Walang Forever: The New Beginning

30 1 0
                                    

Ang tagal na ng panahon simula ng araw na yun . Yung araw na nalaman ko yung katotohanan .Actually magtatapos na yung school year. Ga graduate na din ako. Magsisimula na ako ng bagong buhay. Sa tagal ng panahon, alam ko na, alam ko na kung sino ang nagplano ng nangyaring trahedya sa amin ni Dad . Hindi hindi ko sila mapapatawad.

-Flashback-

"Uhhh- Jill, pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan ng Dad mo?"

Tanong ko kay Jill...

"Uhh. Si Dad? Bakit?"

"Basta lang. Pwede ko bang malaman?"

"Oo naman. Well ang pangalan ng Dad ko is Jin Pangilinan."

Nung narinig ko yung pangalan na yun, bigla na lang akong napahagulgol.

"Bakit Raen? A-anong nangyari sayo? Anong masakit?"

"Mga walang awa kayo!!! ALAM MO BA KUNG ANO ANG MASAKIT?!??! HA?! ITO !!! ITO ANG PUSO KO ! ANG SAKIT SAKIT NA MAWALAN NG AMA! ANG SAKIT SAKIT! ANG SAKIT MAWALAN NG KAISA ISAHANG ESPESYAL NA LALAKE SA BUHAY MO! ANG SAKIT SOBRANG SAKIT! ALAM MO?! DAHIL SA TATAY MO, NAWALA ANG TATAY KO SA BUHAY NAMIN! NAWALA ANG MGA ALALA KO!"

"R-raen! Anong pinagsasabi mo??"

Naguguluhan na tanong niya.

"Ang Daddy mo ang may kasalanan kung bakit namatay ang Daddy ko! Wag na wag kanang lalapit sakin lahit kailan! Kinamumuhian kita!"

"Pero Raen"

Hindi ko na siya pinatapos at umalis na sa lugar na yun. Iniwan ko siyang nakatulala at gulat na gulat sa mga sinabi ko. Wala nang dahilan para mag stay. Tapos na ang connection ko sa kanya.

End of flashback

Eto ako ngayon, kasama ko yung TP . Bakit ba? Eh sila na yung naging pamilya ko simula nun. Papakilala ko pala sila sa inyo.

TP Family.

Angelica Malik for short Jelai asawa niya si Zayn Malik

Xerxes Andraux, Mysterious guy sa tropa also an anime lover.

Jerica Pan, boyfriend niya si Peter Pan parati nga sila sa Neverland amfutek di ako dinadala dun.

El John Ferrer, pinaka malandi sa TP.

Sheila Byun, KPOPER...Love niya si Ashraf . Dejk lang . ✌✌✌

Kia Padilla, malanding madre sa TP

And ang dami pa namin sa Tropa hindi kailangan i state lahat , at least some of them kilala niyo na.

So yeah, alams na okay?

Eto ako ngayon, kinukwento ko sa kanila ang nangyari lahat naman sila was like ⇨(・へ・)

Syempre alam nila na naaksedente ako noon, sila nga yung nagpapapatibay ng loob sakin nung mga araw na nun, yung punong punong yung hospital room mo dahil sakanila , kaya nga mahal na mahal ko sila kasi nga sila na yung second family ko.

"Eh, hindi niya naman kasalanan kung bakit nawala si Dad mo" sabi ni Jelai

"Still! Yung Daddy niya ang may kasalanan ng lahat!"

"Raen,wag matigas ang puso. hindi naman kasi si Jill yung nagplano nun eh." Dagdag ni Jerica.

"Kahit na" naiyak na ako nung sinabi ko yun.

"Raen, hindi namin siya kinakampihan, pero kasi hindi naman siya yung may kasalanan nun, hindi siya yung nagplano nun, wala siyang ka muwang muwang sa nangyayari noon" sabi ni Xerxes...

"Aynaku Raen! Tahan na! Tara maglandi na lang tayo para masaya!"  Dagdag ni El John

"-________-"

Hindi ko alam kung ano yung susundin ko. Yung payo ba nila or yung hinanakit ng puso ko.

Masyadong masakit ang ginawa nila sa pamilya namin! At kahit anong mangyari hindi nila mbabago na pinatay nila yung Daddy ko . :'(

Balita ko daw babalik ba si Jill sa London. Ewan ko? Saka buti nga.

Wala na akong pake alam sakanya . Saka nga diba? Walang Forever!!

Naalala ko tuloy si Arthur. Nagtransfer na pala siya. Sa California :(  Oo, tama... nagtransfer na siya.

I dont know kung ano ang reason niya but yun nga nagtransfer na siya.

Pero syenpre nag cha chat pa rin kami. Skype pa nga minsan eh :)

------------

Guys Im sorry . I gotta update this one na hindi complete, but! I eedit ko po eto . Medyo busy po kasi minsan :) So yeah mga ka #WalangFOREVES! :) Thank you for giving some of your precious time reading my work :)

Thats all thank you :)

Hopefully There's No ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon