Raven's POV
Tumatakbo ko papunta sa sakayan ng tricycle hanggat sa makita ko yung lalaking nanliligaw sa ex ko,hmph ang panget nya!
Hoy! Raven pangalan mo di ba? Ex ka ng nililigawan ko ah,kaya pala iniiwan ka kasi kahit pamasahe manlang wala ka!-bulyaw nya sakin habang nakasakay sya sa bulok nyang mio
Sus! Eh iiwan ka din naman nya,ako naman talaga yung mahal nun eh,bale sabihin na nating pampalipas oras ka lang.
Booooooooooogggggsssssshhhhhhh!!!!!!!!
Sa Eskwelahan
Sa pagpasok sa umaga ay hinahanap ko na ang isang babaeng gusto ng bayan.Marahil kung titingnan ay isa syang simpleng dalaga ngunit sya ang babaeng nagpabago ng buhay ko.
Sya si Grace isang magandang babae,may katamtamang balat,balingkinitang katawan,singkit na mata,mahabang itim na buhok,hindi katangusang ilong at mapupulang labi.
Ako naman si Raven Sayson,isang simpleng lalaking nagmahal,nasaktan,nakipagbalikan,iniwan,pinalitanss,nakipagbalikan,nasaktang muli,hanggat sa matutong mahulog sa iba.
Pardssssssss anong nangyare dyan sa mata mo?!-sigaw ng bungangera kong bespren
Wala to nabangga lang ako sa poste kahapon-pagsisinungaling ko
Sumeryoso naman agad ang muka nya at pinagbantaan ako,Sinong may gawa nyan at ituro mo sakin,pards seryoso ko,wag mong hintaying magalit ako sayo.
Nakikita mo ba ung lalaking nakaupo sa bench sa may field-mabilis na pag-amin ko,nakakatakot kasi baka ako pa maulanan ng galit nito.
Ahhh yung manliligaw nung ex mong panot!,ako bahala dyan.-wala pa naman akong sinasabi,tamang hinala talaga mga babae ngayon.
Hinawakan nya yung kamay ko sabay hila sakin papuntang field at mabilis na tumakbo na parang hinahabol ng aso.
Pagkatapos naming tumakbo pababa ng tatlong hagdanan at tumakbo ng ilang metro ay naisipan nya ring huminga sa ilalim ng paper tree.
Pards dito ka lang ah,panuorin mo yung gagawin ko-naglakad sya paalis pero bigla rin naman syang bumalik sakin at tiningnan ung black eye ko.
Kaliwang mata,tamang tama malakas yung kanang kamay ko ngayon,hintayin mo lang ako dito ah,magpahinga ka saglit.-at tuluyan na nga syang pumunta sa kinaroroonan ng lalaking sumuntok sakin kahapon
Tanaw na tanaw ko sila dito sa pwesto ko,parang inaakit nya yung mokong na yun halata kasi sa paghawi hawi nya ng buhok nya at pagpapuppy eyes ng mata nya,wag nyang sabihin na type nya yun eh ang sagwa ng itsura nun.
Nagulat na lang ako ng bigla nyang sinuntok yung panget na yun sa kaliwang mata,hindi agad ako nakagalaw dahil sa pagkagulat,hindi ko alam kung matatawa ba ko o matatakot para sa bespren kong tumatakbo na ngayon papunta sakin.
Bespren!takboooooooo na!-hinablot nya nalang bigla yung kamay ko at hinila ko papunta sa room namin,at yun na nga tumatakbo na naman kami pero ngayon kabayo na yung humahabol samin.
Hahahahahahaha grabe ang dali lang palang akitin ng lalaking yun,ayus ba yung ginawa ko bespren?-natatawang tanong nya habang naghahabol ng hiniga
BINABASA MO ANG
The Truth Behind the Broken Heart
Cerita PendekThis is a different stories having a sad endings that causes a heart to be broken.