( Kinabukasan sa canteen )
Kasalukuyang tumatakbo si Taehyun papunta sa canteen para makipagkita kay Hanalen upang sabihin na nagkakamali sya at di na sya pwede sagutin ni Hanalen dahil ihihinto na nito ang panliligaw nya kay Hanalen dahil iba na ang tinitibok ng puso nito. At iyon ay para kay Hana na.
Di man sabihin ni Taehyun sa lahat pero matagal na itong nahulog kay Hana simula nung pangatlong beses na syang nakakatanggap ng sulat dito. Nakita nya na hindi lang si Hanalen ang babae sa mundo. At may isang babae ang nararapat para sa kanyang pagmamahal na di gaya ni Hanalen ay sinasayang lang ito.
Oh diba! Galing ni author mag tagalog, yaan nyo na at mahina ang sa english T.T *sob*
Btw eto na ngaaa! Tumatakbo na si taehyun at pagkadating nya sa canteen ay hindi sya makapaniwala sa nakita nya.
Ang lahat ng tao ay nakatingin sa kanya pagpasok nya at nakangiti na para bang binabati sya ng 'congrats' pero di nalang nya pinansin ito at agad na hinanap si Hanalen.
Nang makita sya ni Hanalen ay agad na tumakbo si Hanalen sa kanya at niyakap ito at gulat na gulat naman si Taehyun sa ginagawa ni Hanalen.
"Yes, Kami na ni Taehyun! Ang swerte ko noh" sigaw naman ni Hanalen para magsipalakpakan naman ang mga estudyante sa loob ng canteen at yung iba ay kinikilig pa sa kanila dahil nakayakap pa din itong si Hanalen na parang malanding linta-- chos kay Taehyun ngunit hangang ngayon at gulat na gulat pa din si taehyun (imaginin nyo yung mukha nya sa mga reaction video nila •o• huhu)
Napatingin naman sa bandang likod si Taehyun at nakita nya si Hana na may hawak na mop na nakatingin sa kanila at parang nalungkot. Nung napansin ni Hana na nakatingin sa kanya si Taehyun ay agad itong umiwas at umalis sa kanyang pwesto.
Akmang hahabulin nya sana ito nang biglang hawakan ni Hanalen ang kamay ni Taehyun ng mahigpit at nginitian ito.
Agad naman nyang hinila si Hanalen palabas ng canteen.
"Hanalen. Bakit mo pinagkalat na tayo na??"- Taehyung
"Bakit? Diba dapat maging masaya ka sa after 1yr sinagot na kita?"- Hanalen
"H-hindi nagkakamali ka, m-may sasabihin ako sayo--" -Taehyun
"Pwede ba? Unang araw palang ng relasyon natin inaaway mo na ko? Ineexpect ko na magiging masaya ka pag sinagot kita pero ano to?"- Hanalen
"H-hin--" -Taehyun
"Mauna na ko. Lilipas din to"
Iniwan naman nya si Taehyun na nakatulala pero agad din itong natauhan ng matanaw nya si Hana na tumatakbo papasok ng room nila. Iniisip nya kung umiiyak ba ito kaya agad sya tumakbo papunta sa room nila.
"Hana"- Taehyun
Nakayuko si Hana pero nung narinig nya yung boses ni Taehyun ay parang nagulat ito at umiwas ng tingin sa binata kaya agad na lumapit si taehyun sa kanya.
"P-pwede ka ba makausap?"- Taehyun
Halata mo kay Hana na umiyak ito at malungkot pero ngumiti lang ito ng tipid at lumabas na ng room at sinundan naman sya ni Taehyun.
Nauunang maglakad si Hana at nasa likod lang nya si Taehyun na sumusunod.
Huminto si Hana ng makarating sila sa likod yung saan ay matatagpuan ang garden ng kanilang school na halatang napabayaan na.
"A-ahh T-taehyun..ano ba yung sasa--" di na natuloy ni dalaga yung sasabihin nya dahil biglang nagsalita yung binata.
"Bakit di ka na naghuhulog ng letter sa locker ko.." Seryosong tugon ni Taehyun habang nakatingin sa kalangitan. Nahihiya din sya kay Hana kaya di sya makatingin ng deretso dito.
"A-ah..a-ano kasi...b-busy ako nung mga nakaraang a-araw..."- Hana
"Diba sabi mo kahit gaano ka pa ka busy maglalaan ka pa din sakin ng oras? Susulatan moko, tatawagan." Ngayon ay nakatingin na ito kay Hana na ngayon ay nakayuko.
"Ah ano kasi...Naisip ko na baka sinagot ka na ni H-hanalen kaya wala nakong magagawa...Tama naman yung hula ko..hehe sorry" sabi nito na nakayuko at nakaharang ang buhok nito sa kanyang mukha.
"Nagkakamali ka...ang totoo nyan wala nakong nararamdaman sa kanya simula nung nabasa ko yung mga letters mo sa locker ko" Sabi ni Taehyun at tumingin kay Hana. Iniintay nya itong tumingin sa kanya at ngitian sya dahil sa tuwa pero nakayuko pa rin ito.
"W-wag mo na ko biruin. Ang saya nyo nga kanina nung pinagkalat nyang kayo na.."- Hana
" Nawalan na kong ng pakialam sa kanya simula nung nababasa ko na yung pinakamabangong letter na natatanggap ko.."- Taehyun
"M-mauuna na ko sa roo--"maglalakad na sana si Hana paalis ng hilahin ito ni Taehyun at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat.
" Gusto kita Hana. " deretsong sabi ni Taehyun habang nakatingin sa mga mata ng dalaga na ngayon ay gulat na gulat.
Hinawakan naman ni Hana ang mga kamay nito at inialis sa mga balikat nya.
"H-hindi porket alam mong gusto kita Taehyun ay papaasahin mo na ko ng ganito..napaka unfair mo naman na sa kabila ng lahat paglalaruan mo lang yung damdamin ko sa yon na halos 4yrs kong tinatago!" Sabi ni Hana habang bumubuhos na ang kanyang luha na kanina pa nya pinipigil.
"Pwede ba? Mamamahinga na ko kakahabol sayo kasi tanggap ko naman na. Una palang na nagpapadala ako sayo ng letter...inaral ko nang tanggapin kung ano man mangyari ay tatanggapin ko. Tama ako na dadating din tong araw na to na sasagutin ka ni Hanalen, k-kaya masaya ako para sa inyo..lalo na sayo dahil alam kong matagal mo nang inaantay ang oo nya" Sabi ni hana at ngumiti ng tipid
"D-dapat di mo nalang ako nakilala bilang Hana para ako nalang magaadjust ang tanggapin lahat ng katotohanan"-Hana
"Hindi! Hana totoo tong nararamdaman ko sayo. Gusto kita. Simula nung pinadalhan mo ko ng sulat. " Seryosong tugon ni Taehyun.
"Kung gusto mo ko dapat hininto mo na panliligaw mo kay hanalen dahil ayaw moko masaktan...pwede ba wag mo na ko saktan ng pangalawang beses at paasahin. Nakakapagod din. Wag ka magalala di na kita kukulitin" Sabi ni Hana at naglakad na paalis ng garden
Naiwan naman don si Taehyun na nakatulala lang at nagsisisi na dapat sa una palang ay itinigil na nya ang panliligaw nya kay Hanalen.
Huhu
BINABASA MO ANG
yow taehyun | Taehyun ✓
Hayran Kurgu[COMPLETED] "ʏᴏᴡ ᴛᴀᴇʜʏᴜɴ! ɴᴏᴛɪᴄᴇ ᴍᴇ ꜱᴇɴᴘᴀɪ!"~ Wishing na manotice ni crush pero di ginamit ang tunay na pangalan? WARNING! MAY PAGKAJEJE AKO DITO KASI KABADO PAKO MAGSULAT!! FIRST STORY KO ITO NG TXT KAYA PAGPASENSYAHAN NYO NA TULUGU HHAHA _________...