CHAPTER 6
WARNING: SPG/R-18
Matapos mag antanda ng krus ay tumayo na si Marzia mula sa pagkakaluhod, palabas na siya sa simbahan ng sumulpot sa harapan niya si Nato.
blakong tinignan niya ang binata na bakas ang pagkabahala ngunit hindi siya nagpatinag, ilang araw na niyang naiiwasan ito, madali na niya itong magagawa ngayon.
iniwas niya ang tingin dito saka sinubukan na lagpasan ang binata ngunit pursigido talaga ito at muli siyang hinarangan.
"Marzia—"
"Nato, padaanin mo ako."
"Mag-usap tayo, pakiusap. Magpapaliwanag ako kung bakit hindi ako nakarating."
tinignan niya ang paligid kung nakukuha na nila ang atensyon ng mga tao sa simbahan, laking pasasalamat niya dahil kakaunti nalang ang nasa loob at karamihan ay mga matatandang babae na nagdadasal.
muli niyang ibinalik ang tingin sa binata na nagsusumamo pa rin na nakatingin sa kanya.
"Wala na tayong dapat pa pag-usapan, Nato. Nang hindi ka sumipot ng gabing iyon ay natapos na ang lahat sa atin, wag kanang mag-abala pang magpaliwanag dahil wala rin iyong silbi. Hindi mapapawi ng paliwanag mo ang katotohanang hindi mo ako sinipot sa tagpuan natin kaya naman tigilan mo na din ito."
kitang kita niya sa mga mata nito na hindi ito makapaniwala sa sinabi niya, ramdam niyang nasasaktan ito ngayon ngunit mas nasaktan siya ng hindi siya nito siputin.
"Pakinggan mo lang ako, Marzia. Hindi ba't mahal mo ako? ganito nalang ba matatapos kung anong mayron tayo?"
pinakatitigan niya ito sa mata, maling mali na nakipag usap pa siya dito. Sinisisi niya ang puso niyang marupok pagdating kay Nato, nasabik siya sa binata kaya naman nagawa niya itong kausapin para makipag tagpo sa kanya ng gabing iyon.
"Paumanhin, Nato. Wala na akong nararamdaman pa sa iyo, mali ako ng makipagkasundo akong makipagtagpo sa iyo para ayusin ang relasyon natin. Hindi na kita mahal, sana ay kalimutan nalang natin ang isa't isa."
sumisikip ang dibdib niya sa binitawang salita, hindi totoo iyon pero ngayon lang ay kailangan niyang kontrolin ang puso niya.
kitang kita niya ang paglaylay ng balikat ng binata, may namumuo na rin na luha sa mga mata nito na ano mang oras ay babagsak na.
"Hindi iyan totoo—"
"Marzia!"
sabay silang napalingon sa bukana ng simbahan ng marinig ang pagtawag sa kanya, bahagya siyang nagulat ng makita don si Cyruz na nakatayo at kumakaway sa kanya gamit ang isa nitong kamay.
napalingon siya kay Nato ng makita ang pagyuko nito at ang pasimple nitong pagpunas sa kanyang mata.
BINABASA MO ANG
Marzia (On-going)
Mystery / ThrillerSi Marzia ay kilala sa kanilang barrio bilang isang dalagang mahinhin, mabait, at makadiyos. Isang araw ay bigla na lamang pumutok ang balita sa buong barrio na natagpuang patay ang dalaga sa loob ng seminteryo at ang mas nakakagimbal dito ay walong...