"PAGLISAN"
Sabi mo intindihin ka
Ginawa ko naman pero kulang pa ba
Lahat inintindi ko na
Pero parang di ko na kaya kasi ang sakit sakit naKumapit kahit masakit
Kahit na di alam kung saan sasapit
Sa mga dumaraang araw
Umaasang di ka bibitawGumawa ng paraan para di ka umalis
Pero sayang lang ang dugo't pawis
Patuloy ka pa rin pala sa paglisan
Paglisang, di ko inaasahanBigla ka na lang nagbago
Lagi na lang yung mali ko yung nakikita mo
Masaya naman tayo nung linggong dumaan
Pero kasunod pala nito'y paglisang di ko inaasahanNakita kong pinipilit mo lang maging masaya
Sa mga araw na kasama kita
Pati nga ang tawa mo'y pilit na
Pero ano nga bang magagawa ko kung mas masaya ka sa piling nyaSana naman sinabi mo agad
Para naman di kita minamahal ng sagad
Sinubukan ko pa ring gumawa ng paraan
Pero wala eh sayang lang lahat ng pinagpuyatanAkala ko kasi kaya pang solusyonan
Pero nalaman kong ako lang yung lumalaban
Sana naman kasi nung una pa lang sinabi mo na
Para hindi na kita minahal ng sobraNung sinabi mong aalis ka na
Imbis na maiyak ako'y natawa
Bago mo pa kasi sabihin ramdam ko na
Ramdam kong mas pipiliin mo syaSana sa pag alis mo maging masaya ka
Maging masaya ka sa piling nya
Wag kang magalit kung makita mo kong may kasamang iba
Dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nawalaTandaan mong masaya ko
Dahil kasama mo na ang mahal mo
Wala naman akong magagawa dahil yan yung desisyon mo
Alalahanin mo lang na may nagmahal sa iyo
Higit pa sa pagmamahal na ibinigay m
BINABASA MO ANG
Hugot Pa More😘😍
PoésieNaranasan nyo na ba na masaktan dahil sa maling tao.basahin nyo tong mga hugot ko para makakuha kayo ng tamang sagot sa inyong mga katanungan