CHAPTER 14: PAG-TATAKSIL

376 8 0
                                    

JC

Kasama ko ngayon sina Renz, Christian at Kean. Naglalakad parin kami sa gubat, gabi na pero di parin namin mahanap si Princess kahit yung iba.

Ang alam ko ang magkakasama bago kami mag hiwa hiwalay ay sina....

Kenzo, Mikka, Lianna at Clyde.

April, Allen, Elyssa at Tj.

Ysabelle, Nicole, Ezekiel at Lhance.

Dave, Patrick, Ella at Diana.

Zoey, Angel, Kaycee at Cedrick.

Kimberly, Lorraine, Ixha, Sean at Aaron.

Kiara, Kim, Shella, Cassandra.

At kami nga ngayon nina Renz, Christian at Kean ang magkakasama.

"Pano na tayo makakabalik ang dilim na?" Pagtatanong ni Kean.

"Maglakad lakad na muna tayo baka makita natin ang iba." Sabat naman ni Christian kaya naglakad naman kami.

"Ahhh fuck!" Daing ni Renz kaya napatingin kami sa kan'ya.

RENZ

"Ahhh fuck!" Pagdaing ko ng may bumaon sa likod ko, pinagsa saksak ni Christian ang likod ko hanggang sa matumba ako at mapahiga, sunod naman n'yang pinagsasaksak ang t'yan ko at nag labasan ang mapupulang dugo nito hanggang sa labasan na'ko ng dugo sa bibig, sunod n'yang tinusok ang kaliwa kong mata ng kutsilyo at hinugot nya ulit yun saka pinagsasak sak  ulit ako sa t'yan.

Wala na akong nagawa.

"May gusto ka pa bang sabihin sa kanila, bago ka mamatay?" Nakangising pagtatanong sa akin ni Christian.

Agad akong dumapa at pinilit na gumapang para makalapit ako kay na JC.

"T-tu-mak-b-bo n-na ka-kayo." Ang huling salitang aking binitawan, alam kong napakinggan nila yun at tuluyan ng pumikit ang aking mga mata.

JC

"Hayop ka Christian!" Malakas kong sigaw sa kan'ya, hindi ako makapaniwalang nagawa n'ya yun. 

"Wala na kayong magagawa patay na s'ya at kayo na ang isusunod ko!" Pabalik n'yang sigaw sa'min.

"Ano bang ginawa namin sayo?! Ha?" Lakas loob na Pagtatanong ni Kean sa kan'ya.

"Sumang ayon lang naman kami ni Althea sa gustong mangyari ni Harry, papatayin namin kayong lahat gusto namin maghiganti sa inyo." Mayabang na sagot ni Christian.

"Taksil ka!, kayong dalawa ni Althea mga hayop kayo!" Lakas loob kong sigaw sa kan'ya kahit takot na takot na ako.

"Tumakbo na tayo JC." Pagyaya sa akin ni Kean kaya agad kaming tumakbo, nauuna s'ya sa akin, kahit papaano mabilis s'yang tumakbo.

"Sige takbo lang hahaha!" Malakas na sigaw ni Christian habang tumatawa.

Nagulat na lang ako ng biglang nadapa si Kean.

"Shit!" Malakas na pagdaing n'ya, natalisod s'ya sa isang tali kaya naman napatigil ako sa pagtakbo, maya maya pa ay may lumabas na lalaki sa likod ng puno naka costume s'ya ng pang clown at may hawak s'yang itak.

Nakilala ko din ang mukha n'ya ng tanggalin n'ya ang maskara n'ya, s'ya ang tatay Liam at William si James.

Agad n'yang tinaga sa kamay si Kean ng paulit ulit hanggang maputol iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa n'ya." Araaaaaayyyyyy!!!"  Malakas n'yang daing at naiiyak na s'ya sa sobrang sakit. Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Kitang kita ko ang mga dugong naagos mula sa mga kamay n'ya sunod naman n'yang tinaga si Kean sa binti hanggang sa maputol iyon nag sisiritang lumabas ang mga dugo doon at napansin kong hindi na s'ya nasasaktan o dumadaing man lang.

Patay na s'ya.

Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o hindi. Agad akong humarap sa likod para tumakbo pero. "Shit!"

KENZO

Si Princess nakaupo at naka tali ang mga kamay at paa, maikli narin ang buhok n'ya puro sugat ang hita at mga braso.

Agad kong kinuha ang bakal na tubo na nasa tabi medyo mabigat ito.

Agad kong binuksan ng dahan dahan ang pinto para di ako marinig ni Althea, agad akong nakita ni Princess at naiyak s'ya, sinenyasan ko s'ya na wag maingay.

Laking gulat ko ng biglang humarap si Althea sa'kin pero nahampas ko agad s'ya sya sa mukha. Agad s'yang tumumba sa sahig habang dumudugo ang mukha n'ya.

Lumapit ako kay Princess para tanggalin ko ang ang tali sa kamay at paa n'ya.

"Umalis na tayo dito Princess, kaya mo ba mag lakad?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Kakayanin ko." Sagot naman n'ya sa akin at kita kong nangingig ang mga tuhod n'ya.

"Pumangko ka na lang sa akin." Yaya ko sa kan'ya at tumango naman s'ya.

Lumabas na kami sa kwartong iyon.

APRIL

Hindi na namin kasunod si Liam, dumeretso kami sa bahay at pumunta sa mga sasakyan.

"Anong gagawin natin?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Aalis na tayo April." Sagot naman sa'kin ni Allen.

"Pero paano na sila?" Pagtatanong ko ulit.

"Kung hihintayin pa natin sila mamamatay tayo dito, kung gusto mo mag paiwan ka!!" Tumaas ang boses ni Allen na ikingulat ko.

"Yung isang van hindi flat." Pagsingit ni Tj sa pag uusap namin.

Naguguluhan ako ano ba talagang nangyayari?

JC

"Shit!" Na padaing ako sa sakit ng biglang saksakin ni Christian ang t'yan ko nasa likod ko na pala s'ya kanina pa.

Hinugot n'ya ulit ang kutsilyo sa t'yan ko at isinaksak ulit.

"Wag mo munang patayin 'yan, hayaan mo s'yang makita ng mga kasama n'ya." Sabi ni James kay Christian.

"Sige, maiwan ka na namin d'yan JC." Sabi sa'kin ni Christian habang tatawa tawa pa.

Hinintay ko silang umalis, bago ako umalis, hindi ako makalakad ng ayos dahil ang sakit ng t'yan ko at tuloy tuloy pa rin ang pag labas ng dugo nito.

ELLA

Naglalakad parin kami, kasama ko si Diana, Dave at Patrick. Habang naglalakad kami may humarang sa amin si Evelyn na naka suot ng costume na pang clown at may dala s'yang chainsaw.

"Buti nakita ka namin Evelyn." Natutuwang sabi ni Diana kay Evelyn.

"Buti rin dahil nakita ko kayo." Sabi naman n'ya sa'min at tiningnan kami isa isa.

"Ba't naman gan'yan ang suot mo Evelyn?" Natatawang pagtatanong ni Patrick kay Evelyn.

"At bakit ka rin may dalang chainsaw?" Nagtatakang pagtatanong ni Diana sa kan'ya.

"Papatayin ko kayo." Nakangising sabi ni Evelyn sa'min.

"Nag papatawa ka ba?" Natatawang pagtatanong ulit ni Patrick.

Biglang pinaandar ni Evelyn ang chainsaw.

"Oh calm I'm joking, haha." Pagsasalita ni Patrick pero hindi s'ya pinansin nito, lumapit na ako sa kanila dahil nakita kong biglang sumeryoso ang mukha ni Evelyn, naiwan naman sa likod namin si Dave.

"Aaaaaaaaahhhhhh!!" Malakas na sigaw namin ni Diana dahil...

KIM

Naglalakad pa rin kami sa gubat, kasama ko sina Kiara, Shella at Cassandra.

"Nakakatakot naman dito kahit isang lalaki eh wala tayong kasama." Pagrereklamo ni Cassandra.

"Oo nga eh." Dagdag pa ni Kiara.

"Gusto n'yo ba kaming makasama?" Nagulat kami sa isang boses kaya napatingin kaming apat sa likod.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita namin.

ITUTULOY.......

Bloody Vacation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon