ng isang buong araw.
"Parang honeymoon naman ata ang ginawa niyo ng fiancé mo a!" reklamo ko.
She let out a slight laugh, haha! Ang cute. "Puro surprise kasi si Axel e! Pabayaan mo na!"
"Kahit na malapit na ang kasal niyo ay baka mag-hanap pa rin ng iba 'yan at iwanan ka bigla sa ere," madamdamin kong tugon sa kanya.
Sumipsip ako muli ng kape at kinalkal ang placemat na nasa harapan ko. "Grabe! Hugot pa, Lau! Ang laki sobra ng hinanakit mo!"
"Talaga," matigas kong sinabi.
"Kalimutan mo na nga 'yan, Lau! Sa akin mo na naman ibinubuhos ang galit mo!"
"Pasensya na, may natira pa e," wika ko at sunod naman na kinalkal ang aking kuko.
"Psh! Natira?! For pete's sake! Halos anim na taon na, Lau!"
Napailing-iling ako, bakit ko nga ba dinala ang paksa na ito? "Oo na, oo na...kailangan ko ng kaibigan mamaya sa DVG a!"
"Oh, sure! Sure! Nag-leave ako ng dalawang linggo, kaya 'wag kang mag-alala! May kasama ka na ulit sa office nating dalawa!" masigla niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Heart By Heart (The Architects Series #2)
Romansa[The Architects Series #2: Lauren Del Valle] Traumatized by her past love, Lauren Del Valle still manages to move on and have a good career-the princess of the Del Valle's, one of the highest-paid Architect in Asia, and having the looks and an att...