Labing limang taong gulang pa lamang si Switzel ng tumuntong sa kolehiyo. isa lamang siyang ordinaryong estudyante, ang kanyang ama ay isang Inhinyero sa kanilang paaralan kaya ang priority niya ng pumasok siya sa kolehiyo ay ang mabigyan ng karangalan ang kanyang ama. She met her new friends, and they even named their group of friends and they called their group "Aluluwerz.". . .
Speaking of 'Aluluwerz' nasaan na nga ba ang mga yon? kanina pa siya nagppapaikot-ikot sa buong building ng CAS department pero hindi parin niya nakikita ang mga ito. maaga silang pinalabas ng professor nila sa first subject nila sa panghapon at my meeting daw ito kaya hayun at wala na silang pasok ngayon. nagpaalam naman siya na bibili lang sya saglit sa canteen pero pagbalik niya nawala na ang mga ito.
Nagpatuloy siya sa paghahanap, naglakad-lakad at baka sakaling masalubong lang niya ang mga ito ng mamataan niya sa di kalayuan si Allen, ang classmate niya na nag-ke-claim na bestfriend niya. nag-apura siya sa paglalakad at pinuntahan ito. baka sakaling nakita nito yung mga bruhang yon.
"Hey!" sabi nya sabay kalabit dito.
"Oy! ikaw pala bestfriend." nakangiting sabi nito ng pagharap sa kanya.
"nakita mo ba sila Faith?" tanong niya.
"Ah Oo, kanina magkakasama sila nila Kath, kasama si Dan." sabi nito na pinagkadiinan pa yung pangalang nabanggit sabay ngisi ng nakakaloko!
Kainis! sa isip-isip niya.. kung bakit pa kasi nalaman pa nito na crush niya si Dan eh. wag na nga lang niyang pansinin. magsasawa din naman siguro ito. tutal naman pag-inaasar lang sya nito eh, sila lang dalawa ang nag-uusap at kung itatanggi naman niya lalo lang siyang tutuksuhin nito.
"Ah ganun ba? hindi mo ba napansin kung san sila gumawi?" patay malisyang tanong niya.
"Eh kanina nandiyan lang sila sa corridor eh"
"Ah sige salamat. sige alis nako" paalam niya rito ng akmang tatalikod na siya ng pigilan sya nito.
" Ah saglit lang"
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"May itatanong lang ako sayo"
"Ano ba yon?"
"Kung manliligaw ba sayo si-------- Dan. sasagutin mo ba?" nag-aalangan na tanong nito.
"Wala akong panahon sa ganyang biro Allen!" nakakunot noong sabi niya.
"Hindi naman ako nagbibiro. . . nagtatanong ako bestfriend" nakangiti ng sagot nito. "Narinig ko lang kasi nung isang araw nung nag-uusap sila Dan. may balak yatang manligaw sayo at----"
Hindi na siya sumagot. Tumalikod nalang siya bigla at naglakad na palayo rito. hindi na niya hinintay pa ang mga sasabhin pa nito. Ayaw din niyang mag-assume! imposible naman kasi ang sinasabi nito. She admit to herself that she's not Physically Attractive, kayumanggi ang kanyang balat at nakasuot pa siya ng braces. hindi siya kapansin-pansin kaya kaduda-duda ang sinasabi nito na balak siyang ligawan ni Dan.
Haaaaaaaaaaaaaaaaaay. . . . . . Imposible talaga yon!
talagang imposible yon Switzel sa isip-isip niya habang naglalakad para hanapin ulit ang mga kaibigan niya . naalala tuloy niya ang gwapong mukha ni Dan.
Haaaaaaaaaaaaaaaay kung maganda lang sana ako siguro-----------------------------------------------------------
naputol ang pag-iisip niya sa biglaang pangyayari. natalisod siya sa hindi niya malamang kaparaanan at napasubsob nalang siya sa kung saan.
napapikit tuloy siya, hindi dahil sa nasaktan siya, kundi dahil sa bango ng naaamoy niya ngayon! napakabango naman talaga na parang makakatulog kana sa sobrang bango.
suminghot-singhot pa siya para langhapin ang bango na nang-aakit sa kanyang ilong. mukhang di nauubos yung napakabangong amoy na nalalanghap niya. . .
Actually matigas yung nabagsakan niya pero di ganon katigas sa ineExpect niya na ang akala niya eh mababasag lang naman yung mukha niya. pero para ngang malambot na safe eh.
huh?! safe?
Ang gulo noh?
siya nga rin naguguluhan na. di niya maintindihan yung nararamdaman niya. pero para ang sarap talaga sa feeling.
teka? pano naging masarap sa feeling yung masubsob? anang bahagi ng isip niya.
di nya alam pero parang masarap sa pakiramdam? yung tipong parang gusto mo nalang habang buhay na nakasubsob? (hehehe ang sama yatang pakinggan non ah?) daig pa nya ang nakaDrugs sa nararamdaman niya (pero di pa naman nya natatry magdrugs). isama pa na talagang bumibilis yung pagtibok ng puso niya!
haaaaaaaaaaaaaayy. . . Anu ba yan Switzel? kung anu-ano yang nararamdaman mo! pati ba naman yang puso mo nadamay? Haaaaayyy... naku!
T-teka?!
P-puso?
as in P-U-S-O ???
teka? parang naririnig ko yung tibok ng puso ko? parang may mali! parang napakalakas naman yata non at sa sobrang lakas parang nasa tenga ko na?!
"Tapos na ba?" napadilat tuloy siya ng biglang may Baritonong nagsalita. para lang mabungaran ang isang katawan! katawan ng lalaki at nakasubsob siya rito. Nakakahiya yata yon! Agad siyang tumayo ng maayos, inayos ang sarili at luminga sa paligid para lang tingnan kung may nakakita ba sa kanila.
Sa Kanan? wala!
Check!
Sa Kaliwa? wala!
Check!
Sa Likod? wala!
Check!
"You're Welcome" narinig niyang sabi nito. paglingon niya ay nakatalikod na ito at naglalakad na ito palayo. Ang bilis naman non?
Nakakahiyaaaa!
May pasinghot-singhot pa akong nalalaman!
Anu nalang iisipin nun?! Pagmamaktol nya sa sarili.
"T-teka!" hiyaw niya at hinabol ito.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomanceThere was a girl who's badly inlove with a guy whom she never thought will ever be within her reach. Simula nung pumasok si Xelle sa kolehiyo, sa kursong Civil Engineering, iwinaksi na niya sa kanyang sarili na ang focus lamang niya ay sa kanyang p...