First day of School

10 2 0
                                    

"Ayessa" nakapasok ako sa cream section! Yung section Helium? Nakaabot kase average ko sa 90. Omygash bess! Excited na akong pumasok!" Habang dala dala ko ang isang papel na listahan ng mga estyudyanteng nakapasok din.

"Talaga bess nakapasok ka?! Wow! Congrats. Sana lahat. Gusto ko din, alam ko kase ang babait ng mga student d'yan tapos maaasahan."

"Aww. Oo nga pala maghihiwalay na tayo." Then I hugged her tight. "Ok lang 'yan bess, basta walang kalimutan ha?"


Now, this is our first day. Maaga akong gumising para hindi ako malate. Mahirap na nasa cream section pa'man din ako.

"Okay class wala pa tayong klase for now, kase kailangan n'yo muna akong kilalanin at kailangan ko din kayong kilalanin." Striktong pagkakasabi ng Lalake nasa harapan namin.

"I amMr. Rajen Pintado, ako ang magiging adviser n'yo. Now let's start introducing yourselves. We will start at back." Pagturo ni "Ser" sa likod.

Nagsimulang magpakilala ang mga classmates ko at halatang matatalino at masisipag talaga sila.

Nang ako na ang magpapakilala ay dahan dahan akong naglakad papuntang unahan. Kinakabahan ako at natagalan din ako bago makapagsalita.

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang isang babae na nag o-ok sign sa akin. Parang sinasabi n'yang 'go! kaya mo 'yan wag kang mahiya' kaya naman agad akong napangiti atsaka nagsimulang magsalita.

"Good morning everyone. I am Ashley Mae,Bernarte 14 years old from Brgy. Tungkod SML. Sana maging kaibigan ko kayo lahat." at agad din akong umupo sa babaeng nag-ok sign sa akin. Madalian ko lang din siyang naging kaibigan.

Bloody SectionWhere stories live. Discover now