"Pakyu!" Iyan ang unang narinig ko pagdilat ko ng mga mata ko. Ayaw ko pang gumising!
"Bahala ka sa buhay mo!" Iritado akong napapadyak sa kama. Talagang napakaingay mo Jasmine, ibang klase ka talaga. Naalala ko tuloy yung pamangkin ni CongTV...
Lahat kaya ng Jasmine maiingay?
Dahil hindi na ako ulit dinalaw ng antok, bumangon na ako at lumabas ng kwarto para harapin ang pinagmulan ng ingay. Wow shet ang ganda ng bungad sa akin ng Lunes.
Naabutan ko siyang nakasalampak sa sahig namin sa kusina habang nakadukdok siya sa kaniyang teleponong parang gusto nang pumanaw sa dami ng gasgas.
"Ano nanaman ba problema mo? Alas-otso pa lang ng umaga!" Puna ko sa kaniya habang nakaturo ang kanang kamay ko sa orasang nakasabit sa dingding ng aming apartment.
Parang gusto ko nang maghanap ng bagong malilipatan.
"Paano kasi si Stephen nakikipag-hiwalay sa akin..." Naiiyak niyang tugon. Ang galing, pwede siguro 'tong maging artista, nakakapag-palit agad ng emosyon.
"Ng 8am? Ganito na pala uso ngayon, bakit di ako aware?" Kumuha ako ng tubig sa lababo para ipangmumog.
"Tanga, kanina pang 6 am siya nag-chat sa Messenger. 7 am ko nabasa, 7:15 ako nagreply pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagrereply sa'kin! Seenzoned ako!" Hala iiyak nanaman siya. Pero bago ko siya bigyan ng paki, nagmumog muna ako. Breath is health.
"Akala mo naman worth it si Stephen The King kung makadabog ka diyan, nanggigising ka pa ng iba." Umupo ako sa sofa naming limang beses na naming inaayos ang nabubuay na paa. Ilang dekada na rin kasing ginagamit.
"Grabe ka naman kung makabangsag Seph. Mabait naman yung tao..." Tumingin siya sa akin nang masama.
"Oo mabait si 'King' sa'yo at sa labing-dalawa niya pang flings!" Na lantaran pang pinapakita sa jowa before now ex niyang akala mo nawalan ng tirahan sa sobrang lungkot. Bagay na bagay talaga ang King sa kaniya! Isa siyang hari sa kama!
"Hindi mo lang kasi ako maintindihan!" Umalis siya sa haparan ko at pumasok sa kwarto niya. Ang lakas pa ng pagkakasara sa pinto. Akala mo may pamalit, mahirap lang naman ako, at naghihirap siya sa kasalukuyan.
Magkaiba 'yon.
"Hoy! Bumalik ka rito hindi ka pa nagluluto ng almusal ikaw ang nakatoka ngayon!" Taragis naman talaga.
Kaya ayaw ko ng buhay may boyfriend. Pahirap lang 'yan sa buhay!

YOU ARE READING
The Tables Have Turned
RomanceMaybe what you wish to change is the one that will change you.