Entry #5

85 6 0
                                    

A/N : Dahil maganda at magandang maganda ang ate ko... Mag u-update ang maganda slash cute na siopao :D... May nagbabasa ba? Haha! ENJOOOOY!!!

--------- Entry #5-------

Jasly's POV

Tingnan mo yung lalaking hinayupak na iyon... Basta basta na lang akong kinuha sa school... Pero di niya man pang nagawang i-hatid ang gandang ganda sa sariling si ako?

Sige lang Jasly! Ipagpatuloy no lang ang paglalakad... Bwiset! Wala akong pera! Naiwan ko ang bag ko! Bakit ba ako mina-malas ngayon? May kumapit bang malas sakin kanina habang ini-interview kami? Ano ba?! Di ako si wonderwoman para makayang maglakad simula dito papunta sa school... Idol ko lang siya okay?

Ano nang gagawin ko? Para na akong pulubi dito na naglakakad... Hindi bagay sa beauty ko ... Nakaka-ewan! Ano ba? Cookie Monster! Please help me! Tulungan mo akong makarating sa school ng mabilisan...

*beeeep*beeeeeep*

"AY ANAK KA NG NANAY MO AT HINDI ANG KAPITBAHAY!" ha ano daw? Paki-ulit please?

Tumingin ako sa likod ko.... Ayan ba ang walang galang na nagmamaneho? Nakikita niyang naglalakad ang tao... Tapos bubusina siya na Padang wala lang? Ano siya? Walang pinag-aralan? Grrrrr!

May lumabas sa kotse "Miss? Okay ka lang ba?" Shet! Akala KO ba minamalas ako? Ang gwapo naman ng nilalang na nasa harapan ko... Nakaka-distruct! Hoho! Pero hindi! Pagkatapos niya ako businahan ng malakas?

"H-ha? ANONG PINAGSASABI MO HA? KA-MUNTIKAN NA AKONG ATAKIHIN SA PUSO! PANO NA LANG KAPAG MAY SAKIT SA PUSO ANG BINUSINAHAN MO NG GANONG KALAKAS? EDI MAPAPAMAHAL KA PA? GAGATOS KA PA PARA SA KABAONG! WALA KA BANG MANNERS?" Sigaw ko sa letseng walang galang na nagmamaneho

"Miss, wag ka naman mag-eskandalo dito" sabi niya habang tumitingin sa paligid...

"HOY LALAKING AKALA MO SA KANYA NA ANG KALSADA! UMAYOS KA NGA! PASALAMAT KA AT MABAIT AKO!" Bigla naman siyang lumapit sakin...

"Miss, wag ka na mag-eskandalo... Pahara-hara ka kasi sa daan eh... Among gusto mo? Ibibigay ko" tumingin ako sa relo ko... Late na ako!

"Psh! Just take me to my school..." Sabi ko sa kanya at naunang pumasok sa kotse niya... Wow! Ang kapal ng mukha ko! Eh anong magagawa ko? Late na ako...

Sumunod na rin siya sakin.  .. Tapos in-start niya na ang engine... Tsaka pina-andar ang aircon... Ang bango bango naman ng kotse niya!...

"Saan ka ba nag-aaral?"

"Sa Strawfurry University... Pwede? Paki-bilisan?" Pakapalan na ng mukha toh! Kailangan kong magmadali...

"Okay" Hindi ko na siya inimik... Ni hindi ko nga siya kilala eh...

Tapos maya maya... Nag-ring ang phone ko...

From : 0928*******

Siopao, wag kang sasama kahit kanino... Malalagot ka sakin... Remember... May nagbabantay na rin sa'yo...

Aba! At san niya naman nakuha ang number ko? Manghuhula ba siya? Pero akala ko ako lang ang long lost grandchild ni Madam Auring?

Ayan! Andito na ako sa tap at ng school... Tiningnan ko yung lalaking naghatid sakin..

"Salamat" tapos tumalikod na rin ako...

"HEY! WAIT!" napatigil ako t tumingin sa kanya...

"Yes?"

"Anong name mo?"

"Jasly, Jasly Cruz /smile/" tapos tumalikod na ulit ako at pumasok na sa school...

My Imaginary Boyfie Slash Hubby (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon