Kabanata 2

2 0 0
                                    

Kabanata 2
Welcome

" Marga wake up" narinig kong wika ni mommy. Minulat KO na ang aking mga mata.

" Asan na ba tayo my?" Kagigising kong wika.

" We almost here na sweetie" masayang wika ni mommy.Nagulat naman ako.

" Tumayo na kayo diyan bababa na tayo get your luagage marga" utos ni kuya at bumaba na kami.

Habang pababa kami ay laking gulat ko nang may kayakap si mommy. Nakatitigan kami NI kuya.

" You know her?" Tanong ko kay kuya.

" Youngers sister ni mommy" sagot NI kuya at tumango tango na ako. Lumapit na kami sakanila. Kumalas sila sa pagkakayakap at tumingin ang babae saakin at tumingin din siya Kay Kuya sabay ngiti.

Bigla naman niyakap ni kuya ung babae. Kumalas sila sa pagkakayakap at tumingin siya sakin at parang inaalok akong yakapin ko siya. Siniko naman ako ni Kuya. Tumingin naman ako sakanya na parang sinasabi akong alukin KO ang yakap niya. Lumapit ako sakanya at bigla niya akong yakapin. Nagulat ako. Pagkatapos ay kumalas na ako.

" Welcome home Marga" nakangiting wika niya.

Ngumiti naman ako.

" I am your mother younger sister call me tita Rose" wika ng babae. Nailang akong ngumiti

" so tara na! hinihintay na tayo ni mama sa  bahay" excited na wika ni tita rose.

Nagtungo naman kami sa maliit na sasakyan.Nagulat naman ako. What kind of transportation this? Tinignan ko ito ng mabuti. Kinakalawang ang sasakyan.

" Marga pasok na!" Nakangiting wika ni mommy. Napalunok ako atsaka sumakay na.

" Manong tara na!" Nakangiting wika ni tita rose. Tinignan ko si kuya na parang wala lang. Siniko ko naman siya.

Lumingon naman siya.

" What kind of transportation is this?" Pabulong kong wika.

He laugh.
" Eto ang tricycle dito sa cagayan" wika ni kuya.

" Tricycle ito?How true? Parang dinaanan ng bagyo ang luma niya"I said and I rolled my eyes.

" Marga hindi na tayo mayaman kagaya ng dati kaya masanay ka na sa bagong buhay natin ngayon" seryosong wika ni kuya.

" Were here na!" Masayang wika ni tita rose.
Bumaba na kami at kinuha na ang gamit ko.

Nakita ko naman ang matandang babae na yakap yakap si mommy.

" so siya ang lola natin?" Tanong ko Kay kuya sabay turo kina mommy.

Tumango naman si kuya.

Kumalas naman sila sa pagkakayakap. At tumingin si Lola saakin.

" Come here marga give lola hug" wika ni Lola. Sinunod ko siya. Niyakap ako ni lola ng mahigpit. Sobrang higpit.

Kumalas naman siya sa pagyayakap sakin

" Napakaganda mo talagang bata kuhang kuha ang mukha ng mga tabbay" nakangiting wika ni Lola. Ngumiti naman ako.

" Mama diba may inihanda ka?" Tanong ni tita rose.

" oo nga pala pasok kayo para Kumain" wika ni lola at pumasok na sa loob.

Pinagmasdan ko ang bahay na aming pinasukan. Sobrang linis ng buong paligid saktong sakto lamang ito. Hindi medyo kalakihan pero okay na rin.

Napangiti ako nang nakita ko ang gitara sa gilid. Kinuha ko ito at nagsimula ko nang pinatugtug ito.

I wish I could stand on the star
I wish I could be where you are
They say don't you ever give up

Sta. Teresita #1: Steal your heart againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon