Ch. 1 JUST ALWAYS BE MINE
Ipinaliwanag ko na sa kanila ang buong storya ng buhay ko. Nung una di nila gets hanggang sa napunta sa nagalit nako at agad nalang nila itong na gets. Di ko alam pano pero basta nalang nila sinabi na gets nadaw nila kahit di naman halata. Ahh basta! Gets na daw nila eh bahala sila sa buhay nila.
Siguro ang huli naming pagkikita noon ay nung graduation. Tapos sabay silang naglaho sa Pilipinas na parang bula. At dahil nakahinto ako nang pag-aaral for three years, hindi na kami kaklase kasi tapos na silang maging istudyante.
Nakakainis lang dahil kung hindi lang ako nakahinto ay malamang nakatrabaho na din ako katulad nila. Kaso ngalang hanggang KUNG nalang talaga ako.
Alam narin nila ang pansamantala kong kinikitaan ng pera ngayon kaya tutulong sila sakin sa pagtitinda. At dahil nga galing labas sila at ang dami nilang soki ay marami-rami na dim ang umorder ng Dami BBQhan ko. Kaya nakarami rami ako ng kita.
Gabi na kaya dito nalang daw muna sila magpapalipas. Matutulog na sana kami ng biglang may tumawag sa home telephone namin.
Sinagot ko naman ito. "Hello?" Tanong ko nang maitapat ko ito sa aking tainga. Pero walang sumagot.
"Hello?" Unulit ko pero wala parin.
"Dami BBQ shop po ba ang hinahanap nyo? Sorry po pero sarado na kami. Gabi na kasi bawal na umorder." Nagulat ako ng biglang sumabat si Denise. Nasa tabi kona pala sya di ko man lang namalayan. Pati si Kian nakikinig na din.
Wala paring sumasagot tinignan ko si Denise na may sinisenyas na parang baliw daw ang kausap ko. Mahinang napatawa nalang ako.
"Baka wrong number lang." bulong ni Kian na katabi ko.
"Baka nga." Pag sang-ayon ko.
"Anong wrong number eh kanina pa tayo nagsasalita dapat pinatay na nya." Tugon ni Denise. May point sya.
"Baka manliligaw mo." Nangunot ang noo ko at napangiwi ang labi ko sa sinabi ni Kian. As if naman may manliligaw ako. Inirapan ko nalang sya
"Mommy." Nabagsak ko ang telepono at dali-daling tumayo.
"Bakit Gammy?" Tanong ko sakanya at pinuntahan sya sa kuwarto. Bago ako pumunta dun sinenyasan ko muma ang dalawa na kausapin ang nasa telepono at tuluyan ko ng pinuntahan sa kwarto si Gammy.
"Mommy matutulog nako." Sabi nito na nakahiga lang sa kama. Tinabihan ko naman sya sa paghiga.
"Shh... sige matulog kana." Ipinikit nya ang kanyang mata at dun na ako nag-umpisang kantahan sya at pinalo-palo pero mahina lang. Pampatulog hehe.
Maya maya ng maramdaman ko na tulog na sya sumilip ako sa dalawa. Wala sila don sa sala kaya pinuntahan ko sila sa kusina at nadatnan ko silang gumagawa ng barbeque.
"Anong ginagawa nyo." Nagtanong pako eh alam ko naman kung anong ginagawa nila.
"May umorder kasi nakakahiya naman kung tatanggihan natin." Nahihiyang tugon ni Denise na di ako nililingon.
"Sa ganitong oras?" Nagtaka tuloy ako. "Aminin nyo nga? Gano ba kadami ang inorder at di nyo natanggihan?" Nakapamewang ako na parang nanay na sumesermon sa mga anak. Hayy buhay nga naman... matanda na talaga ako.
"Ah-eh... ano kasi eh..." hinarap ako ni Kian at lumunok sya ng laway bago pinagpatuloy ang sasabihin. "I-isang daang piraso daw."
Huh? Napatanga ako.
"Seryoso ba sya?"
"Oo"
"Para saan daw?"
"Party." Dugtong ni Denise at hinarap ako na nakapamewang ang isang kamay.
BINABASA MO ANG
Just always be mine
FanfictionSya na ata ang lalaking may galit sa lahat ng nagtitinda ng BBQ. He's the one. Sya naman ata ang babaeng minalas simula ng dumating ang lalaking nagbago sa buhay nya. Nya inakala nyang panira at gulo lang ang dala nito. Pero pano kung mahulog sya sa...