Three
*
"You don't even know what happened. So, shut up and mind your own fucking business."
Binitawan niya na ang braso ni Annie at muli niya akong tinignan. Nakipagtitigan ako sa lalaki ng ilang Segundo at tumingin kay Annie.
Napataas nalang ako ng kilay nung biglang tumiklop sa hiya si Annie. Napag-halo na ba ang tubig at langis? Anyare dito sa malditang 'to? Sabi ko sa sarili ko.
"Henry... Malelate na tayo..." narinig kong sambit ni Princess.
Napairap nalang ako nung makita kong kapit na kapit siya sa braso ni Henry. Hindi na ko naghintay ng milagro at umalis na sa lugar na iyon. Narinig kong sumisigaw sigaw si Annie pero 'di ko na pinansin. Wala akong oras at pasensya para kausapin silang lahat.
Hindi ko napansin na napadpad na pala ako sa university clinic. Naisipan ko nalang na makigamit ng laptop sa isang doctor na kakilala ko dito sa clinic. Pumasok ako ng clinic at agad hinanap si Ate Heather.
"Ate Heather," sabi ko.
"Oh, Maggie, pasok ka." Nilingon ako ni Ate Heather at ngumiti.
Kakilala ko si Ate Heather dahil kay Ate Lily at Sandra. Kaibigan ni Ate Lily si Ate Heather habang nakakatandang kapatid naman ni Sandra si Ate Heather. University doctor si Ate Heather kaya kada natitipuhan ng barkada na magskip ng class o kaya matulog, dito kami sa office ni Ate Heather dumederetso.
"Start na ng homeroom ah. Kanina pa." Sabi ni Ate nang sinara ko yung pinto.
"Pasok ako mamaya. Nawala ako sa mood eh." Sabi ko, "Ate, pahiram ako ng laptop."
"Sige," sabi ni Ate Heather habang nagaayos ng gamit niya sa desk. "I-lock mo nalang yung pinto, may meeting akong pupuntahan eh."
"Okaaay," I said with a bored tone. Nung iniisip ko kung anong gagawin ko sa laptop, napatigil si Ate Heather nung nakita ako.
"Asan ID mo?"
"Huh?" napayuko ako at nakita ko na yung ID case ko ay walang laman at nakabukas. "Hala."
"Nawala mo?" tanong ni Ate nang makatayo na siya.
"Baka nalaglag sa corridor, may nakabangga ako eh, baka nahulog nun." Napakamot ako ng ulo dahil magiissue nanaman ako ng ID pag hindi ko nakita yung ID ko.
"Babalikan mo ba? Hintayin kita makabalik." Suggest ni Ate Heather, ngunit napaisip ako kasi baka andun pa yung mga taong kinamumuhian ko.
"Tsk, hindi na Ate, magfile nalang ako ng lost item sa registrar."
"Sige, sabi mo eh. Una na ko." Sabi ni Ate Heather at umalis na. Napakamot ulit ako ng ulo at tumingin ako sa ID case kong walang laman.
"Bwisit, walang kwenta naman 'tong gamit na 'to."
~~~
"Oh, Maggie," Sambit ni Sandra. "Ang aga mo ata bumalik. LUNCH NA 'TEH."
Hindi ko siya pinansin at umupo sa bakanteng upuan. Pagkaupong pagkaupo ko, inabot sa akin ni Nathalie yung bag ko.
"First day na first day, 'teh. Anyare?" Tanong ni Kylie habang binubuksan ang cup noodles na baon niya. Noodles nanaman ba babaunin netong baklang to buong taon?
"There you go again with noodles," sabi ni Nathalie. "Sabi ko sayo magpapaluto nalang ako kay Nanny para sayo eh."
"Si Yaya Mel nga tinanggihan ko, si nanny mo pa kaya?" sagot ni Kylie.
YOU ARE READING
The Antagonist's Love Story
RomanceAng pinaka-ayaw ko ay ang malunod sa kanyang mga mata. Pero kahit na pagbaliktarin natin ang mundo, I will still fall. It's like as if his eyes where the sky and mine are the sea, my eyes are reflecting his. "I can be it." Huminga muna siya ng mala...