FRIENDSHIP TO FRIENDSH*T
1,2,3 kaibigan ko minahal nga ba ako?
4,5,6 mga pangakong hinipan na ng hangin
7,8,9 sumpaang walang iwanan
Nasaan na nga ba tayo?
Ahh sa walang iwanan
Pero na saanna nga ba kayo?
Nasa bagong kaibigan nyo
Pero ito ako sa gilid ng silid na ito
Na dahil sa isyung walang katuturan
Nawasak ang pagkakaibigang pinaghirapan
Mga taong hadlang sa pagkakaibigan
Na dumating sa ating buhay
Na akala kong matatag na samahan
Pero ngayon ay nagsisiraan
Ito,ito nga ba ang pagkakaibigang pinangarap nyo
Kasi ako,ayoko nito
Dahil nasanay ako na kayoy nasa tabi ko
Pero ngayon para akong hangin sa inyo
Na parang hindi nagtagal ang ating samahan
Pati ang ating sumpaan ay inyong kinalimutan
Hindi ito ang pinangarap ko
Dahil ang nais ko kaibigang buo
Dahil iyo ang pagkakaibigan na nauwi sa kalimutan
BINABASA MO ANG
Hugot Pa More😘😍
PoetryNaranasan nyo na ba na masaktan dahil sa maling tao.basahin nyo tong mga hugot ko para makakuha kayo ng tamang sagot sa inyong mga katanungan