CHAPTER 5
WARNING: SPG/R-18
Tuloy tuloy na nilagok ni Jojo ang laman ng bote ng beer na hawak, malakas na ibinaba niya sa lamesa ang hawak na bote na nakagawa ng malakas na tunog.
hindi pa din siya makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Marzia, matapos niyang maangkin ito ng dalawang beses ay basta basta na lamang siya nitong babalewalain.
ang akala niya ay natupad na ang matagal niyang hiling na maging kasintahan ang pinapantasya nilang babae dahil sa nangyari sa kanila sa bodega ng bahay nito ngunit nagkakamali lang pala siya.
ginamit lang siya nito upang makaraos at mapahupa ang init ng katawan.
"Jojo baka mabasag naman ang bote."
umangat ang tingin niya kay Criselda, mapang akit itong ngumiti sa kanya saka umupo sa tabi niya.
hinaplos haplos nito ang kanyang balikat habang nang aakit pa din na nakangiti sa kanya.
"Mukhang mabigat ang problema mo ah, Jojo." pinasadahan pa nito ng dila ang mapupulang labi dahil sa kolorete matapos sabihin iyon.
hindi na siya nagtataka kung bakit ito ang pinakapatok na bayarang babae sa bahay aliwan na kinaroroonan niya, maganda, malambing at mapang akit ito sa mga parokyano.
"Wala akong pera, Criselda. Wala akong pangbayad sa iyo." sabi nalang niya saka inabot ang isa pang bote at sinimulang inumin iyon.
narinig niya ang pagtawa ng babaeng nasa tabi niya.
"Ikaw naman, Jojo. Alam mo namang papayag akong magpakama sa iyo kahit na hindi mo ako bayaran." anito.
napailing iling siya sa sinabi ng babae, matagal na siyang inaakit nito ngunit hindi niya ito pinapatulan dahil hindi katulad nito ang mga tipo niyang babae, isa itong babaeng bayaran, kalapating mababa ang lipad at ayaw niya sa mga ganong babae.
ang tipo niyang babae ay ang katulad ni Marzia, maganda, mabait at makadiyos. Kaya naman halos lahat yata ng kalalakihan sa barrio ay pantasya ito, masuwerte nga siya at natikman niya ang langit sa piling ng dalaga ngunit agad din pinaranas sa kanya nito ang bumagsak sa lupa ng sabihin nitong pagkakamali lang ang nangyari sa kanila.
"Naku, Criselda. Lubayan mo na yang si Jojo at hindi ka papatulan niyan."
napaangat siya ng tingin sa dalawang lalaking nasa harap ng mesa niya, napalingon siya sa babae na inis na umalis sa tabi niya saka nagtungo sa iba pang lamesa na may umiinom na kalalakihan.
"Anong atin, Jojo? mukhang napapadami ang inom mo ah."
binalingan niya ulit si Berto at Erwin na umupo sa bakanteng upuan sa harap niya.
"Wala, naglilibang lang." aniya.
BINABASA MO ANG
Marzia (On-going)
Misterio / SuspensoSi Marzia ay kilala sa kanilang barrio bilang isang dalagang mahinhin, mabait, at makadiyos. Isang araw ay bigla na lamang pumutok ang balita sa buong barrio na natagpuang patay ang dalaga sa loob ng seminteryo at ang mas nakakagimbal dito ay walong...