Chapter 4

11 5 2
                                    


ERIN'S POV

"Naks escort ang Erin natin hahaha. I'm so proud of you ware dre".Sabi pa ni Clark na natatawa. Nakakainis. 

"Hahaha ang gwapo eh. Dapat masaya ka dre bakit ba nakasimangot ka dyan?" Tunghay saken ni Adam. 

"Ay nakakainis, wala akong alam dyan!" Singhal ko sa kanila natawa naman sila. 

"Ay pero pakaganda Ganda ng model kanina. Akalain Mong parang nagpophoto shoot kaya pati yung buong Civil na babae nagtilian sa kilig." Singhal ni Renz  saken sabay tapik sa balikat ko. 

"Ay syempre ayoko mapahiya dun sa unahan."Angil ko sa kanila.

"Ang Ganda ng chix na partner mo pare. Ano nga bang pangalan?  Anata may lahi atang hapon yun ay hahaha."  Nanunuksong sabi pa niya saken. Diko naman na siya nasagot dahil mula sa kalayuan ay natanawan ko Si Mace na tumatawa pwede niya naman pala gawin yun bakit kasungitan ang pinaiiral. Nangunot pa ng bahagya ang noo ko nung makita ko Kung paano inihilig nung lalaki yung ulo niya sa balikat ni Mace sabay sakbit ng braso niya sa braso ni Mace. May jowa na at lahat ganun pa rin siya umasta. Dun ko laang napansin na marahil bakla ito dahil sa  pakumpas kumpas na kamay neto sa ere. Hayst nagulat pa ako ng bahagya nung magtama ang paningin namin bagaman nakakunot pa rin ang noo ko. Di naman tumagal yun dahil binawi niya rin ang paningin niya at binaling sa lalakaran ang paningin. 

"Hoy!" Sabay tapik niya sa balikat ko nilingon ko naman Kung sino yun si Adam. 

"Ano?" Naiinis kong tanong.

"Putik pre kanina pa namin ikaw kinakausap." Natatawa niyang sabi dahil siguro sa naging reaksyon ko. 

"Ano ba yun?" Mahinahon ko ng tanong. 

"Sabi namin Kung niligawan mo si Anata. Single ka naman." Nanunukso niyang sabi. 

"Letse. Inyo na yun. I hate girls." Seryoso kong sabi. Napamaang naman sila sa sinabi ko saglit saka natawa. 

"Hahahahaha walanjo. I hate girls." Panggagaya pa ni Renz sa sinabi ko. Loko napailing na laang naman ako. 

"Hahahahahaha kakainin mo din yan sinabi mo pre." Natatawang  ani Clark. 

"Oo nga. Hahaha yaan niyo na muna yan. Tara na at kumain." Yaya samen ni Adam at dun ko lang namalayan  na  andito na pala kami sa kinakainan namin sa foodcourt. Pumasok naman agad  kami dun at umorder saka nagbayad. Pagkatapos pumwesto na agad kami sa vacant table na nasa may bungad lang ng canteen na 'to. Pagkalapag ng mga plates namin sinimulan na rin namin kumain.

"Uy Erin! Erin!" Tawag saken ni Renz na kaharap ko laang bale ang pwesto namin ay  nakatalikod kami ni Clark sa daan ng Foodcourt. Si Adam Asa dulo ng table tas sa harapan namin ay si Renz at Danzelle. 

"Oh?" Takang tanong ko dahil sumulyap pa muna siya sa likuran ko nangiti pa ng  bahagya. Gusto ko mang lingunin ay nagsalita na rin siya. 

"Yung babae." Ngingiti ngiting Aniya na ininguso pa ang likod ko. Lumingon naman ako sa likuran pero binawi ko agad at nakakunot noong tumingin Kay Renz. Sa dami ng babaeng andito sino na ang tinutukoy nito. 

"Ano bang babae? Ang daming babae pre." Natatawang Singhal ko sa kaniya. 

"Yung nakasagutan mo kahapon ayun oh kumakain sa Tapat netong kinakainan natin. Ang Ganda ng ngit pre." Nakangiting Aniya. At sumagi agad sa akin yung babaeng nakasagutan ko kahapon kaya nilingon ko yung katapat na canteen at hinanap ko agad siya, ramdam ko namang naglingunan din yung iba ko pang kaibigan. Nung makita ko sya diko alam Kung ano yung naramdaman ko at sa pangalawang pagkakataon nakita ko na naman siyang tumawa. Mas lalo siyang gumanda. Oo sinabihan ko siyang panget kahapon dahil ayaw ko sa babaeng  mataray at naninigaw. 

Still Hoping/Sana Ikaw NaWhere stories live. Discover now