"Hello? Nasaan ka na ba? Kanina pa ako dito sa Café." sambit ng nasa kabilang linya ng telepono.
I am busy preparing my things for school. Nagmamadali na nga ako at may nagrereklamo na. I guess I should work out more pagdating sa pagiging mabilis kumilos.
"Oo wait lang. On the way na ko" typical response kapag tinanong kung nasaan ka na pero ang totoo paalis ka palang.
Halos patakbo na yung pagbaba ko sa hagdan ng bahay. Narinig ko pang tinawag ako ni mama para mag almusal pero...
"Hoy Saffira! Kumain ka muna dito"
"Ma late na po ako sa school nalang po ako kakain." then I kissed my mama's cheeks then waved goodbye.
Never na talaga ako mag pupuyat! Ang hirap pag nagmamadali.
Nagtatatakbo na ako palabas ng gate. Jusko. Pakiramdam ko pauwi na yung itsura ko sa kakamadali ko. Argh!
Luckily, may tricycle na nakaparada sa kanto kaya nakasakay ako agad. Pero knowing tong sina manong, hindi sila babyahe ng isa lang ang sakay so no choice...
"Manong, magbabayad nalang po ako ng 30 pesos. Late na po kasi ako pwede na po ba tayo umalis?" hingal kong tanong kay manong na busy pa sa pagtanaw kung meron pang pasahero na maisasakay.
Buti nalang ay madaling kausap si manong. Pinaandar niya na yung tricycle nya at napuno naman ng usok galing sa tambutso ng tricycle ang paligid dahilan para maubo ako. Ano ba naman iyan! Kaya umiinit ang mundo eh dahil sa nga chemical ng usok na to. Hays.
Maingay ang takbo at maalog. Dahil na rin ito siguro sa kalumaan ng tricycle ni manong. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng tricycle at kita ang pangangalawang ng loob nito. Buti hindi humihiwalay ang side car nito sa mismong motor.
Natawa nalang ako sa sarili kong naisip.
Maya maya pa ay natanaw ko na ang café na pupuntahan ko.
"Manong! Diyan lang po ako sa Roadside Café"
Dahan dahan na huminto ang sasakyan sa tapat ng café.
"Ito po manong, salamat po"
Bumaba na ako ng tricycle at inabot ang bayad ko.
"Hoy Saff! Ang tagal mo!" inis na sambit ni Athena. Nako, ayaw pa naman nito ng mabagal kaya inis na inis.
"Sorry naman, nalate kasi ako ng gising. OA ka, pag ikaw nalalate may naririnig ka sakin ha?"
Inirapan niya lang ako at hinatak na para pumunta sa school.
Tinignan ko ang relo ko at nakita kong late na kami.
"Shit Lexie! Late na tayo!"
"Ikaw kasi ang bagal bagal mo kumilos! Tara na nga! Lagot tayo nito!" inis na inis na sambit ni Lexie.
Wow Saffira, first day of school, first late for this school year. Nice.
BINABASA MO ANG
Sana Puwede Tayo
Teen FictionA story about two people who met each other but everything is in a bad timing.