PROLOGUE

12 2 11
                                    

Dislaimer: This story is a work of fiction. The characters, names, places and many more is just a figment of the author. Anything that is coequal to something in real life, may be a concurrence. Also, this is not affiliated with any school that are to be mentioned.

——

"Congrats, Kriella! We're so proud of you!", wika ni Mommy. I love her so much, kahit na napapadalas away namin dahil wala siyang masyadong time saakin due to our business.

"Thank you, myyy!"

"I knew it, our soon-to-be-engineer!", sabi naman ni Kuya Kreion.

"Naks naman, suma cumlaude pala ah!", sambit ni Ate Kharlotte.

"Salamat aking mga kapatid. Lilibre niyo na ba ako? Kahit tig-one week trip lang sa Japan, Greece at London? Hehehe. Baka naman?"

"Sige na nga. Payag ako. Ako na bahala sa pang-Greece mo.", sagot ni Mommy.

"O? M? G? For realz? Yay! Thanks my, I love you."

"Ako na bahala sa pang-Japan mo.", saad ni Ate.

"Halaaaa, truly? Thank you ate! Mwa!"

"London na lang kulang. Kuya Kreion?", banggit ko saka tumingin kay Kuya nang nakangiti.

"Hay, sige na nga. O sige, ako na sa London trip mo, kung gusto mo gawin ko pang 2 weeks?", sumbat ni Kuya.

"Totoo ba itong narinig ko? HAHAHAHA. Two weeks, ah? Sabi mo yan kuya. Thank you ng madami. HAHAHAHAH." Si Kuya Kreion kasi, sa aming pamilya, siya pinakakuripot jusko. Napakadami ng pera niyan pero sobrang kuripot! Nakakaduda tuloy na ililibre niya ako ng London trip HAHAHAHA. Ano kayang nakain neto?

"Waaahhh, I'm excited na! Thanks, fam! See you in a month. 'Wag kayong mag-alala, bibilhan ko kayo ng pasalubong. At ikaw naman kuya, hahanapan kita ng jowa! Hahahahaha.", masaya kong saad sakanila.

"Subukan mo.", seryosong sabi ni Kuya na parang ready na akong sapakin.

Ngumiti lang si Ate at si Mommy.

Nag-group picture kami ng whole fam ko. Napakadami naming picture, porket sobrang ganda ko ngayong araw. Charot.

"Kaiya!", sigaw ng aking mga tropa habang tumatakbo palapit sa akin.

"Nak, alis muna kami, ah? May aasikasuhin pa kami eh. Ito na lang oh, kain na lang kayo ng kaibigan mo kahit saan. Lagay ko na lang sa bank account mo yung pangtravel mo, ha?", wika ni Mommy habang inaabot saakin ang pera na pang-inom, ay, pangkain pala.

Hindi na ako nakapagsabi ng goodbye sakanila dahil mukhang nagmamadali talaga sila. Well, atleast mawawala ako sa Philippines ng one month.

Patuloy na tumatakbo palapit sa akin ang mga kaibigan ko. Nag-aalala ako ng slight para kay Jam. 'Di kaya siya bubulagta dahil sa kanilang pagtatatakbo?

"Yes? No? Maybe? Charot. Anong problema niyo, ha?", tanong ko sakanila nung medyo malapit lapit na sila saakin.

Agad naman nila akong niyakap. Group hug ba? Sige, kung diyan kayo masaya.

"Oh, tapos na kayo?", wika ko.

"Ba't ka galit?", tanong ni Dara.

"Wala kayo kanina sa ceremony eh. 'Di niyo tuloy nakita pagrampa ng tropa niyong suma cumlaude.", pagtatampo ko.

"Sorry na. Wrong timing kasi Graduation niyo. What matters is andito na kami, k?", sumbat ni Livia.

"Kalma ka na, hahahaha. May surprise naman kami sa'yo eh.", banggit ni Jam.

"Ano yan? Lalaki ba 'yan? Kung hindi yan lalaki, 'di ako interesado."

"Napakapokpok mo talaga, pati ba naman dito.", pagrereklamo ni Alia.

"Duh, mas pokpok ka kaya. Pasa mo pa saakin 'yang korona mo.", pagtataray ko sakaniya.

"Shh. Tama na 'yan.", pagpigil ni Livia saaming sabunutan na sana.

"Ano na?"

"Oh ito na yung gift namin para sa'yo.", sabi ni Dara habang inaabot saakin ang envelope na malaman.

"Halatang 'di ito cash or concert ticket. 'Di naman ito magiging bulky kung cash ito or concert ticket."

"Hindi naman talaga 'yan cash or concert ticket. Hahahahaha.", sumbat ni Jam na ikinatawa nilang lahat.

Binuksan ko ang envelope na ang laman pala ay butil ng mga bigas! Is this a prank? Or sadyang nanggaling lang sila sa Hong Kong kanina para lamang kumuha ng ganito galing sa mga temple doon?

"Seriously? Bigas? Madami naman kaming bigas sa bahay, ah?"

"Hindi kasi 'yan 'yun.", sagot ni Alia.

"Edi ano?"

"Here's a clue. Alisin mo lahat ng bigas na nandiyan.", suggestion ni Livia.

At inalis ko nga lahat ng bigas dahil curious na curious na ako kung ano bang pakulo nila dito.

"Woah! Legit ba ito? A ticket to Hawaii? Seriously speaking, anong nakain niyo?", pagdududa ko sakanila dahil tulad ni Kuya Kreion, kuripot silang lahat! May kaniya-kaniya din naman silang family business pero bakit ang kuripot pa rin nila? Sa totoo lang, sa aming lima nga, ako lang yung may audacity para gumastos sa kung ano-ano.

"Yes. Ayaw mo ba?", saad ni Dara.

"Siyempre gusto ko! But wait, ako lang ba ulit magtratravel mag-isa? I've asked my fam din para ilibre ako sa tour ko eh huhu."

"Ba't naman kami bibili lang ng ticket na para sa iyo? Siyempre, bumili din kami ng amin.", saad ni Jam.

"OMG?!! Yay! Finally an out of the country tour with one of my best girls!"

Blooming Colors Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon