Kabanata 3

3 0 0
                                    

Kabanata 3
Steal

" Ano ba kasi ginagawa mo marga kanina ka pa namin hinahanap ni tita ros?!" Pagalit na wika ni kuya.

" Diyan lang sa tabi tabi" walang gana kong wika.

" Tama na yan jelo ang mahalaga ay nakita na natin siya at pasalamat tayo may nakaagsabi satin kung nasaan siya" nakangiting wika ni tita rose.

Kumunot noo ako.
"What do you mean tita?" Patanong kong wika.

" May nakapagsabi samin kanina na kung nasaan ka " wika ni tita rose.

" Lalaki ho ba tita?" Tanong ko.
Tumango naman siya. I rolled my eyes

" That asshole" naiinis kung bulong.

" Ano marga?" Tanong ni tita .
Umiling Naman ako.

" Wala tita lumakad na tayo para maibigay na kay lolo ang meryenda Niya"nakangiting wika ko. Saka naglakad na kami.

Ilang minuto ng aming paglalakad ay may nakita kaming Kubo kubo. Atsaka nakita namin may matandang lalaki sa bukid na nakasakay sa kalabaw.

" TANG MERYENDA?" Sigaw ni tita rose. Atsaka naglakad na ung matanda.

Umupo naman si kuya sa isang kahoy na upuan. I sighed.at timingin naman si kuya. Tinapik niya ang upuan para alukin akong umupo. Kumunot noo naman ako.

" Malinis ito" wika ni kuya na parang nababasa niya naiisip ko.

Dahan dahan akong umupo.
Tumawa Naman si kuya.

" What's funny?" Tanong ko.

Imbes na sagutin ako ay tumawa siya ng tumawa.grrr kakainis.

" Eto na ba si marga?" Tanong ng matandang lalaki sabay tingin sakin.

" Opo lo" sagot ni kuya. Tumayo naman ako atsaka nagmano. Ngimiti Naman siya kaya ngumiti rin ako.

" Napakalaki mo nang Bata" masayang wika ni Lolo.
Ngumiti naman ako.

" Malaki siyang Bata lo, pero payatot pa rin hanggang ngayon " singit ni kuya. Inirapan ko naman siya.

" Atleast maganda" wika ko.

Tumawa Naman sila.

" Kayo talagang dalawa " natatawang wika ni lolo.

Habang kumakain si Lolo ay nagkwekwentuhan sila ni kuya.

" Gusto mo ba sumama marga?" Tanong ni kuya

" Saan kayo pupunta?" Tanong ko.

" Bibisitahin lang ang lupa natin" masayang wika ni Lolo.

" I'm tired matutulog nalang siguro ako" walang gana kong wika.

" Sabi mo e" wika ni kuya atsaka tumayo na sila.

" Hindi ka talaga sasama?bahala ka jan Kung gusto mo magpahinga sa papag at tiisin ang lamok dito" wika ni kuya. Saka umalis na sila.

Iniwan nila akong mag isa dito sa Kubo kubo. Nang nabored ako ay pumasok na ako sa kubo Kubo. Nakita ko ang banig at unan sa papag. Siguro dito nagpapahinga si Lolo. Sinubukan kong humiga doon sa papag. Masakit sa likod kapag humiga ka roon. Gawa lamang ito sa kawayan pero sobrang linis. May nakita naman akong baul Kaya tumayo ako para tignan eto. Binuksan ko ito nang nakita ko ang maliit na salamin kinuha ko it at nagsalamin saglit.

" Ang hirap maging mahirap Sana bumalik na kami sa dati pati ganda ko nababawasan" I said.

"Mirrors can't talk, lucky for you they can't laugh either." wika nang pamilyar na boses. Pagtingin ko ay yung lalaking nakita ko kanina.

Sta. Teresita #1: Steal your heart againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon