Chapter 1

9 0 0
                                    

Cold


"Ej!  Where the hell are you?!" I screamed at the top of my lungs dahil hindi na siya bumalik sa kwarto pagkatapos niyang lumabas.

Nanonood kasi kami ng MLT. Nag mo-movie marathon kami nang biglang nag brown out. Nagpaalam siyang lumabas saglit para kumuha ng kandila.

Ngunit mag-iisang oras na at wala pa siya!!

Kinakabahan na ako. Napagdesisyunan kong bumaba na para hanapin si Ej. Madilim kaya nahihirapan akong tahakin ang hagdan papuntang living room. "Ej! Asan ka na? " sigaw ko habang kumakapit sa hawakan.

Wala talaga akong makita dahil sobrang dilim. "Shit!" Napamura ako nang sa kalagitnaan ng hagdan ay may naapakan akong madulas. Buti nalang at mahigpit ang hawak ko kaya hindi ako natumba ng tuluyan. Thank Goodness at nakababa ako safely.

"You'll gonna pay for this pag nalaman kong pinagtitripan mo na naman ako!" Sumigaw na ako. Lagot lang talaga siya pag prank na naman 'to. Kinakapa ko ang kahit anong bagay na mahawakan ko. Memorize ko naman yung living room ng bahay nila Ej kaya hindi na ako nahirapan na matunton ang daan patungo sa kusina.

"Psssst! "

"Psssst! "

May narinig akong sumisitsit sa likod pero wala akong makita. May naririnig akong mahihinang yabag papunta sa kinatatayuan ko.

"Putangina ka talaga  Henriquez! Wag mo ako takutin! " Halo-halong takot, galit at awa ang naramdaman ko. Takot dahil baka totoo talaga 'tong nananakot sa akin at hindi si Ej.

Galit dahil babalatan ko talaga ng buhay ang gago pag nalaman kong pinagtitripan naman ako nito.

Awa dahil iniisip ko na ngayon ang mukha ni Ej habang ginagawa ko ang pagbabalat sa kanya ng buhay.

Tumigil na ang tunog ng yabag sa mismong likod ko. Naramdaman kong tumayo lahat ng balahibo ko lalo na sa batok. May naaninag akong dalawang maliit na pulang ilaw sa gilid ko.

"Hi, I'm Teresa and I'm a good girl. Hahaha!" Fucking' shit. Natumba ako sa sobrang gulat at kasunod non ay ang pag-on ng ilaw at paghalagpak ni Ej habang hawak-hawak ang isang nagsasalitang manika.

"Putangina ka talaga! " nakaluhod parin ako habang hawak-hawak ang dibdib kong malakas na kumakabog. Lumayo siya sa akin at di man lang ako tinulungang makatayo.

"Hahahaha! Grabe! Worth it ang pagpapagawa ko ng doll na 'to. Alam mo bang pinagaya ko talaga ang boses nito doon sa Maria Leonora Teresa? " natatawa niyang sabi. Itinapon ko sa kanya ang tsinelas ko at napahiyaw siya dahil natamaan ko ang you know niya.

"Oww! What was that for? " nabitawan niya yung doll dahil hawak hawak na niya yung ano niya. Tumayo na ako at dahan-dahang naglakad papunta sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon