( Taehyun's )
1 month na nakakalipas simula nung huling usap namin ni Hana sa garden. Kinulit ko sya non at nagsorry ako pero sabi nya lang ayaw nya sirain ang relasyon namin ni Hanalen. Kaya simula non di ko na sya kinulit pa. Nga pala pupunta nga pala si Hanalen para sunduin ako dito sa dorm namin, di ko nga alam kay hanalen kasi simula nung sinagot nya ko ay napaka clingy nya sakin. Di naman sya ganto sakin dati. Umabot pa sa puntong sya nagaaya lumabas sakin at tumatanggi at nagdadahilan lang ako para di kami matuloy. Ngayon ay pupunta sya dito sa dorm di ko alam kung bakit?
*knock* *knock*
Lumabas ako sa kwarto ko ako lang magisa sa dorm namin kasi umalis silang 4 namasyal di ako sumama nakakatamad lumabas e.
"Hi babe!"- Hanalen
"h-hello. Bakit?"
"Hmp! Di mo manlang ako babe papapasukin? Ang init kaya!"- Hanalen
"A-ah. Sorry tara"
Pumasok na kami sa loob at naupo sa sala.
"Teka babe? Kakagising mo lang ba? Mukhang di ka pa naliligo. Kumain ka na ba? Ipaghan--"-Hanalen
"A-ano..okay lang ako. Tinatamad pa kasi ako bumangon" sagot ko sa kanya
"Babeee. Kaya ako nagpunta dito, gusto ko na lumabas tayooo pleaseee?"- Hanalen
"Ano...pwede bang n-nextime nalang??" Pagdadahilan ko.
"Babe sige naaa. Sayang naman tong outfit ko..please? Mabilis lang kakain lang ganon please?" Sabi naman ni Hanalen at hinawakan ang kamay ko.
"T-teka...maliligo lang a-ako" sabi ko at tumayo na.
Pagkatapos ko maligo ay lumabas na kami ni Hanalen at kumain sa labas pagtapos namin kumain ay niyaya ko na sya umuwi pero di naman sya sumang-ayon.
"Pero gabi na Hanalen...hahatid na kita sa inyo"
"Nooo..tagal na nga nating di nagdedate lagi ka kasing di pwede"- Hanalen
"Nextime nalang gabi na kasi hanalen"
"BABE! ano ba kelan mo ba ko tatawaging Babe?!?!" Sigaw sakin ni Hanalen
"S-sorry..."
"Psh lagi ka nalang ganyan. Uuwi na ko wag mo na ko ihatid."
Tinawag ko pa sya pero di naman sya lumingon. Sa totoo lang wala nakong nararamdaman para sa kanya. Kahit anong gawin nya. Wala na talaga di gaya dati patay na patay ako sa kanya pero ngayon wala na.
Umuwi na ako samin at natulog. Tutal kakakain ko lang naman.
Di rin ako nagsorry kay hanalen sa chat. Di ko kaya.
( Hanalen's )
"So hangang kailan ka magtitiis jan kay taehyun girl?" Nandito ako now sa bar nila ina nagpapalamig argh feeling ko napapahiya ako sa taehyun na yon. Kundi lang talaga para jan sa hana na yan.
"No. Gusto kong mabaliw ng sobra yang si Hana na yan at mamatay sa inggit, di pa ko nakakaganti sa kanya sa pamamahiya nya sakin!"
Arghh may araw ka din sakin Hana.
( Hana's )
Nandito ako ngayon sa kwarto ko grabe. Mababaliw na ko sa sobrang bored ano ba pwedeng gawin??
Dahil nga sa bagot na bagot na ko ay napagdesisyunan kong magligpit ng study table ko grabe kalat kalat. Di naman kasi talaga ko nauupo jan dahil sa totoo lang di naman ako pala aral na tao HAHAHA, nauupo lang ako jan pag gumagawa ako ng sulat kay ano.
Taehyun..
Ay oo nga pala. Linggo na din nakakalipas simula nung di ko na pinapansin si Taehyun kasi hiyang hiya ako, alam na nya lahat tungkol saakin at kung paano ako patay na patay sa kanya. Dapat kasi nung nararamdaman kong alam na nya tinigilan ko na eh!
Binuksan ko yung box sa ilalim ng table ko. Punong puno ng picture to ni Taehyun. Oo ganon ako patay na patay sa kanyaaa HAHAHA
Sa loob nang box andon yung papel na lagi kong ginagamit sa tuwing susulat ako kay Taehyun.
Binalik ko na ulit yung box sa ilalim ng table at baka magbago isip ko makapagsulat ulet ako sa kanya. Marupok ako e HAHAHA
Napatingin naman ako sa kalendaryo. Waaaah! Omg, Birthday na pala ni Taehyun next week:(
Sige magpabebe ka pa hana, ikaw nga yung may kasalanan jan ikaw pa galet di ka naman maganda.
Mga 3hrs ko din napag isip isip ang plano ko sa birthday ni Taehyun. Magsosorry na ko sa kanyaaa pero shempre gusto ko bongga yung sorry ko papatalo ba ko HAHA wala na kong pake kung anong sasabihin ni Hanalen basta alam ko mas maganda ako sa kanya.
So bali ang plano ko. Tutal nextweek sabado pa naman birthday nya kaya marami pa akong araw para magplano, balak ko din kausapin yung mga kaibigan nya. Alam kong sila lang makakatulong sakin huhu
Papalabasin ko na lastweek ko na sa school na yun at lilipat na ko ng ibang school. Oh diba ang bongga HAHAHAHA wala na kong pake kung may pake sya o wala, balita ko gusto daw ako makausap ni taehyun pero umiiwas talaga ko sa kanyaa.
Simulan ko na nga kausapin yung mga kaibigan nya. Naeexcite ako sa plano ko omg SORRY TAEHYUN KOOO~
![](https://img.wattpad.com/cover/216709641-288-k242055.jpg)
BINABASA MO ANG
yow taehyun | Taehyun ✓
Fanfiction[COMPLETED] "ʏᴏᴡ ᴛᴀᴇʜʏᴜɴ! ɴᴏᴛɪᴄᴇ ᴍᴇ ꜱᴇɴᴘᴀɪ!"~ Wishing na manotice ni crush pero di ginamit ang tunay na pangalan? WARNING! MAY PAGKAJEJE AKO DITO KASI KABADO PAKO MAGSULAT!! FIRST STORY KO ITO NG TXT KAYA PAGPASENSYAHAN NYO NA TULUGU HHAHA _________...