Her POV
Pagmulat ng mata ko ay tatlong tao na ang nakita ko. Sino ang mga ito? Saka bakit ang sakit ng katawan ko?
Mabuti naman at gising ka na! Kala namin panghabang buhay ka na sa higaan na yan! Masigla at may paghampas sa braso pa nitong sabi.
Ang humampas sa akin ay babaeng may maikling buhok at masasabi mong masiyahin ito dahil hindi maalis ang ngiti sa mukha.
Anong nangyari sakin at sino kayo? Tanong ko dito
Aba, Athena may amnesia lang ang peg. Kung di mo na aalala nahulog ka sa bangin habang nangangarera pero wag ka mag alala, Panalo tayo alam naman nating ayaw mong natatalo. Sagot naman ng isang babaeng may dilaw na buhok at mataray itong tignan dahil sa kilay nitong nakataas.
Tawagin mo na Louisa ang Doktor! Baka maiuntog ko ang babaeng to! Sigaw naman ng may pulang buhok na kulot.
Bakit ako? sigaw naman ni Louisa ang babaeng may maikling buhok na may taas hanggang balikat.
Sinamaan lamang ng may pulang buhok si Louisa. Nagdadabog naman itong lumabas at maya maya pay kasama na nito ang Doktor.
Lumapit sa akin ang Doktor.
Ako nga pala si Dr. Del Mundo. Mabuti na ba ang iyong pakiramdam? tanong nito
Medyo masakit po ang aking katawan at kumikirot ang aking ulo. Magalang at tuwid kong pahayag
Nakita kong nanlalaki ang mata ng tatlo sa akin na animoy di makapaniwala sa kanilang narinig.
Ano ang naaalala mo? tanong ulit nito sa akin.
Naaalala?..
Flashback
Nakaupo ako sa aking trono at nakapila ang mga inatasan ko para mamuno sa bawat lugar na aking nasasakupan.
Ano ang balitang may nangyayaring kaguluhan sa kanlurang bahagi? mababakas sa tono ko ang otoridad at kapangyarihan.
Ako si Reyna Adelaide Xenia Victoria ang kauna unang Reyna na namuno kahit wala ang tulong ng isang Hari. Marami ang gusto akong pabagsakin ngunit wala kahit sino ang nakapagpanginig sa akin. Mas kilala ako bilang mabagsik na Reyna ng Semaria dahil narin sa tanghal sa akin, walang gustong kumalaban at ang bansang pinamumunuan ko ay payapa at maunlad ngunit ngayon ay may nangahas na manggulo.
Nanggugulo po ang mga Bruha sa kanlurang bayan po mahal na Reyna. nakayuko at magalang nitong pahayag.
At ano naman ang kaylangan nila? Sa pagkaka alam koy nakakulong sila sa malayong lupain natin.
Mahal na Reyna.. hindi na naituloy ang sasabihin ng pangalawang pinuno.
MAPABAGSAK KA! IYON ANG KAILANGAN NAMIN DAHIL SAYO'Y NAGDUSA ANG AKING LAHI! Dumilim ang kalangitan at humangin ng malalakas sa sigaw nito.
Ito ang tumatayong lider ng Bruha si Celve. Bruha ang tinawag namin sa masasamang mangkukulam na ang gusto lang ay manakit ng mga tao.
Ang mga sundalo ay nakapalibot sa kanya at ang iba nama'y nasa harapan ko at para protektahan ako.
Tama lamang ang nangyari sa inyo dahil masasama kayong nilalang. Matatag kong sambit dito hindi ako magpapatalo dito kahit alam kong maliit lamang ang tiyansa kong manalo dahil gumagamit ito ng itim na mahika.
WALANG TAMA DOON! NGAYON AY GAGANTI AKO! WAHAHAHAHAHA! at tumawa ito na parang nababaliw na.
Bigla na lamang may lumabas na itim na usok at pumalibot sa akin at nakakapanghina ang epekto nito. Saan nila ito natutunan?!
Nagsisugudan na ang sundalo ng palasyo ngunit nagsilabasan ang ibang pang mga bruha. Gamit ang mahika laban sa espada ay malabong manalo kami. Malakas ang kapangyarihan nila ngayon! Pero hindi dapat sumuko!
Asan ang Heneral? tanong ko sa isang sundalong nasaunahan ko.
Mahal na Reyna, Mukhang nakipagsundo po ang mga bruha sa karatig bansa at nagsisimula na po manakop ang mga ito. Napakunot ang aking noo sa saad nito.
Paano nangyari ito? Naging panatag ba ako na walang ni isa man lang ang lalaban sa akin?
Magulo na ang paligid. Ang dating maayos at malinis na paligid ay puno na ngayon ng dugo at mga walang buhay na tao.
Humugot na ako ng espada napag desisyonan ko na ang lumaban.
Mahal na Reyna, Huwag po ninyong dumihan ang inyong kamay umalis na po kayo at kami na ang bahala. Saad nito habang sinasaksak sa dibdib ang isang bruhang pasugod sa akin.
Ang isang Reyna ay hindi umaatras, ipinapaglaban nito ang kanyang nasasakupan.
Tumulong na ako sa pagpatay sa mga bruha ngunit bago pa ako makalapit ng tuluyan kay Celve ay naparalisa na ako. Papaanong?
Sa tagal na pagkakakulong namin ay nagplano kami. Nagpalakas at hinasa ang bawat sarili. Pagmamayabang nitong saad.
Unti unti na itong lumalapit sa akin at bawat susugod dito ay tumatalsik. Napakalakas nito. Maya maya ay bumanggit ito ng isang lengguwahe na alam na alam ko dahil dito ay namatay ang pamilya ko. Ang bawat salita ay tumatatak sa isip ko, Isang sumpa ang binabanggit niya.
Huwag. iyan na lamang ang naisa tinig ko
Mabait naman ako at dahil alam kong ikaw na lamang ang natitira sa lahi niyo papaga anin ko nalang WAHAAHHAHAHAHHA...
Habang papikit ay rinig na rinig ko ang mga katagang sinabi niya at tuluyan na akong nawalan ng malay.
End of flashback...
Wala. Kahit isa. sagot ko dito.
ANO? PERO? sigaw ni Louisa
Huminahon kayo, talagang nangyayari ito pero baka sa susunod na linggo o buwan ay bumalik na ang alaala niya. Maiwan ko na kayo at pagpahingahin ang pasyente.
Pagkasabi ay lumabas na ito sa silid.
Lumapit naman ang tatlo sa gilid ng kama at..
WEH??? sabay sabay nilang sabi.
Maniwala kayo o sa hindi wala akong maalala at hindi ko kayo kilala. Magpapahinga na ako. Humiga na ako at pumikit. Sumakit ang ulo ko sa ala alang iyon.
Kaylangan kong lumakas at hanapin ang lalaking iyon.
Totoo ba ang sinasabi niya?
Baka nga.
Patay tayo diyan.
iyan nalamang ang narinig ko bago ako lamunin ng antok.
*********