“Niko, sasama ka sa akin?” tanong ng papa ni Niko. Bigla siyang nabuhayan sa kanyang pagkakaupo dahil inaya na ulit siya ng kanyang ama na sumama sa operasyon nito na mang-raid.
“Opo, mag bibihis lang po ako!” masiglang tugon ni Niko sa ama.
“Hintayin kita sa kotse.” sabi ng ama.
Matapos mag bihis ni Niko ay agad na siyang pumunta kung nasaan ang kanyang ama.
“Malaking operasyon po ba 'yan pa?” tanong ni Niko sa ama habang umaandar ang sinasakyan nilang kotse.
“Hindi naman anak, may report lang akong natanggap mula sa opisina na ako na daw ang mag imbistiga sa nasabing abutan ng mga droga na nasabutahe.” kwento ng ama.
“Syempre, kayo ang mataas sa squad niyo pa eh hahahahaha.”
Habang nag kukwentuhan ang dalawa ay tumigil na ang sinasakyan nila at marami ng mga PDEA ang naandoon sa naturang lugar.
“Kio! Kasama mo pala ang future detective mong anak.” sabi ng kasamahang PDEA ng kanyang ama habang turo kay Niko.
“Haha, oo, para pati matuto siya kung paano ang tamang pag-iimbistiga.” pagmamalaki ng kanyang ama sa kanya.
Ngumiti-ngiti lamang si Niko sa mga kasamahan ng kanyang ama.
“Ano pala ang balita d’yan?” tanong ng ama ni Niko sa kasamahan nito.
“Sir, may namatay d’yan sa loob na isa, pumalag eh.” sabay tawa.
Habang si Niko nag-iisip kung bakit kailangang patayin 'yon.
“Ang mga droga? Pera? Na’nd’yan pa sa loob?” tanong ulit ng ama niya habang siya ay nakikinig.
“Opo sir, nasa loob pa, pero 'yong mga suspek nasa loob na ng truck. May isa lang pong namatay.”
“Sige, papasok na kami, tara anak.” sumunod naman agad si Niko sa ama.
Pumasok sila sa parang bodega na lugar at nakita nila na magulo ang loob.
“Anak, mag gloves ka, baka kung ano ano hawakan mo eh.” natatawang sabi ng ama. Umiling-iling na lang si Niko at nag patuloy na ring sumuri sa lugar.
“Tagong-tago ang lugar ano anak? Sa ganitong lugar kasi madalas nag aabutan ng mga droga.” pagkukwento ng ama.
“Bakit po sa ganito?” tanong ni Niko.
“Kasi maraming makakakita kung sa mataong lugar sila, isa pa, safe 'yong lugar, walang katao-tao at wala talagang makakapag-sabi na may nagaganap na abutan ng droga dito.”
“Paano po nalaman na may abutan dito?” tanong ulit ni Niko sa ama.
“Ayon, may asset kaming inilagay, na kasama sa abutan ng droga na 'to, syempre bago siya pagkatiwalaan ay kailangan niyang maging matalino at 'yong hindi siya mapagkakamalang asset namin.” sagot ng ama.
“Tingnan mo ito anak.” pinakita ng ama niya 'yong malalaking bag na nag lalaman ng sobrang kapal at daming pera.
“Wow.” nasabi ni Niko.
“Ganiyan karami ang halaga nitong isang bag na ito.” sabay turo sa puting pakete na parang tawas.
“Ganyan 'yan kamahal?” tanong ni Niko sa ama.
“Oo, imported na droga yata ito, pero durog na.”
“Malaki po pala ang kinikita sa ganyan ano, Pa.” sabi ni Niko.
“Oo anak, kaya kapag naging ganap ka ng detective, kung gusto mong tumaas ang rango mo, mag volunteer ka na agad na maging asset, pero syempre kailangan mong maging maingat.” sabi ng ama niya.
Tumango-tango lang si Niko bilang sagot dito.
Mayamaya pa ay natapos ang pag-iimbestiga nila at umalis na sila sa naturang lugar.
---
“Niko!”
Napalingon si Niko sa tumawag at nakita niya ang kaibigan niyang si Elvis na palapit sa kanya.
“Oy Elvis.” bati ni Niko.
“Papasok ka na?” tanong ni Elvis kay Niko.
Napailing-iling agad si Niko sa tanong ng kanyang kaibigan.
“Alam ko na 'yan. Pre ayoko mag absent, kailangan kong makatapos ng pag-aaral, matanda na ang papa ko at kailangan bago siya mag retiro ay ganap na akong detective.” sabi ni Niko sa kaibigan.
“Grabe ka naman, hindi ka na maaya ah, kasiyahan lang naman ito, tsaka promise mamaya papasok tayo, at tatapusin pa natin ang klase.” sabi ni Elvis pero matigas si Niko at gusto talaga nitong mag-aral ng mabuti.
“Sige ikaw bahala, walang sisihan ha.” sabi ni Elvis sabay ngiti.
Nag taka naman si Niko bigla.
“May dala ka?” bulong ni Niko kay Elvis.
Tumaas-taas ang kilay ni Elvis. “Oo pre,” lumingon-lingon muna si Elvis para siguraduhing walang taong nag mamasid sa kanila sabay hugot sa kanyang bulsa.
“Isang pakete ng marijuana.” bulong ni Elvis kay Niko.
Biglang kuminang ang mata ni Niko at sumunod na rin siya kay Elvis.
Alam ni Niko na gumagamit siya ng marijuana at naadik na siya rito, pero kahit kailan ay hindi pa niya nasusubukan ang shabu dahil mahal ito at sapat lamang ang kanyang pera para sa kanyang pag-aaral, pero kahit gano’n ay kuntento na siya sa pag mamarijuana niya kasama si Elvis.
Alam niyang mali lalo na at isang PDEA ang kanyang ama, kaya hangga’t maaari ay doble ingat ang kanyang ginagawa.
-----
ON GOING
SIGURO MAG SSTART AKONG SIMULAN ITO MGA AUGUST OR SEPTEMBER 2020
BINABASA MO ANG
Something New
Mystery / ThrillerHindi maintindihan ni Niko kung bakit niya nagagawa ang isang illegal na gawain. PDEA ang papa niya at alam niyang sa maling kilos niya ay mahahalata siya nito. Alam niyang mali pero dahil kumikita siya ng pera dahil sa pagbebenta ay naisipan ng kai...