Chapter1

35 0 0
                                    

Hinihingal na talaga siya sa paghabol dito. Napakalaki naman kasing humakbang ng lalaking ito! Sabagay hindi na katakataka dahil sa laking tao ba naman nito eh natural lang yon.

"Sandali!" malakas na sabi niya habang nakaagapay dito ngunit hindi parin ito humihinto sa paglalakad.

ba"t ba ayaw huminto nito? saglit lang naman ah T_T.. mukhang apurang-apura ang bruho! Pagtingin niya sa harap malapit-lapit na ang EXIT!!

Teka? Uuwi na ba ito? Hala!

Kailangan na niya itong mapatigil hanggat hindi pa ito nakakalabas! Dahil kung hindi ay iikot pa siya ng pagkalayo-layo. kasi nga magkalayo ang Entrance at Exit ng school nila.

Waaaaaaaah! Ako? iikot ng pagkalayo para lang sa Entrance ulit? No way!  hiyaw ng isip niya.

"Uy Sandali!" sabi ulit niya sa malakas na boses habang umaagapay sa mabilis na paglalakad nito.

Mabilis na nga siyang maglakad ngunit mas mabilis parin ito sakanya.

haaaaaaaaaaaaaaaaay.. eh pano naman kasi ang haba ng mga biyas niyan! 

Patirin nalang kaya niya ito para huminto na ito? oh kaya naman batukan nalang niya at baka sakaling lingunin siya nito at kausapin na? hmmmm???

Pag sulyap niya sa harapan niya----------- 

Naku! exit na ito ah?  Inunuhan niya ito sa paglalakad. NakaPause na siya at akmang haharangin na ito ng bigla nalang itong lumiko. Naiwan tuloy siya ganon ang pwesto. 

Kaasar!! Pano naman ang effort ko? para kaya akong tanga! may paharang-harang pa akong nalalaman!! >,< sa isip-isip at napangiwi tuloy siya.. Grrrr! lumingon siya sa nilikuan ng lalaki at nakita niyang papaakyat na ito sa hagdan kaya nag-apura siyang sinundan ulit ito. 

Nasa second floor na sila ng--------(LINGON)        Tourism Building at nakaagapay na ulit siya rito.

kala ko lalabas na sa Exit itong Panget na to? hindi naman pala! san ba to pupunta at apurang-apura na hindi manlang ako pagkaabalahang bigyan ng saglit na oras? KONTING ORAS LANG NAMAN ANG HINIHINGI KO! pagkausap niya sa sarili.

Nakakatress na talaga tong lalakng ito! ayaw manlang akong pansinin?

Ginawa na nga niya ang pangalawang naisip kanikanina lang at heto mukha namang epektib dahil nakahinto na ito at nakaharap na sakanya habang titig na titig! kaya lang mukhang badtrip na badtrip ang pagmumukha! halos mag-abot na kasi ang mga kilay nito!

Pero syempre, sino ba naman kasing tao ang matutuwa kapag binatukan ka nalang bigla ng hindi mo kakilala? 

"Are You Crazy?!!" bulyaw nito sakanya. "bakit mo ginawa yon?"

Napatitig tuloy siya sa mukh nito. mali ang sinabi ng isip niya kanina. hindi bagay ang "Panget" na tawag dito dahil kahit saang parte ng mukha nito walang kapintas-pintas! Oo tama Gwapo ito. NapakaGwapo. lalaking-lalaki ang dating.

"Ano na?!" nagulat siya ng marinig ulit ang boses nito na halatang iritang-irita na.

"Ha? ah......eh..." Patay! wala siyang maisagot. bakit nga ba kasi binatukan pa niya itotanong niya sa isip.

di ba para pahintuin at kausapin ka na niya?

eh bakit mo naman kasi gustong kausapin ka niya?

ewan?

ewan? anong sagot yan? wala ka naman palang matinong sagot diyan tas bigla-bigla ka nalang nambabatok?

eh para-----magsorry? mag-so-sorry ako sakanya dahil nabunggo ko siya?

tama! mag-so-sorry ako sakanya.

Oo mag-so-sorry nga ako sakanya Tamaaaaa!! hiyaw niya sa isip niya

"Tama? Oo may tama ka nga sa ulo!sabi ulit ng baritonong boses. napangiwi tuloy siya. na-i-voice out pala niya yung huling sinabi niya sa isip niya.

"Miss kung maaari wag mo akong sundan ha? busy ako at nakita mong nag-aapura ako! hindi ba halata?? at kung nanti-trip ka lang at walang magawa------- please lang wag nalang ako ang guluhin mo." sabi nito at tinalikuran siya.

Akmang aalis na ito ng pigilan niya sa braso.

"Ah....Sandali lang?" sabi niya. kunot noong nilingon siya nito. napayuko tuloy siya. ba't ba kasi ang gwapo parin nito kahit na nakakunot noo "Ah....K-kasi m-mag-so-sorry l-lang a-ako.... s-sa kanina nung nabunggo k-kita." nauutal na sabi niya.

Kaasar!! ba't ba kasi parang kinakabahan siya na ewan? kung makipag Eye-to-eye naman kasi ito! makatitig wagas kung wagas! para tuloy siyang nanlalambot sa mga titig nito! Napabitiw tuloy siya bigla sa braso nito ng biglang para siyang nakuryente. Idagdag pa na bumibilis talaga ang pagtibok ng Puso niya O_O

bigla niya itong tinalikuran at nag-apura ng umalis.

(tugs.tugs.tugs) O_o

ano nang nangyayare sayo Xelle??? O_o o_O

ano yan? bakit may ganyan ka na ngayong nararamdaman?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Fhreincezed

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon