Two

4 0 0
                                    

Two

*

Umagang-umaga, akala mo may piyesta.

Kahit na sobrang ingay sa loob ng classroom, kalmado pa rin akong nakadungaw sa labas ng bintana at pinapanood ang pag galaw ng mga ulap.

"Girls! May hot issue!!! Lapit kayo!!!" Narinig ko ang sigaw ng isang babae na napakapamilyar sa tenga ko. Napa-irap nalang ako ng marinig ko iyon.

Tinuloy ko nalang ang pagtingin sa labas ng bintana at pagbibilang ng mga ibong dadaan. Ngunit nawala nanaman ako sa bilang nang may kumulbit saakin. Tinignan ko ng masama ang kumulbit sakin at napansin ko na napalunok siya.

"U-uhm, pinapatawag ka ni S-Sandra ..." sabi nung babaeng may makapal na glasses.

Inirapan ko siya at tinignan ko si Sandra. Nakatingin na siya sakin at napairap ako nung iginaya niya ko palapit sakanya. Napansin ko din na marami-rami na rin ang nakapalibot sakanya.

Hindi ko siya pinansin at tumingin ulit sa labas ng bintana. Narinig ko naman siyang magtampururot dahil sa pag i-snob ko. Ang ingay talaga ne'tong babaeng 'to, sabi ko sa sarili ko

Napansin ko na maraming babae ang nasa baba at nagtipon-tipon. Nacurious naman ako.

"Maggie! Pakinggan mo naman ako! Why you always reject me?! Huhuhu!" Narinig kong tumawa ang mga kasama ni Sandra sa kaartehan niya.

Hindi ko pa rin siya pinansin and tinititigan ko pa rin yung kaguluhan sa baba. Ang dami talagang mga babae sa front gate eh. Wala pa ngang uwian, naka-abang na agad sa gate.

"Wow! Ang bilis kumalat ng balita, ah. Nasa baba na agad yung sasaeng fans ni Henry." Narinig kong sambit ni Rose.

Napapigil ako ng hininga nang marinig ko ang pangalan na 'yun.

Narinig ko munang tumawa si Nathalie bago magsalita, "'Yang mga 'yan pa ba? Lahat ng ganap sa buhay ni Henry alam na nila eh. Alangan malalaman at malalaman nila yun."

"Sakanila ko nga nalaman yung issue eh." sambit naman ni Sandra.

Napatigil nalang sila sa pagsasalita nung mga nagsi-tilian ang mga babae na kanina pa namin tinitignan.

"Hoy mga charotera, nabalitaan niyo na ba?" napalingon kami kay Kylie, and apparently, ang ingay din ng baklang 'to.

"Kanina pa, bakla. Late ka na." sagot ni Gemma at tumingin na ulit sa labas ng bintana. Ganun din ginawa naming ng may napansin kaming kotse sa tapat ng gate.

"Oh, andito na sila."

Nakita ko ang paglabas ng ilang tao sa kotse at lalong lumakas ang tilian.

Napapikit nalang ako nung makita ko sila. Ayoko silang makita. After all, I'm only the antagonist in their story.

Tumayo na ako at naglakad papuntang pintuan.

"'San ka pupunta, Maggie? Magsisimula na homeroom." Paalala sakin ni Rose.

"I'll be back." Sagot ko sakanila at lumabas na ng classroom ng tuluyan.

Habang naglalakad sa hallway, maraming mata ang nakatingin sa akin. Fear, anger, and disgust. Hindi ko iyon pinansin dahil normal na 'yun. Hindi na bago kumbaga. Antagonist kasi ako eh.

Nung pa-liko na ako papuntang hagdan, may nakabangga akong babae. At dahil mabilis ang reflexes ko, 'di ako natumba. Pero yung babae, nasa sahig na ngayon.

Tatarayan ko na sana siya nung nabigla ako sa itsura niya. Halata sa mukha niya na kakaiyak niya lang at sobrang lungkot ng mukha niya. Umatras lahat ng katarayan ko at nanahimik. 'Yung itsura niya ngayon, di ko mapigilan na makita ang lumang ako sakanya.

Nakita ko sa mga mata niya na naluluha pa siya. Magsasalita na sana ako nung limingon siya sa kanan niya, kung saan siya nanggaling at kung saan ako papunta. At dahil doon, napalingon din ako.

Lumaki mata ko nang makita ang isang lalaki na mapula ang kaliwang pisngi. Nang mapansin ko ang hugis ng pulang parte sa mukha niya, doon ko na lamang nahalata ang sitwasyon. Oh my, sampal ba 'yan? Sabi ko sa sarili ko.

Tumayo na yung babaeng nasa sahig kanina pa at tumakbo na paalis, para bang pinapamukha niya doon sa lalaki na ayaw niya makita ang mukha niyang ganoon. Just like I did before, huh.

Tinignan ko ang lalaki at medyo nagulat ako nang makita ko siyang nakatingin na sakin. At para bang magnet ang mga mata niya, hindi ko mai-alis ang aking tingin, na para bang pag inalisan ko ng tingin, may mangyayaring 'di ko inaasahan.

"Still cutting classes, huh, Maggie?"

Napatalikod naman ako nang marinig ko ang napakapamilyar na boses sa likod ko. At nang makita ko ang mukha niya, para bang gusto ko nalang umuwi at magkulong sa kwarto ko buong araw.

Nakita kong kasama ni Henry ang kanyang girlfriend at ang iba niya pang mga barkada. Halata sa mukha ni Henry na hindi niya din ako ginustong makita ngayon, na parang diring-diri siyang makita ako. Nakita ko din ang mga kaibigan niyang dati ko ding mga kasundo, kasama rin ng mga ito ang sari-sariling mga nobya at nobyo. Halo-halo ang mga emosyon na makikita mo sa mga mukha nilang lahat, may mga naiinis, may naaawa, may takot, at mayroon ring walang pake.

Inismiran ako ni Henry nang hindi ko siya sagutin at inakbayan ang girlfriend niya. Naglakad na ulit sila ng mga kasama niya pero tumigil ulit si Henry nung makita niya ang lalaking katitigan ko kanina lang.

"Oh, Sky. You're here—wait, what happened to your face?" Narinig kong tanong ni Henry.

"Is that... a mark? Did she slap you Sky?!" di makapaniwalang tanong ni Annie, isa sa mga kaibigan ni Henry.

Do I look like I slapped him? Ang layo-layo ko sa tao, oh. Napairap ako sa sitwasyon ko ngayon. Ako nanaman ang masama.

"Nung una, girlfriend ni Henry ang sinaktan mo. Ngayon, kapatid naman niya? Kelan ka ba titigil ha, Maggie? 'Di ka pa rin nakaka-move on kay Henry kaya sinasaktan mo ang mga taong mahal niya? 'Di mo pa rin ba maitatak sa utak mo na hindi ka na mahal nung tao?" napapikit ako sa irita sa pinagsasabi ni Annie.

Pinipigilan na ng iba si Annie pero hindi niya pinansin ang mga ito at lumapit sa akin. Nanatili ako sa pwesto ko hanggang makaabot sa harap ko si Annie.

"Tapos na role mo dito sa storyang ito, Magnolia." Tinignan ko siya ng mariin nang tawagin niya ako sa first name ko, "Umalis ka na sa buhay naming lahat, pwede ba?"

Napatawa ako ng bahagya nang marinig ko ang mga salita niya. Ni-hindi niya nga alam ang tunay na storya tungkol samin ni Henry pero kung makasalita siya, daig pa ang di makabasag pinggan na girlfriend ni Henry.

"Fuck off, Antoinette." Ito lamang ang sinabi ko pero halos sumabog na si Annie sa galit at tinaasan ako ng kamay.

Ready akong tanggapin ang dadating na sampal sa mukha ko dahil plano kong suklian ang sampal niya ng dalawang beses, mas malakas pa. Pero bago pa lumapit ang kamay niya sa mukha ko, may pumaharang na kamay sa pagitan namin at hinawakan ang kamay ni Annie.

"Sky!" Sambit ni Annie.

Nilingon ko ang lalaking nakatayo sa kanan ko, nagulat ako nang makita ko ang tingin niyang nakakatindig balahibo. Nakatingin siya saakin na para bang leon siya na handang sakmain ang kanyang prey na kuneho, which is me.

Nagkaroon pa ng maliit na staring contest sa aming dalawa. Nang pumiglas si Annie sa hawak niya, inalis niya ang tingin sa akin at tinignan si Annie. Napansin kong napaatras ng bahagya si Annie nang tignan niya nung lalaki.

"You don't even know what happened. So, shut up and mind your own fucking business."

Tumaas lahat ng balahibo ko sa boses niya. Nakakatakot pero ang ganda at the same time. Mababa ang kanyang boses at hindi ko na itatago, gusto ko sa lalaki ang ganoong kababang boses.

Binitawan niya na ang braso ni Annie at muli niya akong tinignan. 'Di ko nanaman mapigilan ang sarili kong malunod sa kanyang mga mata.

It's like as if his eyes where the sky and mine are the sea, my eyes are reflecting his.

~~~end of two~~~

@gyudetamatama

12.22.17

The Antagonist's Love StoryWhere stories live. Discover now