Chapter Eleven>>

322 18 4
                                    

Kalalapag lang ng eroplano na sinasakyan ni Jai sa airport ng

Puerto Princesa, Palawan. Noong nakaraang linggo pa siya

nag desisyon na babalik siya sa lugar na ito para makipagkita

kay Alec.. 

Hindi niya na kasi matiis na hindi ito kausapin she missed him

so much..

She Talked to Karen inamin niya dito ang namagitan sa kanila

ni Alec, tuwang- tuwa naman ito at kinilig daw sa kanilang dalawa..

At sinabi din nito kung saan ko matatagpuan si Alec sa resort..

Ilang oras pa ang nilakbay ni Jai sakay ng service Car

papuntang resort.. At habang papalapit siya sa cottage

ay lumalakas ang kaba sa kanyang dib dib..

Manang Francis tawag niya sa katiwala na nagwawalis sa

bakuran ng cottage..

Jai ikaw ba yan? bakit hindi ka man lang nag pasabi na

pupunta ka dito. Para naman nakapaghanda ako, sabi

nito sa kanya..

May kailangan lang po akong kausapin dito.. Nandyan ba si Alec?

tanong niya sa matanda...

Ngumite naman ang matanda, mapanuksong ngite..

Lumabas lang siya sandali, Ang mabuti pa mag pahinga ka muna

sa silid mo dati, at ipaghahanda muna kita ng merienda mo..

Salamat po manang, sabi niya dito..

Nilibot ni Jai ang mata sa paligid parang walang pinag bago 

ang loob ng bahay..

Bitbit ang duffel bag umakyat na siya sa dating silid na ginamit 

niya noon..

 Magpapahinga muna siya, habang inaantay ang pagdating ni

Alec..

Hating gabi na nang maisipan ni Alec na bumalik ng Cottage.

Nagpalipas siya ng oras sa tabing-dagat, Simula nang dumating

siya dito iyon na ang naging rotation niya..

Ilang linggo na ang nakalipas mula nang huli niyang makita si Jai

sa opisina nito.. Aminin man niya sa sarili nag kamali pa rin siya

nong una sa paghusga sa pagkatao nito, Kahit alam niya na ang

tunay na pag katao nito, nagulat pa rin siya, mas mayaman pala

talaga ito sa kanya...

Isa lamang hamak na writer, Kung aaminin niya kay Jai na mahal niya

ito, baka isipin nito na pera ang habol niya. sabi ni Alec sa isip..

When he entered the cottage, he frowned. May naamoy siyang pabango.

Amoy- pabango ng babae..

Babae? Paano magkakaroon ng babae sa cottage? si Aling Francis kaya?

No. somehow, gusto niya isiping ang pabango na iyon ay sa isang babaeng

kakilala niya..  Pero bigla niya din binura iyon sa isip niya imposible!

Dumiritso muna siya sa kusina, Lalong lang siya nagtaka nang mapansin

na hindi naligpit ang pinagkaininan sa lababo.. Bago siya umalis kanina ay

malinis iyon.. Sino naman kaya ang taong kumain nito hindi man lang hinugasan..

Huhugasan na niya sana ang pinggan ng may narinig siya kaluskos mula sa taas,

Hindi kaya si Jai yon? Pinuntahan ba siya nito? pero bakit.. tanong ni Alec sa isip..

Katatapos lang ni Jai mag bihis, She took a shower, Balak niyang hanapin 

si Alec, Gabi na hindi pa rin ito bumabalik, She wanted to talk to him,

Pero ano nga ba sasabihin niya dito? Alam niyang masama ang loob nito

sa kanya dahil niloko niya ito.. Paano kung ayaw siya nitong makita?

Babalik nalang ba siya sa Manila ng bigo?  Ah hindi atleast sinubukan

kung makausap siya.. Kung ayaw niya tanggapin ang pag hingi ko

nang tawad, wala na akong magagawa don kung di tanggapin na 

hanggang dito nalang talaga at walang pag asa na maging kami..

sabi ni Jai sa isip..

Muntik na mabitiwan ni Jai ang hairbrush na hawak nang may

kumatok sa pinto ng silid niya..

Agad naman siyang sinalakay ng kaba.. Nang buksan niya ang pinto..

What are you doing here? Takang tanong nito sa kanya..

She took a deep breath, I-I came here... Ahm...

just want to say----

You are wasting your time here, Ms Agpangan..

Alec---

Bumalik ka na nang Manila, wala na tayong dapat

pag usapan..

You listen to me first, please..

Wala ka nang dapat ipaliwanag alam ko na ang lahat

lahat sa pagkatao mo noon pa. sabi nito sa kanya..

Anong ibig mong sabihin na alam muna? tanong niya

dito..

 Okay alam ko na na mayaman ka at nag mamay-ari ka

na isang malaking company, ngayon pagtawanan muna

ako hanggang gusto mo..sabi nito sa kanya..

Bakit hindi mo agad sinabi na alam muna ha? Pinaglalaruan

molang ba ako? Tanong niya dito...

Ang mabuti pa bumalik ka na nang Manila, Kalimutan mo

nalang na nagkakilala tayo..

Tinalikuran na siya ni Alec..

She silently closed the door, kasabay non ang pag patak

ng kanyang luha, She wept into her hearts content, Nang

napagod, agad niyang inipon ang mga gamit, Buti nalang at

di niya pa naaayos ang mga yon, Hindi rin naman kasi siya

sigurado sa magiging outcome ng pagpunta niya dito....

Kinabukasan ay nagbyahe agad siya papuntang manila..

Hindi niya nakita si Alec, sinubukan niya itong katukin

sa silid nito pero hindi siya nito pinag buksan, Habang

sakay ng eroplano ay hindi niya mapigilan ang luha..

 Yan muna UD ko mga sis sana maintindihan nyo

para kasing nagulahan ako bigla sa kwento

hehe.. ^_^

Tulak ng bibig" Kabig ng Dibdib [JALECFANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon