Agad na nagsitayuan ang mga estudyante ng makalabas na ang guro matapos nitong i-announce na may gagawin silang project. Nagsilapitan ang bawat isa sa kanilang assigned group.
"What? Why do I have to be in the same group with this girl?" Agad na untas ni Eunice ng makita si Candy.
"Oh? Ba't may echoserang palaka na napunta rito?" Pang-aasar naman ni Candy.
"W-what did you say? You bit--"
"Oh? Natamaan ka? Haha." Mapanlarong sabi ni Candy.
"Okay okay, stop both of you. Instead na mag-away kayo, let's talk about kung ano ang magiging plot ng story sa gagawin nating film." Pagpigil ni Daniel sa dalawa, napairap nalang si Eunice saka kinilig si Candy dahil aksidenteng nahawakan ni Daniel ang kamay ni Candy. May crush kasi si Candy kay Daniel.
"Eeeellllleeeeee! Ang saya saya ko dahil magkagrupo tayo! Alam mo kung anong tawag dito? It's destiny!" Maligayang sabi ni Vincent pero napaatras lang si Elle.
"You don't have to be so madikit to me." Nandidiring sabi ni Elle saka napakapit sa braso ni Ynna na medyo malayo kay Vincent.
"Oh come on guys, get a room!" Sigaw ni Dianne na naiinis na.
"What? Kayong dalawa nalang magsama! I don't like him anyway!" Sabi ni Elle saka napairap.
"Why do I have to be in this group? Lahat masyadong maarte, akala mo naman magaganda." Bulong ni Xyza pero napalakas ata ito kaya napalingon agad sa kanya lahat ng ka-grupo niya.
"Wait! Wag mong lahatin! I'm not maarte you know, basta make sure na actress ako! I will be a star in the future! Okay? And don'cha worry! Kung manghihingi man kayo ng autograph, I'll give you, di naman ako maramot." Sabi ni Monica, napakurap-kurap nalang si Kylle sa sinabi nito.
"Ano? Mag-aartista ka? Eh di ba, magiging asawa kita. Hindi ka pwedeng mag-artista dahil magiging asawa kita, baka maging busy ka, wala ka ng time gumawa ng baby kasama ako. Gusto ko pa naman ng walong anak." Komento ni Zhan, napatawa naman ang mga kagrupo niya habang si Monica ay halos sumuka na.
"Oh my God! You're scaring me, you pervert! Ugh, I don't wanna be in this group anymore." Sabi ni Monica at lumabas ng room.
"Zhan, wag ka ngang magsalita ng kung ano-ano. Matatakot yun sayo, sigurado." Sabi ni Daniel habang nasa gilid niya si Elle na nakakapit sa braso ni Ynna at sa kabila naman ay si Eunice na kanina pa nakikipag-away kay Candy.
"Kylle, pahiram nga ng liptint. I need some retouch." Sabi ni Jayra habang hawak-hawak ang pulbo at maliit niyang salamin.
Opo, opo. Bakla po si Jayra at babae si Kylle. Wahahaha.
"Hiniram yun ni Dianne kanina, di pa niya naisasauli." Sagot ni Kylle.
"What? Eh hiniram yun ni Ynna." Sabi naman ni Dianne, napalingon naman agad si Ynna.
"Hoy, anong ako? Di nga ako marunong magliptint eh." Sagot ni Ynna.
"Oh my God! Elle, pahiram nga ng liptint. Alam ko namang di sila magpapahiram. Ang dami-dami pang sinasabi ng mga babaeng to, akala mo naman magaganda." Mahina ang pagkakasabi ni Jayra sa last part.
"Oh, naninigurado lang. Alam mo naman, germs, bacteria!" Natatawang sabi ni Kylle.
"Do I look like a bacteria to you?" Tanong ni Jayra, napatitig naman si Kylle sa kanya.
"Hey, ngayon ko lang na realize..." Sabi ni Dianne habang nakatitig kay Jayra.
"Na ano?" Tanong ni Jayra.
"Na mukha kang bacteria!" Sabay na sabi ni Kylle at Dianne at nag-apir. Napasimangot naman agad si Jayra.
"Of course, we're just kidding! You are our bestfriend! Dapat lang na maganda ka no!" Sabi ni Dianne.
"Hey guys, I will be the director okay?" Biglang pagkuha ng atensiyon ni Eunice sa mga ka-grupo niya.
"Oh? Talaga? Baka maging palpak pa ito." Natatawang sabi ni Candy na agad siyang inirapan ni Eunice.
"Shut up. Di kita kinakausap." Sagot ni Eunice.
"I want to be the camerawoman!" Pagtaas ng kamay ni Samantha, napatingin naman si Daniel sa kanya.
"Then I will be the editor!" Sabi naman agad ni Daniel.
"Oh! That's good! We have camerawoman, editor and me, director! Kulang nalang, scriptwriter tas producer and also the actress and actor." Sabi ni Eunice at dumating si Monica na namumutla na.
"Are you okay?" Tanong ni Ynna, tumango naman si Monica pero halatang nanginginig pa siya dahil sa narinig niya kanina mula kay Zhan.
"Oh my God naman kasi Zhan! Hindi ka dapat magsalita ng kung ano-ano!" Sabi ni Dianne ng mapansin niya na balisa si Monica.
"Hey wait, diba dapat mag-isip muna tayo kung ano ang magiging genre ng movie?" Tanong ni Kylle.
"Duh. Tinatanong pa ba yan? Dapat love story! Para exciting." Kinikilig na sabi ni Elle tapos nagdaydreaming na.
"Oo nga! Tapos tayong dalawa ang bida." Singit ni Vincent, napaubo naman si Elle dahil sa kanyang narinig at nasira ang kanyang imagination.
"Yuck. Ba't ang creepy ng mga lalaki rito? Wala ba kayong magawa sa buhay? Gosh!" Sigaw ni Elle kay Vincent.
Nginitian ni Vincent si Elle, a genuine smile. Oh diba?! That's true love guys!
"I don't care kung tawagin mo man akong creepy, kasi mahal kita and I am really thankful dahil naging groupmate kita." Sincere na sabi ni Vincent kay Elle pero parang wala lang pake si Elle.
"Ugh! Stop it! Di bagay sa inyo mag-iloveyouhan! Magfocus nga kayo! Mag-isip kayo ng magandang genre! Yung magandang story!" Singit ni Xyza saka tinulak si Elle.
"Hey! Ba't ako ang tinulak mo?!" Sigaw ni Elle.
"Para matigil na to. Grabe, ang dadrama niyo." Sagot ni Xyza.
"Uhm guys? I have a suggestion." Biglang pagkuha ng atensiyon ni Ynna sa groupmates niya, napatingin naman sa kanya ang lahat.
"Yes? Yes? Yes?" Tanong ni Eunice.
"Sabi ko na eh, si Ynna lang tong maasahan rito." Bulong ni Kylle.
"Uhm, how about a horror? Yung tipong isang barkadahan tapos parang magbabakasyon sila tapos ang destination nila sa isang beach pero kailangan muna nilang dumaan sa gubat before sila makapunta roon sa beach." Pagpapaliwanag ni Ynna.
"So? Saan yung horror doon?" Tanong ni Eunice, napabuntong-hininga nalang si Candy dahil sa kabobohan ni Eunice.
"Oh my God, director pa naman sana pero walang kaalam-alam sa mga ganyan. Gosh! Yan kasi feeling leader!" Pagpaparinig ni Candy, napalingon naman sa kanya si Eunice.
"Ako ba ang pinapatamaan mo rito?" Malditang tanong ni Eunice.
"Oh ayan, bobo nga. Siyempre ikaw! Sino bang ibang director rito?" Napatawa si Dianne sa sagot ni Candy.
"Oh may nakakatawa?" Tanong ni Eunice kay Dianne.
"Huh? Yung bird ang pinagtatawanan ko, hindi ikaw." Inosenteng sagot ni Dianne pero ang totoo, si Eunice talaga ang pinagtatawanan niya.
"Oh? Ako ata yung pinagtatawanan mo eh. Gusto mong sampalin kita?" Tanong ni Eunice.
"Eunice! Stop it! Act like a leader, di yung maghahanap ka ng gulo." Singit ni Xyza.
"Wag kang makisawsaw rito!" Sigaw ni Eunice.
"Hoy guys! Tumahimik nga kayo!" Saway ni Jayra.
"Shut up! Shut up!" Sigaw ni Eunice.
"Ang OA mo girl." Bulong ni Candy.
"Director! Stop shouting." Sabi ni Samantha.
"Tumahimik ka!" Pagturo ni Eunice kay Samantha.
"Teka nga lang! Wag mong maturo-turo si Samantha!" Pagsali ni Elle.
"Ano bang nangyayari rito sa grupo na to?" Sabay na sabi ni Daniel at Vincent.
"Oh! Papansin!" Sabi ni Candy.
"Ikaw! Candy! Kanina ka pa!" Pagsaway ni Jayra.
"Shut up, bakla ka lang." Pagsagot ni Candy.
"Oy guys, stop it. Malalaki na tayo, we should act properly." Sabi ni Xyza.
"Oh? Ba't kami ang tinitingnan mo?! Ba't di mo sabihin diyan sa feeling leader natin?" Singit ni Elle saka tinulak si Xyza.
"Wow! Nagsalita yung di naman katangkaran." Sagot ni Eunice.
"Ano na bang nangyayari rito?" Napabuntong hininga nalang si Kylle dahil sa nangyayari ngayon.
"Ano ba?! Tumahimik nga kayo! Pinapaiyak niyo na si Monica!" Malakas na sigaw ni Zhan saka malakas na inihampas ang upuan.
Napatigil sa pagsisigawan sina Eunice, Candy, Xyza at Elle. Habang si Samantha ay nakatakip na ang mga tenga at pilit siyang pinapakalma ni Daniel. Si Ynna naman ay gulat na gulat sa nangyari dahil nagsuggest lang naman siya na horror ang genre ng kanilang magiging movie pero yun na ang nangyari. Si Jayra ay sinuklay nalang ang pinapahaba niyang buhok dahil ayaw na niyang masangkot sa away nila. Si Kylle naman ay kinuha nalang ang cellphone at nagpanggap na parang walang away na naganap. At si Dianne ay di mapigilang tumawa dahil di parin makaget-over sa kanyang narinig mula kay Candy. Si Monica naman ay umiiyak na at nanginginig dahil sa masyado siyang na-stress. Masyado kasi siyang sensitive at di siya sanay sa mga sigaw-sigawan.
"Makinig kayo kay Xyza, please. Kahit na medyo creepy ako kanina. Listen to her. Siya ang pinakamatino sa ating lahat. Kanina pa niya sinasabi na we should act properly pero heto, nagsisigawan kayo." Pagpapaliwanag ni Zhan.
"So ano? Pinapamukha--" Di na natuloy ang sinabi ni Eunice dahil sumingit na si Daniel.
"Stop it, Eunice." Mahinahon na sabi ni Daniel.
"Nakakahiya sa ibang grupo dahil sila, ang tatahimik nilang magdiscuss tapos heto tayo, nagsisigawan. Matitino na tayo eh. We should act properly." Sabi naman ni Vincent saka nagclear throat.
"Xyza, so anong plano?" Tanong ni Daniel.
Inayos muna ni Xyza ang kanyang eyeglasses saka nagsalita.
"We should listen to Ynna, heto may idea na siya. Please lang guys, I know na iba-iba tayo ng barkadahan pero dapat magcooperate muna tayo. Si Ynna na nga lang tong nakaisip ng idea pero ayaw niyo pang pakinggan." Pagpapaliwanag ni Xyza.
"Eh di siya na magaling. Siya na gawin niyong scriptwriter. Akala mo naman kung sino." Bulong ni Eunice saka napairap sa hangin.
"Uhm, Eunice. Kung may problema ka sa buhay, wag mong isama dito okay? NapakaOA mo, sa totoo lang. Di ka naman kagandahan." Sabi ni Jayra na tapos nang magsuklay.
"So Ynna, ano nga yung sasabihin mo?" Tanong ni Samantha.
"Uhm, so heto. Yun nga, yung forest then beach pero ang malaking problema, yung setting. Paano tayo makakashoot kung wala tayong alam na gubat. Nakakatakot rin naman kung saan-saan lang tayo papasok na gubat." Sabi ni Ynna.
"Oh perfect! May private property kami sa Pampanga. May forest doon sina Lolo at Lola kaso walang malapit na beach at walang bahay-bahay." Pagsuggest ni Kylle.
"Okay lang na walang beach tapos agree ba kayong doon tayo matulog, magdadala tayo ng tent at kung ano-ano pang mga kakailanganin natin?" Tanong ni Ynna.
"Sure! Sleepover? That's nice! I want to try it." Sabi ni Dianne.
"S-shouldn't we get a permission first?" Tanong ni Monica na nakapagsalita na rin sa wakas.
"Sure, next week dapat nakumbinsi niyo na ang parents niyo. Malaki-laking time narin yun para gumawa ng script." At don sila nagsipalakpakan.
"Don't worry, I'll provide the car, guys!" Pagsuggest ni Vincent.
"Do you even know how to maneho?" Tanong ni Elle.
"Oo naman, gusto mo, Ihatid sundo pa kita." Sabi ni Vincent.
"Hah! No thanks." Sagot ni Elle tapos umirap.
"It's settled then. Next week, we will have the script, right Ynna?" Tumango si Ynna sa sinabi ni Xyza. "Since walang pasok next week sa thursday and friday, that's when we will start the shooting, okay? From thursday to sunday. Since, wala naman poor sa atin rito, hindi na problema ang budget. Right?" Dagdag pa ni Xyza.
"Yes! Don't worry! Ako na bahala sa budget sa paggawa ng blood because it's horror right?" Pagvolunteer ni Kylle.
"Ay oo nga pala bakla no? Rich kid ka pala!" Singit ni Jayra.
"That's great!" Sabi ni Samantha.
"That's all! Ynna, we're counting on you!" Sabi ni Candy.
Ngumiti naman si Ynna sa kanya at nagsibalikan na ang iba sa kanilang upuan habang ang magkakaibigan na si Dianne, Kylle at Jayra ay pumunta sa canteen.

YOU ARE READING
The Film
HororWho will die? And who will be saved? Who is the killer and who is the innocent?