Mayroong tatlong magkakaibigan na sina Gregorio, Antonio, at Andres. Sila ay matalik na magkakaibigan at palaging sanggang dikit sa anumang labang hinaharap. Sila ang mga grupo na sikat sa kanilang paaralan dahil sa angking kagwapuhan at kangalingan sa larangan ng basketbol, at 'di lang iyon dahil pati sa mga babae ay sila ang patok.
Isang araw, habang naglalaro ay nagkainitan ang grupo nila Gregorio, Antonio, at Andres laban sa mga humamon sa kanila ng basketbol. Nadadaya ang grupo nila Gregorio dahil sa hindi makatarungang paglalaro ng ibang koponan, samahan pa ng referee na parang may kinakampihan.
Natapos ang laro at natalo sila. Nagsisihan at nag-away ang tatlo, mas lalong naging malala ng tinumba nila ang lahat ng gamit at saka umalis ng dahil lahat sa inis at init ng ulo.
Humantong sila sa sitwasyon na nag-aagawan na ng babae, sa lahat ng bagay ay nagpapataasan at nagkukumpitensya pa ang mga ito. Habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang hidwaan ng tatlong magkakaibigan.
Isang araw, hinarangan si Gregorio ng isang grupo na may mga hawak na pamalo. Akmang hahampasin siya sa likod subalit nahampas ito ni Andres bago pa man matamaan si Gregorio sa likod. Dalawa silang magkasama laban sa napakaraming miymebro ng grupong nakalaban nila dati sa away, ang napatakbo nila kasama si Antonio nang sila lang. Hindi nila magagawang talunin ang mga ito ng dalawa lamang sila.
Nagsimula na ang salpukan ng Gregorio at Andres laban isang grupo. Parang hindi nauubusan ng kalaban ang dalawa, may pumutok na baril mula sa likod at nakarinig ng tunog ng paparating na pulis. Nagsitakbuhan ang lahat maliban sa dalawa dahil alam nila kung sino ang may pakana ng iyon at dahil din dun kaya nila napatakbo ang lahat ng kalaban nila noon.
YOU ARE READING
Blanko
RandomBlanko. Blanko ang librong ito sapagkat lahat ng imahinasyong lalabas sa aking isipan ay unti-unti 'kong aayusin at ilalathala lahat rito. Manananatiling blanko ang titulo kahit na'y mayroong nakapaloob dito.. ibigsabihin lang nito ay magiging walan...