Chapter 21:Curiosity/Problem.

66 4 3
                                    


Amber's POV

"Hooy!Baka matunaw na yang phone mo."sabi ni chat at binato ako ng popcorn.

Tinignan ko si chat."I'm just worried..."sabi ko at muling tinignan ang phone ko.Nagbabakasakaling magtext si princess at harry ni hindi man lang nila sinabing mag-oovernight sila.

"Worried or jealous? Malaki ang pagkakaiba nun ambie."sabi niya habang patuloy kumakain ng popcorn.Nagmomovie marathon kasi kami dito sa room namin ni princess.

"Ano worried or jealous?" binato ko siya ng unan sa tabi ko at sumapol ito sa kinakain niyang popcorn kaya natapon ito."Paksh*t!Bakit mo ginawa yun amber?" pinulot niya yung mga popcorn na natapon.

"Epal ka kasi...worried lang talaga ako sa kanila."

"Kainis!Makakuha na nga lang ng bagong popcorn.Tse bitter."sabi niya at pumunta sa kitchen.

Siguradong ubos na naman ang mga pagkain namin sa kitchen nito.Ang takaw kasi ni chat pero nakakapagtaka lang dahil hindi siya nataba.Ano bang meron sa loob ng tiyan niya?

Bumalik ito na may dala dalang panibagong bowl ng popcorn at can ng juice.

"Ano nagmessage na?"tanong nito at muling umupo sa couch.

"Hindi pa rin eh..."

Bigla siyang humalikhik."Nasa kalagitnaan sila ng kasarapan—Aww tapon ulit."binato ko kasi siya ulit ng unan at ayun tapon na naman ang pagkain niya.Ang berde kasi ng utak ng lalaking 'to.

"Bakit mo ba ko binabato?Pagod na kong kumuha ng pagkain ha."nang-irap siya.

"Ang halay kasi ng utak mo!"sabi ko.

"Hala?Anong mahalay ang sinabi ko?"tumingin ito sa akin at tinaasan ko siya ng kilay.Kunwari pa siyang hindi niya alam.Asus,kilala ko kaya siya since bata palang kami.

"Ah yung nasa kalagitnaan sila ng kasarapan...Ano?Anong masama dun?Na sa kalagitnaan sila ng kasarapan ng...tulog.Oh?Anong kahalayan dun?Ikaw ha nagiging berde yang utak mo ambie."tumawa siya.Pesteng 'to ako pa!

Ibabato ko na sana ang unan sa kanya pero nagsalita si loko."Sabi ko nga diba?Ako..ako yung maberde ang utak."tinignan ko muna siya ng masama bago ko ibinaba ang unan.

"Ikaw kasi.Malay mo na PAGOD lang sila kagabi dahil alam mo na."kinindatan niya pa nga ko.

Ibinato ko sa kanya ang unan."Ang bastos mo chat!Peste ka!"

"HAHAHAHA joke lang naman hahaha hindi ka mabiro"hirap na hirap siya magsalita dahil sa pagtawa niya.Ano bang nakakatawa?

"Tigilan mo ko chat ha!Hindi nakakatawa."Hmp!Umalis muna ako sa sala at pumasok sa kwarto ko.

Hanggang dito sa kwarto rinig na rinig ko ang tawa ni chat.Ewan ko lang kung hindi sumakit ang panga niya at ang tiyan nya sa kakatawa.

Tinignan ko na lang ulit ang phone ko.Bakit wala pa ring text?Ano bang nangyari sa kanila?

Minessage ko na lang si princess at tinanong kung asan siya.

To:Princess

Good morning! Asan na kayo?Nag-over night pala kayo diyan.Hindi niyo sinabi :3 Awwtss tampo na ko.Hope you reply pagnakita mo na 'to.Take care :')

I sent the message to princess.

Maya maya lang biglang may nag-message sa akin.Excited kong inopen yun kaso...hindi pala si princess.Si chat pala.

Prince Kingdom High.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon