PAIN ALVAREZ POINT OF VIEW
(Ps. Pain Alvarez nalang po yuung ipapalit sa name niya na Cassiopeia until na di pa narereveal na siya at si Peia short for Cassiopeia ay iisa)
Habang nakaupo ako rito sa Parke ay may narinigakong kaluslos. Nagtingin tingin ako sa may paligid ng may tumalon sa puno na nasa harapan ko. Dahil sab pagiging alerto ko ay bigla akong tumayo at nag fighting position.
"Tsk" Sabi nung lalaki at inirapan ako
Kumalma ako at tumayo ng maayos tisaka siya tinignan. Bakla ata to eh, makairap wagas.
Pero teka? Parang kilala ko siya. Hmm... Ahh naalala ko na. Siya yung katabi ko kanina. Yung nakadukduk, di man lang sinita ng guro tsk.
Di ko nalang pinansin at kumain na.
"Staring is rude" dahil kanina ko pa ramdam na nakatingin ito sa akin.
"Tsk" andiyan na naman yung pambansang linya niya.
Umupo siya sa tabi ko at sinandal ang kaniyang likod sa may puno sabay takip ng mata gamit ang kaniyang kamay.
I just ignore him again and continue to eat.
Nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako at naglakad pabalik ng room. Nakasalubong ko naman si kuya Erick. Nginitian ko lang ito at hindi na nagantay na suklian niya iyon ng ngiti dahil nilagpasan ko na siya.
Umupo na ako sa upuan ko kasunod yung lalaking antukin na kanina pa pala nakasunod sakin.
Pumasok na din ang guro at nagturo na. Di ako ulit nakikinig at dun sa may bintana ulit ako nakatutok.
Di ko din namalayan na tapos na ang klase at kaming tatlo nalang ang nandito.
Sinu yung dalawa kong kasama? Edi yung lalaking katabi ko at si Kuya Erick dzuh.
Kinuha ko na ang gamit ko at lalabas sana kaso hinarangan ako ni kuya erick.
Napakunot naman ako dito.
Tinignan niya ako ng mariin at inilapit ang kaniyang mukha. Napaatras naman ako ng kunti
"Parang familiar ka sakin. Nakita na kita somewhere di ko lang matandaan" sabi nito at inusisa ako.
Bigla akong kinabahan ngunit di ko yun ipinakita sa kaniya.
"Nakasalubong kita kanina at nginitian bago ako pumasok" cold na sabi ko
Mukhang naniwala naman siya. Kaya nilagpasan ko na siya at umuwi na. Buti nalang di ako kinulit nung lalaki kanina na di ko pa alam kung anong pangalan tsk.
Dumiretsyo na ako sa kama ko at nagdive duon.
Subrang nakakapagod pala ng ganito pero nakakaexcite. Dahil nga diba nakulong ako sa mansiyon since im a baby.
Kumuha ako ng chemistry book dun at nagbasa hanggang sa makatulog ako.
Hayst what a long day
-----------------------------------------------
Update done.Sorry for the short update but i hope you like it. Kamsa
~Ms. Peia