PRINCESS CASSIOPEIA POINT OF VIEW
Ringgggg.... Ringgg.. Ringgg
I turn of the alarm and get up.
First day of school pala ngayon. Yes na accept ako sa paaralan na pinag enroll'n ko. Tinawagan nila ako kahapon lang din. Gabi na ata yun. Nagulat pa nga ko eh dahil sinu ba naman ang tatawag sa gabi diba?
Bumaba na ako at pumunta sa may kusina. Nagluto ako ng makakain ko. Bacon and egg lang yung niluto ko tas nag timpla ng juice.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa cr at naligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagpalit na ako. Masasabi ko na bagay naman pala itong school uniform ko saken. To be honest, di naman required na mag uniform pero gusto ko lang ahahaha. First time ko kaya magsuot nito. May kaiklian nga lang ang palda pero ok lang naman.
Sumakay na ako sa taxi at nagtungo sa school.
Pagkapasok at pagkatapak ko palang ay may tumitingin na sa akin na mga studyante. Mga mapanghusgang mga tingin ang ipinukol nila sakin. But i dont mind as long as alam kong makakapag aral na din ako ng normal kagaya nila.
Pumunta muna ako sa Deans office dahil kukunin ko pa dun yung sched ko at aalamin ko pa kung saan roombat kung anu ang section ko.
Pagkadating ko sa Deans office ay kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko nanaman sina kuya. Mamaya pa siguro yung class nila.
"Narito po pala ako para alamin kung saan ang room at kung ano ang sec ko. Gusto ko din po na malaman kung ano po yung sched ng class ko" straight to the point sa sabi ko.
"here. Kaklase mo pala itong kapatid kong si Erick. Siya na ang sasama sayu upang maihatid ka sa room mo" tumango naman ako sa kaniya.
"S-class pala ang pangalan ng sec mo. Goodluck"
Pagkatapos niya iyong sabihin ay lumabas na kami ni kuya Erick at pumunta sa room. May mga nagbubulungan ng kung ano ano pero di ko nalang sila pinansin.
Nasa harap na kami ng room. Kumatok muna ako. Una siyang pumasok bago ako. Pumunta siya sa upuan niya habang ako nag stay sa harap dahil sabi na rin ng guro.
"Introduce yourself miss"
"My name is Pain Alvarez. Half korean, half filipino. Im 15 years of age" pagpapakilala ko at yumuko.
"You may now take your sit Miss Alvarez" tumango naman ako at nagtungo sa pinakalikod.
Umopo ako sa tabi ng nakalalaki na ito na nakadukduk ang ulosa lamesa. Nagtaka ako dahil sa mga tingin ng mga babae sakin pero ikinibit balikat ko nalang.
Nagsimula na ang pag klaklase ng guro. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi ng guro at nakatutok lang ako sa may bintana.
"Thats all for today. Good bye"
Di ko manlang napansin na tapos na pala ang first class.
May pumasok ulit na guro pagkatapos ng ilang minuto. Naka dukduk parin ang ulo ng katabi ko sa lamesa. Tulog ata ito. Pero nakapagtataka dahil di siya sinisita ng guro.
"Bring out a one whole sheet of paper and answer the questions that provided in the test paper that i have distributed"
Naglabas ako ng papel.
Habang nagsasagot ako nito ay napansin ko na di padin gumagalaw itong lalaki na katabi ko at patuloy na natutulog.
Tinapik ko ito
"Gising. May sasagutan tayo" sabi ko habang tinatapik ko siya.
Nagising ko naman siya. Tinitigan ako nito ng masama at inikutan ako ng mata.
Bakla ba ito?
Di ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagsagot. Di naman siya mahirap kaya natapos ko ito kaagad. Ipinasa ko ito sa guro.
Nakita ko ang pagtataka sa mata nito kaya nagtaka din ako. Magtatanong na sana ako kase di ko ito natuloy dahil may bumangga sa may balikat ko at pinasa ang kaniyang papers.
Nainis naman ako kaya inikutan ko ito na mata. Bumalik na ako sa upuan ko at ipinatong ang ulo ko sa lamesa.
Nakakabanas naman tsk.
"if tapos niyo na ang pagsagot. You may now take your break"
Pagkasabing pagkasabi ng guro iyun ay tumayo na kaagad ako at lumabas. Pumunta ako sa may parke at dun umopo.
Haystt.
Kumain ako ng baon ko at nagpahinga ng kunti.
Maya maya ay may narinig akong kaluskos. Nagtingin tingin ako sa paligid ngunit wala naman.
Nagulat nalang ako nung may tumalon mula sa puno.
Naging alerto naman ako kaya napatayo kaagad ako at nag fight position.
------------------
Update done~Ms. Peia
To be continue💜