CHAPTER 1

139 4 0
                                    

CHAPTER 1


THURSDAY morning. Inaantok pa si Kyle habang inaantay ang pagbabalik ng kaibigan niyang si Jake galing California. Naka halumbaba siya habang nakaupo sa upuan ng viewing area kasama ang ibang nag aantay roon. Its only 5 am in the morning. He should be on his bed, sleeping, dahil ang pasok niya sa office niya ay 7 am.

Hindi niya naman dapat susunduin ito. Ngunit mapilit ito at gusto talagang magpa sundo sa kanya.

'He actually likes to annoy me'

Di niya lubos maisip kung bakit nag public plane ito. Alam niyang may sariling eroplano ang kaibigan, at iyon ang palagi nitong ginagamit kapag aalis ito patungong ibang bansa. Nawe weirduhan na siya sa kaibigan niya at kaunti nalang ay masasapok na niya talaga ito

Nag antay pa siya ng 20 minutes bago tumayo saka nagpasyang tawagan ang kaibigan. Ilang segundo ang lumipas saka nito sinagot ang tawag niya

"Hey J, saan ka na?" Tanong niya rito habang nakatingin sa labas

"Mag antay ka bro, kita mong marami pang pasahero"

"Geh, Dalian mo ang tagal tagal mo, may pasundo sundo ka pang nalalaman. Bakla ka talaga"

"Fuck you" mura nito saka pinatayan siya ng tawag

Nailing iling nalang siya ng patayan siya nito, pikunin talaga

Lalakad na sana siya ng may masanggi siyang bata. Nakasuot ito ng headphones at mukhang may hinahanap. Tumingala ito sa kanya, doon niya lang napansin ang itsura nito. The little boy reminds him of himself when he was young

"Hey kiddo" tawag niya rito

Napatingin ito sa kanya "Have you seen my mom?" Tanong nito sa kanya "I can't find her, there's a lot of people here" dagdag nito

Umiling siya "I don't know who's your mother and what she look like" wika niya rito "tell me what's her name then I'll help you to find her" dagdag niya

Nakamasid lang siya rito habang inaalis ang headphone na suot nito. Saka tumingala sa kanya "you sure?" Tanong nito, he nodded "you're not gonna kidnap me right?"

"Why would I do that? Do you think I'm a bad guy?"

"Yes" sagot nito

Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi nito. 'What the hell'

"What's your name mister?" Tanong nito

"I'm Kyle Justin Park" sagot niya rito "you can call me kuya kyle or Mr. Park--"

"--Or daddy" putol nito sa sinabi niya "you're my father right? We're look alike, I'm the small version of you" dagdag nito "I'm Julien Kyler Park, I'm six years old. My mother's name is Celine Franco"

Nagulat siya dahil sa pinagsasabi nito. Di niya alam kung ano ang pinagsasabi ng batang iyon, kung paano nito nalaman ang pangalan ng ex niya. 'It must be other woman' kumbinsi niya sa sarili dahil alam niyang may kapangalan rin ang ex niya

"Are you kidding me young man?" Salubong na kilay na tanong niya rito

Umiling ito saka humawak sa kamay niya "let's find my mom, dad" wika nito saka hinila siya

He's speechless. Napatingin ulit siya sa bata habang hila hila siya nito. It's impossible for him to have a son dahil hindi niya naman kinakama ang mga babaeng nagiging fling niya. At isa pa, wala ring nangyari sa kanila ng girlfriend niyang si Celine noon. Kung magkaka anak man siya rito, dapat ang age na ng magiging anak nila ay around 11 or 12 years old. This kid is only 6 years old, at talagang hindi siya naniniwala na anak niya ito.

 Loving You Mr. President [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon