Chapter 2

0 0 0
                                    

Athena POV

Nandito ako sa loob ng sasakyan at iuuwi na daw nila ako sa bahay. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang sasakyan na makina ang nagpapagana. Malayong malayo sa dati kong buhay. Ang nadadaanan namin ay puro matatas na gusali.

Athena? tawag sa akin ni Charlotte. Ito ang pangalan ng babaeng may dilaw na buhok.

Tinignan ko naman ito

Kailan ka pa naging prim and proper ? taas na kilay nanaman nitong tanong.

Prim and proper? naguguluhan kong tanong dito

Iyan! turo niya sa pagkakaupo ko. Nakaupo ako ng tuwid ang likod magkadikit ang mga paa at ang dalawang kamay ay magkapatong sa aking hita. Ito naman ang tamang pagupo ah.

Wag mo nang pansinin si Charlotte inggit lang yan hahahaha tawa naman ni Louisa at Diana ang may pulang buhok.

Totoo bang wala kang maalala Athena? seryosong tanong ni Diana

Totoo, at hindi ako nagsisinungaling. tuwid kong sagot.

Ibang iba ka na talaga! hampas nanamn ni Louisa sa braso ko

Maaari bang itigil mo ang paghampas hindi nararapat sa isang babae ang ganyang asal. Mariing saad ko.

Napanganga naman ang tatlo at nagpatuloy na sa pagmamaneho si Diana. Nakita ko namang nanahimik at ginaya ang upo ko ni Louisa nang makitang nakatingin ako'y ngumiti ito ng pilit. Napahagikgik naman si Charlotte, hahampasin naman sana ni Louisa ito ngunit di natuloy at nilagay na lamang ito sariling kandungan.

Athena Devina Rueford iyan ang pangalan mo. Basag sa katahimikan ni Diana.

Ang buong pangalan ko ay Diana Mendoza, Si Louisa ay Maria Louisa Sarmiento at kay Charlotte naman ay Charlotte Lane Sy. Magkakakilala na tayo mula Highschool. Ang grupo natin ay tinatawag na Devil's Angel. Sana makatulong ang konting impormasyon na iyan kung may gusto ka pang malaman tanungin mo si Louisa madaldal yan.

At nagtawanan naman kami. Nahinto rin ng inanunsyong nasa harap na kami ng bahay daw ko daw.

Sa susunod nalang tayo magkita at nagpaalam na ang tatlo

Sobrang laki at lawak nito mala palasyo rin ngunit iba parin ang palasyo ng Sumeria. Ang bahay na ito ay makabago sa aking paningin.

Miss Athena kanina pa po kayo hinihintay ng inyong magulang. Magalang at nakayuko nitong pahayag

Maraming salamat at tumuloy na ako. Nakita ko pa na nabigla ito, ano bang ugali ni Athena?

Kung kanina ay namangha ako sa labas ngayon ay Mas namamangha ako ang ganda ng disenyo ng loob bahay. Makabagong makabago ngunit mas gusto ko ang gamit sa palasyo.

Ipinakita nito ang daan papunta sa hindi ko alam kung saan. Nakita kong may tatlong nakaupo sa hapagkainan. Marahil ang dalawang matanda ay aking mga magulang at ang batang lalaki naman ay ang bunso kong kapatid

Maam and Sir, Nandito na po si Ms Athena. Iginaya niya ako paupo sa tabi ng batang lalaki.

Ano ang nabalitaan kong naaksidente ka! Iyan na nga ba ang sinasabi ko dahil sa katigasan ng ulo mo! Tumayo na ako sa pagkakaupo

Ano aalis ka nanaman? Baka pagdating moy wala ka ng buhay aber?

Yumuko ako sa kanila, Pagpasensyahan niyo po ang aking mga nagawang kasalanan, Sa ngayon poy wala akong maalala dahil sa naturang aksidente. Ipagpaumanhin ninyo po. at mas yumukod pa ako.

A-ano? naguguluhan pa nitong saad ngunit pinagpatuloy rin ang sasabihin Umayos ka na at kumain. Mamaya ay paguusapan natin iyan. Tumayo na ako ng tuwid at nagpasalamat nakita kong nagiba ang tingin nila sa akin. Nasanay ako sa tuwing kaharap ang aking mga magulang si Amang Hari at Inang Reyna ay magbigay galang.

Ang nasa lamesa ay bago sa aking paningin. Kinuha ko muna ang isang tela sa lamesa at nilagay sa aking hita Kumuha ako ng putaheng alam kong masarap at dahan dahang kumain nang may pagiingat. Naramdaman ko ang mga tingin nila na para bang pinagaaralan ang mga kilos ko.

Oliver, may himala. rinig ko pang bulong nito sa asawa.

pagkatapos ko kumain ay dahan dahan akong uminom at dampi damping nagpunas ng bibig. Namamangha namn akong tignan ng tamang sabihin ay ina ko.

Tapos na po ako. Hinintayin ko na lamang po kayo sa pahingahan. Yumuko pa ulit ako.

hindi na ako ngpahatid dahil nadaanan naman namin ito kanina. Umupo na ako sa malambot na upuan at hinintay matapos ang aking mga magulang. Maya maya rin ay umupo na ito sa tabi ko.

Hinawakan nito ang kamay ko.

Anak, ang pagbabagong ito ay ipagpatuloy mo. Ang saya saya ko ngayon.

Alam namin na naaksidente ka ngunit ang sinabi mong nawalam ka ng alaala ay nakakabigla.

Kilala mo ba kami?

Umiling ako sa kanilang tanong.

Ako ang Mommy mo Im Blessilda at ang Daddy mo Si Oliver at etong Cute mong kapatid ay si Daniel. Ang itatawag mo samin ay Mommy at Daddy nakuha mo? pagpapakilala nito.

Opo, Mommy

Good matagal ko ng pangarap na matawag mo akong ganyan at bumait ka. Blessing in disguise pala ang aksidente mo.

Bless pagpahingahin mo na ang Anak mo para makabawi ng lakas

Maraming Salamat Daddy at Mommy Yumuko ulit ako

Itigil mo na ang pagyuko mo Hug nalang okay pa ngiting ngiti nitong pahayag

Hug? Ano iyon? Nagtatakang tanong ko sa aking isipan

Oo at niyakap niya ako. Yumakap na rin ako.
Group Hug! sigaw ni Daniel at nagyakapan na nga kami masarap pala sa pakiramdam ang ganto.
Ang buo ang pamilya.

*****

Nakahiga na ako sa sinasabing silid ni Athena. Itim at puti lamang ang kulay na nakapagbibigay ng misteryosong awra ng kwarto. Nakakapanibago. Pinilit kong makatulog ngunit hindi sanay ang aking pakiramdam sa ganitong kwarto. Kaya bumangon na lamang ako at ginala ang kwarto. Nakakamangha ang mga gamit dito ngunit nakapukaw ng pansin saakin ang mga nakasalansang mga libro. Mahilig ako sa mga libro kaya inisa isa kong basahin ang mga pamagat. Sa bandang gitna ay may isang librong hindi naka ayos kinuha ko ito at biglang umurong ang cabinet na pinaglalagyan ng libro.

Nakakapagtataka. Ano ito? dahil sa kuryosidad ay pumasok ako. Napakadilim sa lugar na ito, nakakatatlong hakbang palang ako ng may magsalita.

Good evening Master. at kusa nalang lumiwanag ang buong silid. Hindi ako makapaniwala! Ano ang mga bagay na ito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Queen: CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon