Aldrich POV.
Naglalakad ako galing sa restroom at hindi parin nawawala ang galit ko at hindi ko alam kung paano ito mawawala papasok na lang ako para mawala to pero habang naglalakad ako papunta sa room ko ay biglang tumunog ang phone ko
Teneeeen
Ang cute talaga ng ringtone ko agad kung tinignan ang phone ko nagtext si simon
Simon.
Bro walang klase hindi pumasok si ms. Uy umuwi na yung iba. wait ka paba namin ng kapatid mo ?
Napailing ako ng wala sa oras mga prof. talaga dito binabayaran ng mahusay hindi ginagampanan ng maayos ang mga dapat nilang gawin. agad akong nag type para replyan si simon
To: Simon
Ge bro una na kayo ni trixie may dadaanan pa ako .
Ilang minuto lang ay nag reply si simon
Simon.
Okay bro . Noted .
Pagkabasa ko non ay tinago ko na ang phone ko at naglakad na ako papuntang parking lot habang naglalakad ako lahat ng babae sa campus na to ay nakatingin sa akin napailing nalang ako sa wala sa oras hanggang ngayon hindi parin kumukupas ang kagwapuhan ko hindi ko alam kung bakit ako hinayaan ni snow na mawala ako sa kanya
Ilang minuto lang ay narating ko na ang parking lot at agad akong sumakay gusto ko na munang uminom dahil yun lang ang kailangan ko now para mawala itong inis ko
Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip ano kaya kami ni snow kung hindi nya ko iniwan siguro kami parin at masaya parin kami kaya hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko dahil alam ko sa sarili ko na lahat ng sakit ng iwan nya ko bumalik
Akala ko okay na ko ! hindi pa pala ilang girls na ang naka salamuha ko , but still walang papantay sa kanya kahit si hanna never nyang nalagpasan si snow kaya siguro ganito ang galit ko ng makita ko sya dahil nasasaktan ako dahil hanggang ngayon im still inlove sa babaeng inuwan ako noon .
Pero never ako babalik sa kilala nyang Aldrich , pinatay nya na yun , i will make sure na mag su-suffer sya sa pagbabalik nya dito lalo na sa tropa .
Ilang minuto lang ay narating ko na ang bahay namin agad akong bumaba at pinunasan ko muna ang luha ko at pumasok na ko
Paakyat na sana ako ng hagdan ng may nagsalita bigla ang kapatid ko
"Hey Gale" Seryoso nyang sabi sa akin
Binalewala ko sya at naglakad ulit ako ng nagsalita ulit sya
"Hey Gale ano yung kanina huh?"Maldita nyang sabi sa akin kaya huminto ako at nagsalita
"What?"Cold kung sabi sa kanya
Tinarayan nya ako at nagsalita ulit sya.