Chapter 2
Umalingawngaw ang ungol ng leon sa buong kulungan nito, halata ang panggigigil nito at gutom ng makita ako.
"Aalis na po kami Prinsesa Divina. Mag-iingat po kayo sa leon, kung ano man ang gagawin nyo diyan." Ngumisi lang ako sa sinabi ni Hansel.
"Hindi ako magpapasalamat dahil maykapalit 'yan." Mapaglarong sabi ko. Hindi talaga ako nagpapasalamat kahit kanino. Wala akong dapat pasalamatan dahil lahat ng nakukuha ko ay dahil din sa akin.
"Sige po. Basta mag-ingat kayo." Nagbow na sila at umalis.
Maaga silang dumating dito na ikinatuwa ko. Alas otso pa lang ng umaga ngayon at magaan na atmosphere agad ang sumalubong sa akin. Sana lang ay hindi masira.
Nilakad ko ang underground kung saan nandoon ang kulungan ng mga mapangahas na nagpupunta dito ng walang pahintulot. Akala niya siguro ay hindi ko tototohanin ang mga salita ko. Pwes mas aagahan ko pa.
Pinatunog ko ang hawak kong pamaypay sa rehas ng kulungan. Tumigil ako ng mahagilap ko kung naasaan ang lalaking pumasok sa silid ko kanina. Napaka suwerte naman niya na nakita niya ako sa ganoong tayo.
Tulog pa ito ng madatnan ko.
Umupo ako para makita ng tuluyan ang kalagayan niya. Madumi na ang mukha niya at medyo punit na rin ang damit at kung ididikit siya sa mga pulubi sa labas ay maaaring masabing baka kapamilya na niya ang mga ito. Napansin ko din ang peklat nito sa taas ng makapal nitong kilay na nagbigay pa sa kanya ng karagdagang amor. Maputi naman siya kahit dungisan na. Litaw pa rin ang mapupula at manipis nitong labi. May pointed nose din siya at define na define ang jawline nito dahil sa medyo patagilid nitong puwesto. Teka nga. Bakit pinupuri ko ang kanyang pisikal na katangian?
Shut up mind!
Nagising siya at nakita ko ang deep hazelnut eyes nito. Napapiglas ako napatayo ng bigala ng magtugma ang mga mata namin.
"Gumising ka na!" Sigaw ko dito.
"Ahahaha! Gising na po... chill pretty... Princess?" Nakakaloko pading sabi niya. Hindi ba niya alam na ngayon ko siya ipapalapa sa leon ko. Bakit ba sobrang masiyahin niya?
"Can you stop calling me that way?"
"Why pretty Princess? Hindi ako nagsisinungaling sa nakikita at sinasabi ko."
"I said stop! I don't know you and you don't have the rights to annoy me like this." I lost my temper.
"Then I am your Prince, Leon. Let me know you more." So, leon versus Leon?
"F*** you!" I cursed him.
"Hmm... bad mouth... but I can make it the sweetest." He pout his lips at tila mo ba'y may-iniisip. Hindi naging maganda sa pandinig ko ang sinabi niyang iyon.
"Don't you ever meddle in my life. By the way, you'll be dead now. Get up or you want to be dragged by the guards." Padabog akong umalis sa under ground. Hinilot ko ang sintido. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Nakakainis!
Imbitado sa show ang lahat ng mga taga-labas at napuno ang mga upuan ng mga tao. Hindi pa pinapakawalan sa battle field ang leon pero si Leon ay kasalukuyan ng pinipilit iluhod ng mga kawal. Nagpupumiglas siya ngunit hindi halata sa mukha niya ang pagkatakot. Kalmado lang ang mukha niya.
I am sitting at the highest part of the throne. Kitang kita ko ang kabuuan ng battle ground.
The torch lightened and the horn blowed loud on its warmest sound.
It will start soon. Bakit hindi pa rin siya kinakabahan.
"Start the countdown." I said it out of annoyance.
"Start the countdown!" Sigaw ng pinuno ng mga kawal.
"Tatlo!" Sigaw ng lahat kabilang ang mga taong nanunuod.
"Dalawa!" Iba-iba ang mga naging ekspresyon ng mga tao. Ang iba ay napangiwi na ng marinig muling umalulong ang leon.
"Isa!" Bumitaw na sa kanya ang mga kawal at tanging siya na lamang ang natira sa kalawakan ng battle field. Nakaposas ang mga kamay nito sa unahan.
Unti-unti ay nararamdaman kong umaangat sa ere ang buong braso at kamay ko.
Natigil ang lahat.
Napatingin sya sa 'kin at ganoon pa din ang ekspresyon.
Sinenyasan ko ang pinuno ng kawal na lumapit sa akin.
"Ipatanggal ang posas na nakakabit sa kanya." Bulong ko dito.
"Masusunod po." Agad itong pumunta sa iba pang mga kawal at tinanggal ang posas nito sa kamay.
I'm giving him a favor, a chance to fight for himself. Kahit salag na lang ang magawa niya basta hindi sya mamatay ng hindi lumalaban.
"Release the lion." I said with finality.
Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng kulungan ay agad na sumugod ang gutom na leon sa lapastangang Leon na 'yon.
Nanatili akong mapagmasid. Nang makalapit sa kanya ang leon ay hinawakan niya ito sa bibig. Bagama't malakas ang kanyang kamay sa pagbuka ng bibig leon ay hindi niya naiwasan ang kalmot nito.
Tinamaan ng kalmot ang kanyang kaliwang braso kaya napaatras siya at nadambahan ng leon. Sinubukan pa rin niyang manlaban kahit nagkanda sugat-sugat na maging ang binti at buong katawan niya.
Bago pa 'man siya malapa ng leon ay isang palaso ang tumama sa leeg ng leon na ikinatumba nito. Ikinagitla ng lahat ang nangyari. Maging ako ay napasinghap.
It was almost his dead end.
Tumingin ang lahat sa taong pumana sa leon. At ako iyon. Hindi ako pumalya. Hindi inaasahan ng lahat ang ginawa ko. Bakit ko nga ba ginawa iyon? Parte lang iyon ng pag-eensayo ko.
Tumambad sa akin ang hingal na si Leon sa kalayuan at mukhang tagumpay na ngiti nito.
I can't believe myself kung ano na ang nangyayari sa akin.
"Tapos na ang palabas." Malamig na sambit ko.
Natahimik ang lahat. Bumaba na ako kasama ang mga kawal. Walang lingon-likod akong lumakad. Ipapahinga ko na ang araw na ito.
"Tawagin ang magaling na tagapag-medisina. Bukas ay pakakawalan na ang lalaking iyon." Utos ko sa pinuno ng kawal.
"Ipahanda mo bukas rin ang karwahe. Gusto kong ako mismo ang maghatid sa kanya sa pinakamalayong nayon mula dito."
~♡~
Vote, Comment, Share
Thank you♡
BINABASA MO ANG
The Wicked Princess
Teen FictionShe is a princess. Sadly no one recognized her as a good princess, though she really is. She is wicked, she is not the fairest, she's not perfect, but her imperfection became the way to the heart of a man who will love her and will treat her the mos...