"First Victim"

3 0 0
                                    

At sa isang buwan lang naming pagsasama, lahat ay naging kaibigan ko na. Friendly, mababait, masisipag, maaasahan, matatalino at iba pang magagandang katangian pala ang makikita sa mga nasa cream section. Ang swerte ko lang na napunta ako dito.

Nagkaroon din ako agad ng barkada at masasabi kong the best silang kasama.

Laging napupuri ang section namin. Tuwang tuwa rin sa amin ang lahat ng guro, halos lahat pa ay ang section namin ang paborito. Marami ring estyudyante ang gustong gustong makapasok sa section namin.

Sobrang maayos naman ang lahat not until, one time nagkatuwaan ang section namin, walang guro at sa tingin naman namin ay walang masama sa gagawin namin dahil ginagawa rin ito ng ibang sections.

Nagsaya kami. Naglaro. Nakabuo nang ingay. Naging magulo din noon ang classroom namin dahil sa habul-habulan at tagu-taguan. May kumakanta, sumasayaw at nagseselfie pa.

Nakita kami ng teacher namin kasama na ang principal. Napagalitan kami at nagalit sa amin ang teacher namin.

"Ang taas ng expectation ko sa inyo na hindi kayo mag-iingay, na hindi kayo maggugulo, na hindi kayo katulad ng ibang section! pero ano 'to? ano nalang tingin ngayon sa inyo ng principal matapos makita ang itsura n'yo kanina? Ha? sagutin n'yo ako!" "Oh ano? ang iingay n'yo kanina tapos ngayon tatahimik tahimik kayo. Myghad! Section Helium! I'm so disappointed. You are cream section for pete sake! dapat pala di nalang kayo tinawag na cream kung katulad din kayo ng iba!" Matapos kaming pagsabihan, sigawan, at sermonan ni Ma'am Ana ay iniwan kami nito.

Matapos ang pangyayaring iyon ay laging mainit ang ulo ni Ma'am sa amin. Konting pagkakamali sa salita o kilos ay pinapahiya na agad kami. Konting ingay ay babatuhan na agad kami ng tanong na "gan'yan ba ang cream section?" then sasabihan ng dapat hindi kami tinatawag na cream section.

One time, nagrereporting kami.

"this ashes will be the cause of collapsing a building" pagpapaliwanag ng nagrereport.

"At ano pa nga ang magiging apekto ng ashes at bakit since nabanggit mo ang pagcocollapse ng building."

"A-air pollution?" hindi tiyak nitong sabi.

"Ano pa?"

"Yung sinabi mo." "Why?" "Oh bakit daw?" "Ano hindi mo alam?"Hindi na nakapagsalita pa ang nagrereport dahil sa pressure.

"Ang tagal!" reklamo ni ma'am. "Sabihin mo kapag hindi mo alam, nagtatagal tayo eh."

Napatango at napangiti nalang ang nagrereport. Sinabi din nitong hindi nito alam.

Bigla nalang sumigaw si Ma'am dahilan ng pagkagulat namin.

"Myghad! Bakit hindi mo alam? akala ko ba matatalino nasa cream?"Lahat kami ay nagalit sa mga salita ni Ma'am, hindi naman yata tamang sabihin n'ya iyon sa amin.

"Eto lang hindi mo alam? kayo? ano hindi n'yo alam? dapat talaga hindi kayo---" hindi na naituloy ni ma'am ang sasabihin nito ng biglang may sumaksak sa kan'ya.

Ang President namin.

Lahat kami ay nagulat sa ginawa nito. At ang iba'y natuwa sa nakita.

"Tamana ma'am. Sumosobra na kayo dapat na kayong mamatay."

Agad na nalagutan si Ma'am ng hininga at agad ding humarap sa amin ang aming President.

"Lahat ng nasa cream section na ito! lahat ng nasa section Helium! Listen to me. Huwag na tayo magpapaapi sa mga guro. Huwag na tayong maging sunod sunuran sa kanila. Huwag nalang nating basta tanggapin ang mga masasakit na salitang ibinabanato nila. Lumaban tayo, hindi nararapat na ipagpatuloy nila ang pangkukwestiyon sa kung ano ang dapat sa atin. Simula ngayon kung sinong guro ang maging ganito sa atin ay papatayin natin." Natigilan kaming lahat. Pagkatapos noon ay tumalikod s'ya at hinila malapit sa may divan ang bangkay ni Ma'am. Tinabunan n'ya ito ng mga basahan at sako atsaka pumunta ulit sa unahan.


Bloody SectionWhere stories live. Discover now