◼ ◻ ◼ ◻ ◼ ◻ ◼
Nagmamadali ako habang nagliligpit ng mga gamit ko.
May outing kaming magba-barkada at siyempre, hindi ko sila magawang tanggihan. Ngayon lang din naman kasi ako makakasama kaya susulitin ko na. Masyado kasi akong abala lalo na sa trabaho, that's why I need this outing for me to unwind a little.Ghad! Nitong mga nakaraang araw kasi ay masyado akong naii-stress sa mga taong nakakasalamuha ko.
Isa kasi akong Sales Representative Agent sa isang firm na kung saan trabaho ko ang magbenta ng lupa, bahay at mga condominiums.
Sa dami ng nakakausap ko na client sa buong linggo halos wala na din akong oras para i-pamper ang sarili ko.Biglang tumunog ang phone ko at nakitang si Mama ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot, dahil kapag hindi kukulitin at kukulitin nya akong tawagan hangga't sa sumagot ako.
"Hello, Ma?"
Pansamantala ko munang itinigil ang paglalagay ng gamit ko sa bag para makausap ito ng maayos.
"Oh, anak? Tuloy ba uwi mo mamaya dito sa bahay? Alam mo namang miss na miss ka na namin, eh. Simula nung nagtrabaho ka at tumira sa condo, bihira ka na umuwi dito sa atin. We miss you, anak."
Napakagat ako ng labi, I felt guilty, pero hindi ko kase ma-hindian ang mga kasama ko. At minsan lang talaga ako makasama sa kanina. Ayoko silang biguin sa pagkakataong ito.
"E-eh, M-ma... hindi kase ako makakauwi, n-nag-aya kase sina Amber ng swimming eh."
Sandaling natahimik ang kabilang linya kaya tiningnan ko 'to. Nasa linya pa naman si Mama.
"Ma?"
Rinig ko ang paghinga nya ng malalim. Ramdam kong nagtatampo na naman sya.
"Bella naman, nangako kang uuwi, hindi ba? Nagsabi na ako sayo last week para naman magka-oras ka. Alam mo bang nagtatampo na yung Papa at Lola mo sayo, pati na si bunso! Ni hindi ka na makauwi, kung makauwi man, kating-kati ka namang aalis agad. You've really been busy, anak."
I sigh deeply.
May kung anong kumirot sa puso ko dahil sa sinabi ni Mama.
Pero kasi, hindi naman ako pwedeng biglang mag-back out na lang sa outing namin dahil lang sa family dinner.
"Basta 'Ma, last na talaga 'to! May ibang araw pa naman, eh."
Rinig ko ulit ang malalim na paghinga ni Mama na para bang wala na itong magagawa sa desisyon ko.
"S-sige, anak... i-ikaw ang bahala."
At nawala na ito sa linya.
Im sorry, Mama.
Itinuloy ko na lang ang pagliligpit para matapos na at makapunta sa meeting place namin. Magkikita kami sa isang restaurant na malapit sa pinagtatrabahuan namin para wala ng magkalituhan pa.
•
Andito na ang lahat, 'di bale sampu kaming magkakasama.
"Oh, Bella? Ba't parang hindi ka masaya?"
Tanong sa akin ni Amber, napansin nya atang matamlay ako.
"A-ah. W-wala naman. Naalala ko kasi sila Mama, may family dinner sana kami ngayon, eh."
Umingos ito sa akin at pabiro akong tinapik sa braso.
"Nako! Hayaan mo yun, madami pa namang next time. Para namang mauubusan ka ng araw. May bukas pa 'no, kaya ngiti na! Let's enjoy this day!"