:/ErrorsaHead:}
TUMAAS ang isang kilay ni Set Ng maghubad ng leather jacket ang lalaking asa harapan niya.
Plain white t-shirt lang ang suot nitong upper garment.Halatang may kaya ito dahil branded iyon at bagay sa faded maong pants nitong pang ibaba.
"Open the trunk"sabi nito.
"What?"nag tatakang tanong niya.
"Ilalabas natin yung spare tire.Siguro naman may reserbang gulong yang kotse mo."
"Oo,Pero...Ikaw ang mag papalit?"
"Hindi ba kaya mo ako pinahinto?"
Pagtataas ng noo ang isinagot ni Set.Medyo nag dududa kasi siya dahil parang hindi bagay rito na gawin ang ganoon at malinis ang hitsura.Halatang may masasabi din sa buhay.
"Ano na?"Untag nito ng hindi siya kumilos
Kinuha ng dalaga ang susi sa loob ng kotse saka binuksan ang compartment.Inilabas nito mula roon ang spare tire at gamit ang tire wrench na nakuha rin doon ay sinimulan nitong kalasin ang bolts sa reel ng flat na gulong.Baka handy lang talga siya.
Di maiwasan ni Set na pakatitigan ang matitipuno nitong katawan.Pamilyar ito sa kanya na parang dati na niya itong kilala.No.Pasimpling iling ng dalaga.
Hindi siya nahirapang isipin kung sino ang kakilala niya na may resemblance nito.
Nakaramdam nanaman siya ng inis dahil sa muling pag pasok ng taong iyon na alala niya.Hinding hindi niya makakalimutan ang ngitngit na naramdaman niya noon para sa taong iyon.
"Y-YOU?!"bulaslas ni Set ng masinagan ng liwanag ng cellphone ang mukha ng lalaking niyakap at hinalikan siya sa dilim.
"Oh,my God!A-nong ginagawa mo rito kasama ang Uncle ni David?"bulaslas ni Bright.
Di makapaniwalang bumaling siya sa lalaki na tito ni David.Madalas itong nakikuwento ni David sa kaniya.Kaya kilala niya ito sa pangalan.Dalawang taon lang ang pagitan ng edad nila David at Gabo kaya magkasundo ang dalawang ito.
Ilang segundo siya tila itinulos sa kinatatayuan.Kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
"Uhm...pinapunta ako dito ni David para kunin yung ibibigay mo pa daw na regalo sa kanya.Hindi nga kasi niya maiwan-"
"Damn you!"Malakas na sigaw niya na pumutol sa sasabihin nito."Bakit hindi mo sinabi agad na hindi ikaw si David?!"
"Sasabihin ko sana kaso lang pinuputol mo kapag mag sasalita na ako,"Katuwiran nito.
"At ako pa ang may kasalan?Ang sabihin sinamantala mo ang pag kakataon,"Pag aakusa aniya dito.
Nag tagis ang bagang nito"Sinamantala?"
"Oo!Dahil may gusto ka sa akin,Alam ko yun.Walang hiya ka!"
"Teka lang,ha"Ngumisi ito"Di ba't ikaw ang naunang yumakap at humalik sa akin?Hindi kaya ikaw ang may gusto sa akin?"Saad nito.
"Oh,my God!Ginawa mo yon,Friend?"muli ay bulaslas ni tricia.
"Akala ko kasi si David siya,Madilim eh"Pag tatanggol niya sa sarile niya
"Hoy!Ang kapal ng mukha mo para isipin na may gusto ako sayo.At para sabihin ko sayo kahit mag hubad ka sa harapan ko hindi kita papatulan.At kung nakukuha mo lahat ng babae,pwes ako hindi!manyak!"
Pagak itong tumawa,At nang aasar na ngumisi."Pano kaya kung mag hubad ako ngayun,Tatanggi kapa rin ba?"Tilay ng aasar ito.
abayt sige nga.Pasimple siyang umiling sa laman ng isip niya