"Tori?"
"Tori?!"
"Hey naririnig mo ba ako?"
Nagulat ako ng may biglang humampas sa balikat ko na nakapagpabalik sakin sa reyalidad.
"iniisip mo pa rin ba yung dream guy na sinasabi mo? Ang tagal na nung huli mong napanaginipan yun ah?" sabi ni Macy yung babaeng humampas sakin sa balikat.
"tch hanggang ngayon siya pa rin iniisip mo? Tigil tigilan mo nga yang kahibangan mo! Hindi mo nga alam kung anong itsura niya not even his name" iritang sabi ni AlexInirapan ko na lang sila at nagpatuloy sa pagrereview. Kinagabihan, nakaupo ako sa labas ng bahay pinagmamasdan ang buwan. Naging hobby ko na rin ang pagtanaw sa buwan at mga bituin dahil napapakalma nito ang aking sistema. Naiisip ko pa din paano kaya kung isang araw makilala ko na si dream guy? Totoo kaya siya? Ano ba itong naiisip ko tama si Alex kailangan ko ng tigilan ito.
=kinabukasan=
Nagising ako sa tunog ng alarm ng phone ko. Malapit na palang mag time at eto ako maliligo pa lang. Nagmamadali akong magtungo sa classroom dahil terror itong teacher namin sa first subject. Ngunit sa aking pagmamadali may nakabangga ako sa lakas ng pagkakabunggo napaupo ako sa sahig.
"Nako miss pasensya na hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong ng nakabangga ko
"ah hindi ayos lang hindi naman ako masyadong nasaktan" sagot ko habang tinitignan kung may sugat ba ako o wala
"sure ka ba miss? Dadalhin kita sa clinic para makasigurado na hindi ka nasaktan. Btw ako nga pala si Adrian. Ikaw anong pangalan mo?
" ako nga pala si Tori. Adrian wag na ayos lang talaga ako"
"hindi ako papayag dadalhin pa din kita sa clinic"Pagkatapos niya ako dalhin sa clinic dumiretso na kami sa classroom. Magkaklase pala kami hindi ko manlang napansin. Sa buong araw nangungulit siya palagi siyang tumatabi sakin at pag nagkakaroon ng pagkakataon makikipag usap. Napansin ko lang may pagkakahawig sila ni dream guy ngunit iwinaksi ko na lang ang bagay na iyon.
=5 years later=
Nakatapos na kaming lahat ng pag aaral. Simula nung araw na mabunggo ako ni Adrian hindi na niya ako tinigilan. Naging magbe-bestfriend kaming apat nila Macy. Napakagratefull ko at naging kaibigan ko sa Adrian. Nagkaroon ako ng instant kuya nagkaroon din siya ng instant kapatid. Ngunit sa taong nagdaan di ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sa kanya. Alam ko naman wala akong pagasa dahil ang tingin niya sakin ay nakababatang kapatid lamang. Okay lang yun sa akin atleast nakakasama ko siya. Ngunit kailangan kong sabihin sa kanya ang aking nadarama para ako hindi magsisi sa huli.
"Tori!!"
Napalingon ako doon sa sumigaw. Si Adrian lang pala nakakataka naman at ito ay ngiting ngiti.
"Adrian may gusto sana akong sabihin sayo" pagsisimula ko eto na aamin na ako
"Ako din may sasabihin din ako sayo Tori" halata mong masaya siya sa kaniyang ibabalita
"ikaw muna mukhang magandang balita ang iyong ihahayag." nakangiti kong tugon sa kaniya ngunit unti unting nawala ang aking ngiti ng masabi na nito ang kaniyang balita. Masaya ito para sa kaniya ngunit napakalungkot nito para sa akin."naririnig mo ba ako Tori? Kami na ni Macy! Sinagot na niya ako! Teka anong nangyari sayo? Ay oo nga pala may sasabihin ka sakin diba? Ano iyon?" curious na tanong ni Adrian.
"alam kong wala nang saysay kung sasabihin ko ngunit kailangan mong malaman na mahal kita im sorry hindi ko sinasadya" pagkatapos ko iyong sabihin ay tumakbo na ako papalayo.Huli na ako may iba na siyang mahal at hindi ako iyon ang sakit sana pala noon pa man umamin na ako.
=3 years later=
Tatlong taon na nakakalipas mahal ko pa din siya. Hindi ko makalimutan yung feelings ko sa kanya kahit na masaya na siya sa piling ni Macy.
"Tori may problema ba? Bakit ka umiiyak?" lumapit sakin si Alex na halatang naga- alala.
Niyakap ko siya ng mahigpit doon umiyak na ako ng umiyak." Alex naa alala mo pa ba si dream guy?" tanong ko sa kanya habang humihikbi.
"ang tagal na nun hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan?" may halong inis sa boses niya
" kilala ko na kung sino siya Alex pati ikaw kilala mo siya. Kilalang kilala natin siya"
"what? Naloloko ka na ba?" naguguluhan niyang tanong sakin
"hindi nagsasabi ako ng totoo bukas sa kasal ni Macy nandoon siya makikita mo kung sino"
Pagkatapos kong sabihin iyon umakyat na ako sa aking kwarto dito sa hotel na gagawing reception sa kasal ni Macy.=kinabukasan=
Ang sakit makita na yung taong pinakamamahal mo nasa harap ng altar masayang nakatingin sa isa sa mga kaibigan mo. Napakahirap ng sitwasyon ko ngayon dahil kailangan kong pigilan ang aking emosyon.
"anuna? Nasaan na yung dream guy mo?" biglang tanong sakin ni Alex
Tinuro ko yung lalaking katabi ni Macy. Yung lalaking kasama niya sa harap ng altar at higit sa lahat yung lalaking makakasama niya sa pagtanda."ANO!? Si Adrian!? Siya!? Siya si dream guy?" gulat na gulat na tanong ni Alex
Tumango ako " hindi ka nagkakamali Alex. Siya si dream guy. Si dream guy na matagal ko nang hinahanap nandito na ngunit huli na ako mayroon ng ibang nagmamay ari sa kanya." umalis ka agad ako at pumunta sa isang bakanteng cr at doon ibinuhos lahat ng sakit na aking nadarama.Ilang oras ang nakalipas at reception na. Tumayo lamang ako sa isang gilid at pinagmasdan si Adrian.
"sa panaginip sobra mo akong pinasaya ngunit ngayo'y sobrang sakit nang aking nadarama"Doon ko lamang napagtanto ibang iba pala ang panaginip sa katotohanan. Ngayon alam ko na, totoo palang kapag ang katotohanan na ang sumampal sayo tiyak na magigising ka sa sarili mong kahibangan.

BINABASA MO ANG
Compilation of One Shot Stories
Teen FictionThis is a compilation of one shot stories. Any genre, different plot