Spongebob Squarepants

21 1 0
                                    

May isang batang lalaki na nagngangalang Ash. Nakatulala lamang ito sa dagat tipong malalim ang kanyang iniisip. Mababasa mo sa kanyang mata ang magkahalong lungkot at pagsisisi. Napansin ito nang isang hindi katandaang lalaki kaya't nilapitan niya si Ash.

"bata ayos ka lang ba? Bakit nagiisa ka? Nasaan ang iyong magulang?" may halong pag a alalang tanong ng lalaki

"sa tingin ko po ay ayos lamang ako. Wala na po ang aking mga magulang." sagot ni Ash na patuloy na nakatingin sa dagat

"mukhang ikaw ay malungkot maaari mo bang ikwento sa akin ang dahilan niyan? Handa akong makinig" sabi ng lalaki
"bago po ako magkwento pwede ko po bang malaman ang iyong pangalan?" hindi pa rin ito tumitingin sa lalaki
"ang ngalan ko ay Bob ikaw iho? Ano ang iyong pangalan?" tanong din ng matanda
" ako po si Ash" matipid na sagot ni Ash

"mayroon akong kaibigan isa siyang babae. Kaedaran ko lamang ngunit sa isang iglap, sa isang pagkakamali siya'y nawala sa akin." naluluhang sabi ni Ash
"anong pagkakamali ang iyong nagawa Ash?" nabigla ang matanda ng makita niyang tuluyan ng umiyak si Ash.

"sumakay kami ng bangka nang walang kasamang matanda. Pinatakbo ko ang bangka ngunit di namin alam na may paparating palang bagyo. Ang lakas ng mga alon at hindi ito kinayanan ng aming bangka. Pareho kaming nahulog makakaalis pa sana kami ngunit naipit ang kanyang mga paa sa isang coral reef. Hindi namin kinayanan alisin kung hindi kami makaka alis doon pareho kaming mamamatay. Nagdesisyon siya pina alis niya ako pumayag ako dahil akala ko makakahingi ako ng tulong. Nakahingi nga ako ng tulong ngunit huli na. Pa- patay na siya" pagkatapos ng kanyang kwento ay tuluyan na siyang napahagulgol.

Niyakap na lamang siya ni Bob upang ito'y patahanin. Bakas sa mata ni Bob ang lungkot dahil na aalala niya ang kanyang kabataan. Siya rin ay nawalan ng kaibigan, matalik na kaibigan.

"Ash maaari ka bang makinig sa aking mga kwento? Ikagagaan nito ang iyong damdamin" sabi ni Bob na may lungkot sa tono nito
"handa po akong makinig gaya ng ginawa niyo" tumigil na rin ito sa pagiyak at tinignan na nito si Bob

"kilala mo naman siguro si spongebob at patrick hindi ba?" naga alangan na tanong ni Bob
"kilalang kilala po palagi silang pinapalabas sa tv noon ngunit bigla nalang ito nawala nakakapagtaka" napangiti na lang ng mapait si Bob sa sinabi ni Ash

"matalik na magkaibigan si Spongebob at Patrick. Hindi sila mapaghiwalay. Nakatira rin sila sa dagat gaya ng nasa cartoon na napapa nood niyo. Ngunit si Spongebob ay isang tao na naging sponge at ipinatapon sa dagat dahil sa isang sumpa. Isinumpa siya ng isang witch dahil ang dating Spongebob ay hindi marunong magpahalaga ng pagkakaibigan. Nang dumating ito sa dagat doon na niya natutunan ang pagpapahalaga. Unti unti di nila namamalayan nanghihina na si Spongebob nahihirapan na siyang huminga sa ilalim ng tubig. Wala silang choice kung hindi hanapin ang witch na nagsumpa sa kanya para magtanong. Pinilit ni Patrick na sumama pumayag naman si Spongebob. At iyon ang malaking pagkakamali niya sa buong buhay niya" ramdam mo at kitang kita mong nasasaktan si Bob sa kinukwento niya.

"paano po iyon naging malaking pagkakamali?" nagtatakang tanong ni Ash

"dahil sa oras na magtagal si Patrick na wala siya sa tubig mamamatay siya. Hindi iyon alam ni Spongebob hanggang sa habang sila'y naglalakbay patungo sa tinitirhan ng witch bigla na lamang namutla si Patrick at maya maya'y nabawian na ng buhay. Nagulat si Spongebob dahil biglaan ang pangyayari. Hindi niya alam kung ano ang gagawin napaiyak na lamang siya dahil kasalanan niya kung bakit ito nawala. Biglang nagpakita ang witch at sinabing tatanggalin na nito ang sumpa dahil natuto na raw ito. Naging tao na ulit si Spongebob ngunit di niya magawang magsaya. Nakiusap si Spongebob kung pupwede bang paliitin si Patrick. Pumayag naman ito. Napagdesisyunan ni Spongebob na gawin na lamang itong pendant ng kanyang kwintas." patuloy nitong pagkwento kay Ash

"eh mister Bob paano niyo po lahat yan nalaman? Close po ba kayo kay Spongebob?" lalong nagtaka si Ash ng ngumiti lamang ng mapait si Bob

"dahil ako si Spongebob nice meeting you Ash" tuluyan ng nawala sa paningin niya si Bob

Compilation of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon