"Gusto ko lamang sa buhay ay dumami pera ko..." Pinalitan ko lyrics ng kantang ginamit sa isang sikat na brand ng biskwit. Ang corny kasi no'ng orihinal.
Kasalukuyan akong nag-uurong ng kalderong nilutuan ko ng pancit canton. Syempre sa kaldero na rin ako kumain para mas tipid sa tubig at dishwashing liquid.
Shit ang taba talaga ng utak ng Sephine Grace Cruz.
Nilalagay ko ang kaldero sa tamang lagayan nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jasmine at iniluwa siya nito.
"May almusal na akong hinanda diyan sa mesa, tanggalin mo nalang yung takip. Hindi sana kita bibigyan pasalamat ka 'di rin kita natiis." Sabi ko habang tinatanggal ang tali ng apron ko.
"Thank you," aniya habang yakap-yakap ako, back hug.
"Sorry na rin... Dapat hindi ka na nag-abala pa sa pagbili sa akin ng almusal, nabawasan pa tuloy allowance mo. Bakit kasi ayaw mong bayaran kita sa lahat ng ginagastos ko rito? Mayaman naman ako," dagdag pa niya.
Totoo naman. Sa aming dalawa ay siya talaga ang mayroong marangyang pamumuhay. Nagkataon lang na nagkaroon siya at ng mama niya ng alitan. Ayaw kasi ni Tita Jade kay Stephen dahil nalaman niyang pangit ang credentials niya sa university namin. Kaya ang nangyari, ang bruha, lumayas. Two weeks nang nakatira sa pamamahay ko.
"Mayaman ka nga, wala ka namang pambayad. Hindi ba cut ang credit cards mo? Php 500 nalang din laman ng pera mo." Kinalas ni Jasmine ang yakap niya sa akin at humarap ako kaniya. Ayaw ko namang hingian siya ng pera dahil alam ko naman ang pakiramdam nang nagigipit.
"Ayos lang Seph. Uuwi na raw si Kuya Jonas galing Canada! Pinakilala na kita sa kaniya dati diba? Bibigyan niya ako ng pera pati pasalubong, gusto mo bang--"
"Hindi ako sasama kaya mo na 'yan mag-isa." Inunahan ko na siya dahil halos lagi niya akong isinasama sa mga pinupuntahan niya simula pa noong 16 kami, 20 na ako ngayong taon.
'Bff goals' daw kasi iyon, sabi niya, Wala rin namang kaso sa akin dahil nalilibre niya ako.
Pero shit! Si Jonas? Shit na shit! Ayaw ko talaga siyang makita!
"Bakit naman?" Umupo na siya sa isa sa mga upuan ng 'dining set' kong hindi naman talaga masasabing set dahl iba-iba ang itsura.
Nilantakan na niya ang niluto kong pancit na nagkumpul-kumpol na dahil nawalan na ng init.
Ang bait din nito 'no? Kinakain pa rin yung niluto kong nanigas nang pancit canton?
Umupo nalang din ako sa harap niya para mas maayos kaming makapag-usap.
"Maghahanap ako ng trabaho," sabi ko.
Pero hindi talaga ako maghahanap ng trabaho dahil nakatatanggap naman ako ng allowance sa university. Alam ko namang sapat na iyon para tustusan ang aking sarili.
"Oh talaga? Walk-in ba pwede? Ako nalang ang sasama sa'yo para may kita na rin ako..." Ayaw ko! Kasi non-existent naman yung 'trabahong' pupuntahan ko!
"Ha? E--"
"Hatdog," pagpapatigil niya sa akin, nang-aasar.
What a Gen-Z bitch.
"Gago ka ah," puna ko.
"Eto naman kung makamura, joke lang naman... Labyu!" Ubos na niya yung canton na niluto ko.
"Kailan ba kayo magkikita ni K-Kuya Jonas?" Ibinalik ko ang usapan nang makaisip ako ng rason.
"Sunday ngayon, hindi ba? Edi sa Wednesday sana kasi wala tayong klase buong araw no'n."

YOU ARE READING
The Tables Have Turned
RomanceMaybe what you wish to change is the one that will change you.