MEMORY

49 3 5
                                    

WARNING: SPG |R-18 |MATURE CONTENT

HUMINGA muna ng malalim si Set bago sagutin ang tawag.may ilang oras na ang nakakaraan ng umalis siya ng bahay at halos ganoon narin katagal na hindi humihinto sa pag-ring ang cellphone niya.

Alam niyang hindi si selistin titigil sa pagtawag hangga't hindi niya yun sinasagot.

Bahagyang linayo niya ang cellphone sa taenga niya.

"Setsumi Lihn Dizon!Bumalik ka rito ngayun din!"Sigaw agad ng nasa kabilang linya.Immune  na siya sa matinis na boses nakakatandang kapatid.

"Babalik ako kapag nakausap ko na si David,ate"Pag mamatigas niya.

Lalo itong nanggalaiti"Baliw kana talaga!Get back here now or else!"banta nito

"Ate,hindi nga ako babalik ng hindi ko nakikita at nakakausap si David"Pag didiin niya.

"David!David!Puro ka David!Pinag mukha kang tanga ng David Nasco na iyon,Nakalimutan mo na ba?!Ikaw at ang pamilya natin!"She rolled her eyes kasabay ng pag buntong hininga.

Bakit ba kailangan pa nitong banggitin iyon gayung alam naman nito na masasaktan siya?Oo nga't almost Six months na mula ng mawala na lang ito na parang bula pagkatapos mag propose.Pero sariwa parin sa alaala niya iyon.

"Alam  kong may dahilan kung bakit niya yun ginawa and I want to hear from him" sabi niya

"What for?Gusto mo bang masaktan ulit?May ipinapatrabaho sayo sina mommy at daddy sa office at yun ang dapat mong anaasikaso.Kaya bumalik ka na dahil kung Hindi,isusumbong na talaga kita sa kanila!"Banta nito.

Nasa business trip abroad ang mga magulang nila,Pero alam ni set na napaka dali lang sa kapatid niya na ma-contact ang mga ito,Sa kabila nito.Ay wala siyang balak na mag give in sa pananakot nito.

"I have to hung up-"

"Don't dare hung up on me,Set!"putol nito"Kailan mo ba talaga mari-realize na hindi ka mahal ng david na yon?Kaya hindi mo na siya dapat pang pinag-aaksayahan ng panahon,ha?"

"That is not true!"Mariing kontra niya"David and I...were together since we were teenagers,Alam mo yan..."

"Teenager ka diyan,Formal lang naman na naging kayo n'ung inalok ka niya ng kasal few months ago,Hindi ba?Pero before that,lkaw lang ang nag-iisip na may relasyon kayo.Masyado mo kasing tinotoo yung kasunduan ng parents natin at ng dad niya noong teenagers pa lang kayo na ipakasal kayo balang araw"

"He proposed on me,Ate.Hindi niya gagawin yon kung hindi niya ako mahal.Kaya tigilan mo na yang sinasabi mo dahil hindi mo mababago ang isip ko"

Agad niyan pinatay ang tawag saka pinatay ang cellphone  para hindi na maka contact ang kapatid niya

Saan ba nakuha ni kath ang ideya na hindi siya mahal ni David kaya hindi ito nag pakita ng malapit na silang  ikasal?Naniniwala siyang mahal siya ng lalaki at may malalim lang na rason kung bakit nito iyon ginawa.Bakit naman hindi  siya nito mamahalin gayung nasa kanya na ang lahat!Maganda siya,may pinag aralan,galing sa kilalang pamilya.higit sa lahat,mula pa ng mga bata sila ay walang pagkakataon na pumalya siya rito na ipakita ang kanyang nararamdaman.Kaya alam niyang alam ni David na walang ibang lalaking nakaagaw sa pansin niya mula rito.

Maliban na lang noong minsan...noong isang gabing yun,sampong  taon na ang nakakaraan...

Ten years ago...

"HINDI ba naibigay mo na yung regalo mo kay David?"nag tatakang tanong ng kaibigang ni set na si Bright.Nasa bahay sila ni David that night para sa eigteenth birthday ng lalake

MEMORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon