Part 1.

43 0 0
                                    

Bakit may mga pagkakataong akala natin perpekto na ang lahat? Yung akala mong dadating yung panahon na magiging okay na ang lahat sainyo? Pero hanggang akala na lang siguro ang lahat ng iyon. Dahil siya na mismo ang nagsabi na wala ng magbabago pa sa nararamdaman niya para sakin. Ganyan siguro kapag MU lang kayo, kapag mutual lang ang nararamdaman nyo.. Dahil baka dumating yung araw na ikaw nalang pala, ikaw nalang ang nagmamahal, ikaw nalang ang sumusubok. Hindi na mutual, kasi may iba na siyang gusto.

Ako nga pala si Mayumi Lorraine Moreno. Isang 3rd year high school student sa Loyalty University. Hindi na ako gaanong magsasabi kung anong itsura ko, dahil hindi ko ugaling i-judge ang sarili ko. Kaya nila ako sinasabihan na napaka-humble ko. :3 Dahil hindi lang talaga ako sanay. Lagi ko nalang sinasabi sa kanila na kilalalanin nila ako by themselves. So ito ako ngayon, papasok na naman sa school na hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Manhid na ko. Oo. Pero hindi to dapat ang oras ng pagda-drama dahil puro kami pre-final exams ngayon dahil nalalapit na ang Final Exam.

“Yumi!” tawag sakin ng kaklase ko. Kaya agad naman akong napalingon sa direksyon kung saan nanggaling yung boses na iyon. “Tara sabay na tayo! Anong oras na, late na tayo. Ang hirap sumakay ng tricycle dun sa terminal papunta dito sa school. Tinatawag kita kanina pero di mo naman ako pinapansin. Wag mo nang isipin yun! Ang tagal tagal na nun eh. Move on na be.”

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya, kilalang kilala na nila ako na kapag mag isa ako ang layo ng lipad ng isip ko dahil madaming tanong na gumugulo sa isip ko. Lagi naman akong ganito, lutang, mukhang stress na stress dahil hindi na ko nakakatulog ng maayos at medyo napapabayaan ko na rin ang sarili ko dahil lagi akong nasa kwarto at walang ganang kumain at medyo napapabayaan ko na rin ang pag aaral ko.. Pero di naman ako bumabagsak dahil alam ko ang responsibility ko bilang estudyante at bilang anak. Lagi nalang akong ganito. Lagi na lang ba akong magtatanong sa sarili ko kung anong nangyari? Bakit bigla siyang umiwas sa akin? Maayos naman ang lahat noon, di ba? Anong nangyari? May nagawa siguro ako. Sinubukan kong maging okay, sinubukan kong hind maging apektado pero ang sakit. Ang sakit mag kunwari na wala lang sayo, na parang walang nangyari. Sobrang sakit. Di mo alam kung anong gagawin mo. Di mo alam kung saan ka lulugar. Lalo na’t hindi naman naging kayo. Nakakatuliro! Mag iisang taon na ang lumipas simula nung naging cold siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Ayan na nga ba ang sinasabi nila pag MU lang kayo eh, kapag mutual lang ang nararamdaman nyo. Dahil baka dumating yung araw na ikaw nalang pala, ikaw nalang ang nagmamahal. Hindi na mutual, kasi may iba na siyang gusto. Summer na summer noon, naalala ko pa. Kasi birthday niya, dun ko naramdaman na may iba. Though matagal ko nang nararamdaman na umiiwas siya, na dinededma niya ko. Pero nag bulag bulagan lang ako. Kinukulit ko pa rin siya na parang katulad ng dati. Ippm ko siya sa FB, itetext na kunwari’y GM lang o kaya’y nawrong send na “Uy! Kamusta na?” baka kasi sakaling pansinin nya ko, baka sakaling bumalik kami sa dati, baka sakaling maging okay ang lahat. Ang hirap noh? Kapag wala kayong commitment, wala kang pinang hahawakan. Kaya kailangan mo lang dedmahin ang lahat ng nangyayari na para bang wala lang. Birthday niya.. Birthday ng taong gusto ko, birthday ng taong mahal ko. Alam naman natin na kapag may importanteng tao na magcecelebrate ng birthday nila ay mag aantay tayo sa pag patak ng 12am para lang maunang makabati sakanila, hindi ba? So ganun ang ginawa ko. Nag antay ako. Nag antay na naman ako. Talent ko yun eh. Ang mag-antay. Sanay na ko. At pumatak na ang alas dose ng medaling araw, agad agad akong nagtext sakaniya pero naalala ko na nag expire na pala yung load ko kanina kaya sa FB na lang ako babati. Mag popost ako sa wall niya:

“Happy Birthday! <3” Pangalawa akong nag post sa wall niya. Ayan, may ilang nag like. Dahil siguro alam nila kung anong meron sa amin noon.Pagkatapos nun ay natulog na ako, pagkagising ko tiningnan ko agad yung FB ko, walang ‘like o comment’ galing sakaniya. Kaya pumunta ako sa wall niya. Madami nang bumati, pero ni-isa wala pa siyang pinapansin. Maliban dun sa unang nag post sa wall niya na ni-like niya at pinasalamatan niya. Inisip ko nalang na kaya di niya napansin yung akin kasi di pa siya nag oonline. Binalewala ko na lang. Dinedma ko. Kunwari wala lang. Pero bago matapos ang araw na iyon, chineck ko ulit. May mga comments na siya sa ibang post. Pero yung post ko? Ayun, deleted na. Di ako nag bura. Kundi, siya. At dun na nag simula na sabi ko ay baka nga galit siya sakin. Na siguro nga may nagawa akong mali. Pero hindi yun naging hadlang sa akin. Pag nakakachat ko siya, kahit sandali lang. Kahit alam kong naiilang siya. Kahit isang matipid na sagot lang ang inirereply niya sa akin. Kahit alam kong hindi siya interisadong kausapin ako. Basta makausap ko lang siya, masaya na ako. Pilit kong pinapakita sa kaniya na wala lang sa akin. Kasi nga baka may nagawa akong kasalanan. Bumabawi lang din ako, baka sakali. Pero walang nangyari. Kunwari nalang hindi ako apektado, kunwari wala lang, kunwari hindi masakit.

Diary ni Yumi; One More Chance (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon