CHAPTER 18: TULONG PART 1

328 11 0
                                    

YSABELLE

Naglalakad parin kami, sobrang lakas ng ulan pero tuloy parin kami sa pag lalakad. Sobrang tahimik at bagsak lang ulan ang nagsisilbing ingay.

Sobrang lamig. Nakaramdam nadin ako ng gutom at alam kong ganun din si Nicole. Malapit na mag tanghali.

"Makakaligtas pa kaya tayo Ysabelle?" Pagtatanong ni Nicole.

Hindi ko din alam kung makakaligtas kami pero kailangan namin maghintay ng tulong dito.

"Uyy, Ysabelle tinatanong kita." Si Nicole.

"Oo makakaligtas tayo dito, pero kailangan nating maghintay pa." Sagot ko sa kanya pero hindi na sya sumagot.

Nagpahinga muna kami sa tabi kahit maputik pa ang lupa.

Maghihintay kami.

Sigurado akong may tutulong sa'min dito.

KIMBERLY

"Aaahhh!" Sigaw ko.

Nalaglag ako sa butas, hindi ko masyadong makita kung anong nandito, kumapa kapa ako, ang baho at nakakasuka.

Bumangon ako at umupo.

Kinusot ko ang mga mata ko.

"Aaaaaahhh!" Sigaw ko at napa atras ako sa nakita ko, nakapatong ako sa mga bangkay, mga bangkay na nabubulok.

"Uwaaak!" Di ko maiwasang masuka sa baho, nakakadiri, yung iba mga bungo na.

Tumayo ako para tumaas, pero hindi ko magawa, masyadong mataas at madulas, maputik kasi dahil sa ulan.

"Hindi kana makakatakbo, hahaha." Si Liam na ikinagulat ko, nandyan na s'ya.

Humiga ako katabi ang mga bangkay kahit sobrang baho, alam kong nakasilip na si Liam, pinikit ko ang aking mga mata, para mag mukha akong patay.

"Bobo, patay ka tuloy, hahaha." Tumatawang umalis si Liam.

Bwiset.

Nung naramdaman kong wala na s'ya umupo ako sa tabi. Ano nang gagawin ko. May tama ako sa tagiliran at baka mamatay ako dito.

Tulungan n'yo ko.

DAVE

Umulan na naman, hindi ko nakalimutan ang nangyari kagabi, sana mapatawad ako nina Ella dahil iniwan ko sila, hindi ko lang talaga alam ang gagawin.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero, ito ako naglalakad parin sa gubat.

Ang baho naman nun. Napatigil ako sa paglalakad, dahil may naamoy akong mabaho.

May pumatak sa ulo ko, tumingin ako sa taas at may pumatak na dugo sa mukha ko.

"Shit." Napaupo ako sa nakita ko. Si Mang Mando at Mang Cesar, nakabigti at nakalabas ang mga dila nilang putol na.

Kailangan ko nang makaalis sa hayop na lugar na 'to.

Tulong.

EZEKIEL

Sinugod ako ni Christian at sasaksakin ako pero agad akong nakailag, nahawakan n'ya ako sa braso at dun ako sasaksakin, nag likot ako kaya.

"Aaaahh!" Nadaplisan n'ya ako sa braso. Shit ang sakit.

Agad ko s'yang sinuntok sa t'yan kaya nabitawan n'ya ang kutsilyo. Agad naman n'ya akong binawian ng suntok sa mukha kaya natumba ako.

Pumatong s'ya sa ibabaw ko at kinuwelyuhan ako, sinuntok n'ya ako sa mukha.

"Aahh!" Daing ko.

"Siguro kasama ka ni Lhance nung ginahasa nila si Yumi!" Sigaw sakin ni Christian.

"A-ano b-ba-bang sinasabi mo aarghh!" Sabi ko sa kanya.

Bloody Vacation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon