PROLOGUE

240 7 0
                                    

Warning: This chapter is written using the third person's point of view. Maybe the following chapters will be written in the characters point of view, so baka malito kayo😅 again, hindi ko pa naeedit. I'll try when I have time. Enjoy reading!

------

PROLOGUE

8 years ago

"WOO!! Just go with the shot 'cuz!" Lasing na sigaw ni Red-pinsan ni Kyle "This fucking heartbreak will be gone!" Nakangiting dagdag nito at tumingin sa kanya "You heard me right?! Makaka move on rin tayo sa putang'nang pag ibig na 'to!!"

Tahimik lang siyang umiinom ng Vodka sa bar counter. They should be celebrating their graduation. At last, nakapag tapos na rin sila ng mga kaibigan niya.

'If Celine was here? siguro mas masaya 'tong celebration' he thought.

Napabuntong siya ng maalala na naman ang dating nobya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya maka move on rito. She was his first love, first kiss, first girlfriend. Unang araw pa lang na makilala niya ito ay nagka gusto na siya rito. That was way back before in their childhood 'till their secondary days.

Ayos naman sana ang lahat. It was almost perfect part of his life. He gave her a promise ring. Promised that after they graduated in college ay papakasalan niya ito. Lahat umaayon sa gusto niya. Not until that day, one week before they're graduation ball. He was with her that time, inaasar niya pa nga ito habang naglalakad sila pauwi. Masyadong naging mabilis ang pangyayari para sa kanilang dalawa. His love interest got hit and run by a white van. Celine didn't survive in the accident and he's blaming himself dahil hindi niya ito nailigtas.

Napabuntong hininga siya saka nagpatuloy sa pag inom. Hindi niya deserve ang salitang 'move on' dahil siya ang dahilan kung bakit ito namatay. Kasama sa plano nilang magkakaibigan ang magpakalasing ngayong gabi, yung talagang di na sila makakabangon pa sa sobrang kalasingan.

"Bro, wag mong gawing tubig yung Vodka" rinig niyang saway sa kanya ni Jake na mukhang kakatapos lang makipag landian sa mga babaeng lumapit rito.

Inakbayan naman siya ni Jasper at Drake "Have some fun tonight Kyle." Wika ni Jasper sa kanya. "Bukas makalawa pagod ka na kakatrabaho" segunda ni Drake saka inabot ang isang baso sa kanya. Walang pag aalinlangang kinuha niya iyon at ininom ng diretso. Rinig niya pang nag-yes yung dalawang kumag. Humalumbaba siya sa bar counter at pinagpatuloy ang pag inom niya.

"Kyle my friend!" Napalingon siya sa tumawag sa kanya, it was Harry. "Here's your VIP card, pinapabigay ni Red na may kasamang chicks dun sa dance floor" saka nito inabot sa kanya ang isang black card. Tinanggap niya ang card at tinanguan, saka ito umalis at sumunod sa ibang mga kaibigan nila. Weirdo ang mga kasama niya, ganon talaga ang mga ito mula noong mga highschool pa sila.

Tumayo siya at mahinang natawa dahil biglang umikot ang paningin niya. May tama na siya, doon niya naramdaman na para siyang matutumba dahil sa dami ng vodka na ininom niya. Pinilit niyang tinungo ang daan patungong restroom kahit pasuray suray na ang kanyang lakad.

Pagkatapos niyang maghilamos ay agad rin siyang lumabas. Ganon pa rin siya, walking like a drunk man.

"I'll help you" biglang sulpot ng babae sa kanyang tabi at pinatong ang kanang braso niya sa balikat nito. Inalalayan siya nito sa paglalakad "saan ka ba pupunta?" tanong nito.

'Her voice, sounds like Celine!'

Di niya makita ng maayos ang mukha nito dahil nagdo doble ang paningin niya "VIP hotel room number 7" mahinang sagot niya.

 Loving You Mr. President [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon