Entry #4

96 6 1
                                    

Jasly's POV

"HALIMAW! ANO BA?! KAILANGAN KO NG PUMUNTA SA SCHOOL! ANO BANG GAGAWIN NATIN DITO?!" waaaaah! Gusto ko nang umalis ditooooo! TT0TT ....Asan kami?... Sa isang kwarto na puro damit... Na may isang babaeng nakatayo...

"Shut up! Just follow her!" Tapos tinuro niya pa yung babaeng katabi ko... Tapos umalis na siya... Ano naman ang gagawin ko dito? Ugh! Kainis na halimaw!

"WAAAAAAAAAHHHH! GUSTONG GUSTO KO NA UMALIS DITOOOOOOOO!" tapos pumunta ako sa pinto...

Pinihit ko hung door knob.... LETCHE! Naka-lock?! Aba nga naman at mautak rin pala yung halimaw na yun!

"GUSTO KO NANG LUMABAS! I SWEAR!" Ako habang naka-upo sa tabi ng pinto...

"Ma'am! Halika na po kayo! Aayusan na po kita!" Ano bang meron? Bakit kailangan pa akong ayusan? Maganda na rin naman ako ah?

"AYOKO! DI KO NA KAILANGAN NG AYOS MO!" Sigaw ko sa kanya

"MAAM! KAPAG DI KA SUMUNOD SAKIN! MALALAGOT AKO KAY SIR!" eh ano naman kung malagot ka? Ikaw naman yun! Hindi ako!

"Ayoko nga sabi eh! A-YO-KO!!!" Sabi ko sa kanya habang nakapikit...

"Ma'am? Anong gusto mo? Pipilitin kita in a nice way? OR! in a harsh way?" Akala niya matatakot ako sa kanya? Hah! In her dreams!

"KAPAG SINABI KONG AYOKO! A-YO-KO WAAAAAAAAAAAAAAH! ANO BA? BITAWAN MO NGA AKO! HINDI KA BA NABIBIGATAN SAKIN? SABI NG MONSTER MONG MASTER MATABA AKO! KAYA DAPAT MABIGATAN KA! ANO BA?! PUT ME DOWN!" ang lakas naman ng babaeng ito! Nakaya niya akong buhatin? Wow ha? Kalahi niya ba si superman? Ang dakila kong tatay?

"I'm sorry ma'am! Pero kailangan ko tong gawin... Ako po kasi ang malalagot" tapos inupo niya na ako sa upuan...

"Okay fine! Tsk!" Pumayag na lang akong pag-eksperimentuhan niya ang mukha at buhok ko... Bahala siya sa buhay niya!

After 14354838 years... Natapos na rin ang pag-aayos sakin... Wow! Di ko alam na may iga-ganda pa pala ako kahit konti? Hahaha! Ang galing niya ha?

Tapos biglang bumukas ang pinto at iniluwa niya ang isang halimaw ....

SHET! ANG PANGET PANGET NIYA!!!

"HOY HALIMAW! BAKIT GANTO ANG AYOS KO AT GANYAN ANG AYOS MO? ANO BANG MERON? OKASYON? EH DI NAMAN AKO INVITED DITO EH! KAYA IBALIK MO NA AKO SA SCHOOL KO! DI MO BA ALAM NA ANG DAMI DAMI KONG NA MISS NA SUBJECT NGAYONG ARAW?! PANO NA LANG ANG GRADES KO?!" sabi ko sa halimaw na nakapamulsa... Ang hilig niyang nakapamulsa ha?

"Liz! Get out!" Tingnan mo toh? Wala man lang manners! Umalis na lang tuloy hung babae...

"Napaka walang manners" bulong ko sa sarili ko...

"Tsk! Bakit ka andito? Kasalanan mo! Bakit? Hindi ba't pinagkalat mong boyfriend soon to be husband mo ako? Kaya eto ... Meron lang naman tayong interview... Kaya galingan mo! Pretend that you're my girlfriend! Be sweet in front of the interviewer and camera's... Be a good girl!" Hanudaw? Interview? Para san? Sino ba siya para i-interview?

"Sino ka ba ha?" Tanong ko sa kanya

Nakita ko namang nagulat siya sa tanong ko... Pero bigla agad itong naging seryoso...

"Seriously? Di mo ako kilala?" Tatanungin ko ba kung kilala kita? Oo kilala kita sa pangalan! Pero sa personal life mo, HINDI!

"Hindi! Bakit? Sino ka ba?"

"I'm Xaris Mariano, ang sikat na artista dito sa bansa natin, pinagkakaguluhan ng mga babae... Maraming naghahabol sakin... Ngayong alam mo na, what do you feel?" Wala -_- pero shete! Siya?! Artista?

My Imaginary Boyfie Slash Hubby (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon