Kapag ayaw na niya,wag mo nang pagpilitan pa ang sarili mo sa kanya.Sa LRT o MRT ka na lang sumiksik, wag na sa buhay niya.
NAPANGITI ako nang makita ko ang number of views ng latest video ko. Hindi ako iyong matatawag na online sensation,pero marami-rami na rin akong followers kompara sa iba.Hindi ko nga inakala na ang first ever video ko dati,aabot kaagad ng one thousand views.Puro kalokohan lang naman kasi ang ginagawa ko.Imagine ,morethan one thousand people were watching my nonsense videos?Then as I posted more videos,I gained more views and followers.Mga wala ring magawa sa buhay ang mga taong nanonood ,eh.
Siguro dahil na rin ito sa impluwensiya ng kapatid ko.Iyong nakababatang kapatid ko kasing si Crane ang sikat talaga.Magaling kumanta ,saka pogi ,kaya hayun,pinagkakaguluhan sa online world .Eh ,one time ,isinama niya ako sa video. May talent din naman kasi ako sa pagkanta kahit papaano.Nag-duet kami .Simula noon.may mga naghanap daw sakin sa account niya.
Then i decided to make my own account,then viola! From time to time ,nagko-collab kami ni Crane pero most of the time.kanya-kanya.Saka mas gusto kong mag-post ng mga kabitteran ko sa love.
Yep.You got that right.Most of the nonsense things I had been posting were things about love .Iyong mga ipinaglalaban ng mga single na "walang forever," "maghihiwalay din kayo ," and the likes.
Nagpo-post din ako ng mga review tungkol sa mga napapanood,nakikita ,nababasa,at nakakain ko .Basta ,kung ano lang ang maisipan kong i -post.
Recording a video,for me,is like talking to a friend.No cuts ,no efits . What you see is what you get.Pak.Ganern.Hindi ako ang klase ng babae na kailangan perfect sa harap ng camera;na kailangan naka-makeup pa para makatahak ng views kasi nga pretty;na dinadaan sa anggulo at effects para super pretty.
Most of the time ,nagme-make face pa nga ako sa harap ng camera.Derp face ba. Mas umaangat kasi ang self-confidence ko kapag may nagko-comment sa video ko na ang cute o ang pretty ko kahit na naka-wacky pose ako.Saka mas gusto kong mabasa ang mga comment tungkol sa topic ko.hindi sa mukha ko.Weird ba?
Parang sa pakikipagrelasyon lang iyan,eh.You have to show your bad side to your other half ,too.Para malaman mo kung matatanggap niya pati ang mga imperfection mo. Am I great or what?
Aside from videos,puwede ring mag-post ng texts o photos sa checklist ang pangalan ng Web site kung saan may account kami ni Crane.Kaya kapag tinatamad akong mag-record.nag-popost lang ako ng kung ano-ano .May forum,chatroom ,at kung ano-ano pa sa Checklist. Puwede ka ring mag-send ng message sa ibang members.
"Ate!"
Mula sa laptop ay napabaling ako sa pinto.Buwisit din minsan tong kapatid ko,eh.Hindi marunong kumatok.Ano ba naman iyong one second na pagkatok bago pumasok sa kuwarto ko?
Pinandilatan ko si crane."Ano?"
"Promote mo naman sa account mo yong bago kong video.Please!"Lumuhod pa ang kumag sa harap ko.
Napailing na lang ako,saka ibinalik ang attention sa laptop."Bahala ka sa buhay mo."
"Ate dee!" tawag niya,saka kumapit sa braso ko na parang unggoy.
"Crane!"
"Please!Kailangan ko lang ng maraming views.
May pustahan kasi kami ng barkada ko.Ate,please naman,o. Please?"
Inismiran ko si Crane.Mas matanda ako sa kanya nang tatlong taon.Pero kahit ganito ako umakto,spoiled sa akin ang kapatid ko.Hindi ko matatanggihan,eh.
"Please lang?"nakangising tanong ko .Kaagad na umasim ang mukha ni Crane kaya lalong lumapad ang ngisi ko."Ibibili kita n'ong gusto mong stuffed toy sa mall,"napipilitang sabi niya
"Deal!"
YOU ARE READING
THE CHRONICLES OF DANA (The Alien,The weirdo,andThe Chatroom)
Misterio / Suspensobe happy